Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Daniella Torino Jun 2017
Naaalala ko
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.

Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.
Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggagalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.

Tapos heto,
hinahanap pa rin
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang paghahanap ay kasunod ang kawalan.

Ngunit,
ako'y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba.

Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at sasabihing:
“ikaw ang dulo, gitna, at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang ilang libong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.
Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.

Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang PAG-IBIG mo.
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
astrid Feb 2019
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
Karl Gerald Saul Aug 2011
Kaibigan,



Naalala mo pa ba ang masasaya nating kwentuhan?

May konting joke lang iyo mo na agad tatawanan,

Sumasabay pa ang mga laway **** nagtatalsikan,

Na nagkalat sa mukha kong iyo mo pa ngang pinupunasan.



Sa kanto,



Naalala mo pa ba ang ating istambayan?

Nagpapasama ka sa’kin matanaw mo lang ang crush **** dadaan,

Ngunit dedma ka, hindi ka nilingon kahit sinigaw mo na ang pangalan,

Kaya minsan umuuwi tayong ikay bigo at kung minsan ay luhaan.



Sa tabing ilog,



Iyo mo rin bang naaalala’t natatandaan?

Sa puno ng mangga doon tayo nagtayo ng bahay-bahayan,

Dun tayo nagdadala ng pagkain para sabay tayong mananghalian,

At dun ko na saksihan ang iyong kakaibang katakawan.



Pagkatapos ng bakasyon,



sabay tayong pumapasok sa eskwelahan,

Kapag break time magkasamang nakikisalo sa mga kaklase, nakikipagburautan,

Sa takdang aralin sabay tayong gumagawa at nakikipagkopyahan,

At sa pag-uwi sabay din tayong dumidiretso sa komputeran at bilyaran.



At nung nagsembreak,



Asan ka na nga ba aking kaibigan?

Hindi na kita nakita’t matagpuan sa kung saan,

Lumingon na ako sa likod, kaliwa at sa kanan,

Ngunit ang anino mo hindi ko na matagpuan.
Yule Mar 2017
noong una kitang nasilayan
inaamin kong hindi ikaw ang nais kong kamtan
ngunit habang tumatagal,
puso ko’t loob, sayo’y natuluyan

hindi ko rin alam kung bakit
dahil ba sa boses **** nakakahumaling?
o sa mga matatamis **** mga ngiti?
mistulang nawawala ang iyong mga mata
sa tuwing ito’y iyong gawin
di ko alam, pero simpleng titig mo lamang
ka’y laki na ng epekto nito sa akin
hanggang sa palagi na kitang hinahanap-hanap
aba’t ginayuma mo nga ba ako?

ngunit, kung ano't saya ang nadarama
ganoon din ang kapalit nito kapag nandyan ka
sa mga panahon na wala ka sa tabi
pasakit at dalilubho ang naranas
bakit ba hindi ko kayang sayo ay mawalay?
ngunit kailangan kong magtimpi at alamin
kung hanggang saan lang dapat ang hangarin

ngunit aking nagunita,
ikaw talaga ang natatangi sa puso, at tuwina
ngunit kung gusto ko ring makaalpas sa sakit
kailangan ika’y kalimutan
sa gayon ay baka matagpuan ang kalinaw

pero ang alaala ng kahapon ay sadyang bumalik
kahit saan man magpunta, ika’y naka-aligid
kung alam mo lang ang aking tinahak
pagod, at hirap – naranas upang sayo’y makalapit

ngunit ano ba pa ang magagawa?
sa una pa lang, nagmahal ng isang tala
at kung bigyan man ng pagkakataon
mas pipiliing sarili ay ibaon
lahat ng nararamdaman
na hindi mo rin kayang ipaglaban

dahil hindi mo rin naman ako mahal,
mas mahal mo ang iyong pangarap
at hindi ako yun, ito'y tanggap

sakim man sa kanilang paningin
ikaw lang naman ang gusto ko
ngunit, bakit? bakit…
ipinagkait pa sa akin ng mundo?
pero ito ang nagpapatunay
na kahit gaano pa ako kailangan na maghintay
para sayo'y hindi ako nararapat
dahil tunay nga ba ang aking intensyon?
o ginagawa lamang kitang desisyon?
tingnan mo nga, miski ako may pagdududa

kahit man ito’y pag-ibig natin ay isusugal
kahit gaano ko pa ipagsamo sa Maykapal
wala rin naman itong mahahantungan
hindi rin naman ako ang iyong kailangan

kaya't ito'y hahayaang dalhin ng langit,
kung saan mang lupalop ito'y dalhin
pinaubaya sa Maykapal,
antayin na lang maglaho
ito ang aking huling habilin,
bago kitang tuluyang iwan

pero ito'y mananatiling nakaukit
sa puso't isipan,
dahil kaya nga ba kitang kalimutan?

ito’y magsisilbing alaala
ng minsan nating pagsasama,
kahit sa panaginip lamang

ang ipagtagpo ang isang ikaw at ako,
ang mabuo ang salitang 'tayo' –
napaka-imposible…
napaka-imposible.

eng trans:
when I first saw you
I admit you're not the one I yearn for
but as time passes by
my heart, and mind – fell for you

I don't really know why
is it because of your alluring voice?
or because of your sweet smiles?
it's as if your eyes disappear
whenever you do this
I don't know but in your simple stares
it has a big impact on me
until I'm always looking for you
oh my, did you put a spell on me?

but in what happiness I felt
that's what I also feel whenever you're there
in times that you're not beside me
pain and dreading was experienced
why can't I stand being apart from you?
but I have to resist and know
to where I should stand in line

yet I've realized
you're the one that's always in my heart
but if I want to get rid of this pain
I have to forget you
by then I might find peace

but the memories of yesterday kept coming back
everywhere I go, you're there
if only you knew what I've been through
exhaustion, and rigor – I have to face to get close to you

but what can I do?
from the start, I've loved a star
and if given a chance
I'd rather choose to bury myself,
all these feelings
that you're not even willing to fight for

because you don't even love me,
you love your dream more
and it's not me, I've accepted it

it may be selfish in their eyes
you're the only one I want
yet, why? why...
did the world denied + you from me?
but this just proves
that no matter how long I have to wait
I'm not the one for you
because is my intention real?
or am I just making you a decision?
see? even I have doubts

even if I gamble this love of ours
even if I plea from the Creator
this will just go nowhere ++
I am not the one you need

that's why I'll just let the sky take this
wherever in the heavens this will be held
let the Creator take charge
I'll just wait for it to fade
this is my last will
before I will leave you

but this will remain etched
in my mind, and heart
because can I truly forget you?

this will serve as a memory,
of our once encounter
even if it's just in a dream

for you and me to meet,
to form the word 'us' –
it's so impossible,
**it's impossible
+ finding a translation I wanted for this was hard
++ even this //brainfart

suntok sa buwan (from ph; fil.)
lit.trans: hitting the moon; punching the moon
actual meaning: impossible

this was my entry for our "spoken poetry",
though none can relate...

pasensya na, mahal...
unti-unti, ako'y bibitaw na. | 170303

{nj.b}
Jose Remillan Jun 2015
Nasumpungan kitang nakabilad
Sa liwanag ng araw, isang imaheng
Nakalantad, huwad na anyo ng
Ritwal ng pagpupugay. Sa iyong

Anino'y nakasilong ang mga lantay
Na tayutay ng hungkag na lipunan.
Nariyan ang puta, pulubi, butas na lata,
Gago't ganid na pulitiko, librong limot,

Bendor ng droga, banal na aso...
Lahat sila ay mga ”sila" na minsan ****
Pinagtangkaang silaba't silain sa sulo ng
Mapagpalayang kamalayan.

Kamatayan.

Nasumpungan kitang nakabilad sa
Nakakabagabag na liwanag. Isang buhay
Na moog ng kalayaa't kasarinlan,
Kanlungan ng mga supremo ng rebolusyon

Ng paglikha't pagsilang sa kakanyahang
Iginapos sa lumang mundong lalang ng
Iyong panahon. Kami na mga gamo-gamo
Ng lumang simoy ay patuloy na isisiwalat

Yaong hindi masumpungan sa lambong
Ng liwanag na pinaningas ng iyong dugo.

Nawa'y matagpuan ka nila.
Argumentum Jul 2015
"KORNI"
Naglakbay,
naglibot,
naghanap ng mahabang panahong para sa araw na ito,
ngayon,
tadhana nga sigurong maituturing na ika’y muling matagpuan.

Ngayong
nagtagpo tayong muli,
hindi na mag-huhulus dili at papipigil pa,
hindi ko na pipigilan pa ang mga salitang nagpupumiglas sa aking bibig galing sa aking puso na sana ay noong simula pa lamang ay ibinugsu ko na.

Mahal kita,
hindi ko man maibibigay sayo ang isang perpektong relasyon na gaya ng ipinapangako nila,
patawad sapagkat ang tanging maiaalay ko lang ay ang aking katapatan at walang hanggang pagmamahal.
Wag mo akong kapootan sa pagiging duwag ko sa aking nararamdaman,
patawarin mo ako sa pagpapalipas ng panahon na wala akong ginawang paraan,
ngunit higit sa lahat, wag mo akong kapootan sa dahilang hanggang ngayon
ikaw pa rin ang aking mahal.

Nang ikaw ay nawala, ang buhay ko ay uminog sa matinding pagsisisi at panghihinayang,
kaya ngayon, hayaan mo akong iparamdam,
sabihin
at ipakita na ikaw
at ikaw lang ang tanging mahal.
Jeff Santana May 2015
Babalik pa ba?
Ako pa ba'y aasa?
Na ikaw ay babalik kapag ako ay nag-antay

Kay hirap tanggapin
Na ngayon ay hindi ka na sa akin
Nakasandal, nakatabi buong magdamagan hanggang mag umaga

Ipaliwanag mo kung bakit ba
Dahil ako ay umaasa pa
Na ika'y mahagkan, makayakap
Muling makausap
Bawat sandali

At kung makita kang kasama siya
'Di maiwasan na ako'y manghina
Magmamanhid ang katawan
Gulong-gulo na ang aking isipan

Babalik pa ba?
Alam mo namang ikaw lang ang aking iniisip
Mula pag gising at pag-sapit ng dilim

Tila suntok sa buwan
Hinahanap ka kung san-san
Na lang ako napapadpad ngunit di ka parin matagpuan

Babalik pa ba?
StrayRant Jul 2017
Iiwan kita hindi dahil meron na akong iba.
Iiwan kita dahil gusto ko nang lumaya.
Iiwan kita hindi dahil ayoko na kitang makita.
Iiwan kita dahil ayoko nang pagmasdan ang mga luhang
nangingilid sa iyong mga mata.
Hindi ko na kaya!

Ang makita kang lugmok at naghihimutok sa lungkot.
Ito’y nagdudulot sa puso ko ng kirot.

Tama na! Tama na! Tama na!
Tahan na aking sinta.
Ako sana’y unawain.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Hindi ko alam ang hiwaga mayroon ka.
At iyong nasungkit ang matamis kong oo.

Mabilis. Napakabilis. Sadyang kaybilis.
Heto ako ngayo’t litong-lito.
Sana’y hindi nagmadali.
Sana’y natutong maghintay.
Sana’y walang taong nadamay.

Oo. Sa tinagal ng ating pagsasama,
Ngayon ko lang napagsama-sama.
Ang mga himutok ng aking saloobin.
Ako’y naging mapusok at ngayo’y naghihimutok.
Sana’y walang inaalala.
Sana’y hindi kinokonsensya.

Sa tingin ko ay ito ang tama,
Ang ika’y iwanan ng ika’y mabuhay.
Hindi ko batid ang sakit na iyong nararanasan.
Aking irog, ako man di’y nahihirapan.

Ang higpit ng iyong pagkakahawak,
Siyang sumasakal sa akin tuwina.

Iiwanan kita dahil ayoko na.
Oo! Ayoko na!
Tatapatin kita aking sinta,
Hindi ko na kaya!
Hindi na ako masaya.

Sa pag-inog ng mundo ako’y unti-unting nawawala.
Nawawala sa sarili.
Nawawala sa landas na aking dapat tahakin.

Sadyang kay mura pa ng aking edad
Upang sumuong sa ganitong realidad.
Nadala lang marahil ng matinding emosyon.
Sa tagal ng ating pinagsamahan aking napagtanto,
Hindi ikaw ang saki’y siyang nakalaan.

Tayo’y pinagtagpo upang matutunan ang isang leksyon.
Hindi para sa iyo ngunit para sa akin.
Aking kaibigan ako sana’y patawarin.
Hindi ko sadyang puso mo ay wasakin.

Ang hirap! Napakahirap!

Sa dalawang taong ating pinagsamahan,
Hindi kita malilimutan.
Aking pagsusumamo na sana’y
Paglipas ng panahon ay iyong matagpuan
Ang taong magmamahal sa iyo ng lubusan.
At hindi ipaparanas ang pait ng kahapong ating pinagdaanan.

Iiwanan kita dahil alam kong kaya mo na na ako’y wala na.
Iiwanan kita dahil nais kong iyong ipagpatuloy ang iyong buhay.
At nang matupad ang iyong mga plano para sa iyong pamilya.

Sinta alam kong ito’y sadyang masakit.
At sa pagtatapos nitong aking talata.
Nawa’y iyong ibigay ang aking kahilingan.
Sinta, ako sana’y palayain mo na.

Iniwan kita hindi dahil ayoko na.
Iniwan kita dahil mahal kita.
Sadyang ang lubos na pagmamahal na nararapat sayo
ay hindi mo matatamo sa akin bagkus ito’y iyong
matatamasa sa piling ng iba.
Nagtagpo ang ating mga salita
Higit sa isang sandali
Yung isang sandaling hindi panandalian
At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan
Ang sinasabi nilang heto na
Heto na pala ang pangmatagalan.

Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso
Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin.
Kasama ang bawat agam-agam,
Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap
Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap.

Nagtagpo ang ating mga damdaming
Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin.
Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang.
Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap
Ang mga pangakong hinayaan nating
Matunaw sa likido ng galit at pait.

Nagtagpo ang ating mga paningin
Sa hindi inaasahang tambayan
Sa tambayan ng damdaming
Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan
At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon
Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita,
Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon.

Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan
At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita
Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na"
Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala.

Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan
Doon tayo sa magkasalungat na landas
Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa
Na ang aking umaga ay di mo na gabi
At ang aking gabi ay di mo na umaga.
Kung saan ni isa'y di na aalis
At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis.

Baka doon --
Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa.

---

Minsan, napadpad ako sa karagatan
Kung saan ang bawat hampas ng alon
Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan
Na ang dating puting buhangin
Ay unti-unti nang nanumbalik
Akala ko'y isang panaginip
Pero doon ay may subalit --
Subalit na napakaganda.

Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad
Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan
Ay unti-unting inanod
At akala ko'y di na makababalik.
1017

Gusto kong bihisan ang bawat tugmang binibitiwan mo
Na para bang ayokong manatili ang mga ito
bilang mga sugnay na makapag-iisa
At magiging isang abstrak sa pagitan ng Ikaw at Ako.

Kung isusuma ko ang bawat pangambang parehas nating tinalo'y
Baka nga matagpuan ko ang katuturan sa sinasabi nilang Tayo
Pero sa aking paghihimay
Para bang ang Tayo ay isang katapusan na lamang
Na hindi na kailangang bigyan pa ng kahulugan
At tuklasin ang panibagong simula.

Sa aking paghahabi ng bawat salaysay
Na mismong binitiwan natin nang magkahiwalay,
Natuto na rin akong iahon ang sarili
At hindi na muling magpakamatay --
Magpakamatay ng mga pangarap na isinantabi
Sa sabi mo noong
Ika'y tunay na makapaghihintay.

Ang pag-urong ko sa laba'y hindi literal na pagsuko
Hindi ako sumuko sa laban
Na para bang tumatakbo nang nakapiring
At walang kamalay-malay sa kung saanman ang direksyon.

Umurong ako bilang distansya sa ating dalawa
At piniling sumuong sa umagang mag-isa --
Mag-isa at wala ka na
Wala ka na,
Naglaho ka na ngang talaga.
Para sayo pala
Baka sakali,
Baka sakaling marinig mo.
Joyce Nov 2010
Dumaan ako sa Nagtahan
at doo'y nanahan
aking diwang gising
at minulat,
pilit binulag
ng isang dakot
na Asin.
Rumampa sa Laong Laan,
pilit inabangan
ang pagtila,
tila Luha
ang tanging pakinabang.
Tumawid sa Lacson,
nadapa --
bumangon.
Sumakay ng traysikel
sa Ocampo,
pumara sa Crisostomo;
nangapitbahay sa Maria Clara
nagpalamig sa Ibarra
hanggang Simoun,
Quintos, Dapitan.
Hindi ka matagpuan.
Tila silyang marupok
na walang pakinabang;
Tila laway na muntik
masayang
ang paglalakad ng pusong
minsan nasagasaan
noong binagtas ang kahabaan ng Dimasalang.

Umuwi sa Sampaloc,
kumuha ng gamit.
Palihim na naglakad
papuntang Blumentritt.
Pinagpawisan sa pagsakay
sa Recto.
Anong ginagawa ko rito
sa Quiapo?
Isang makipot na sangandaan
kailangang mairaos daanan.
Isang hakbang palayo
sa maputik na Ocampo;
minsan nang bumagyo dito.
Meron pa bang tayo?
Wretched Aug 2015
Kung distansya ang kailangan upang mapaglapit muli ang ating mga loob,
Hayaan mo kong lisanin tong mundo para lang mapagsama muli ang pagsusuyong napagiwanan ng tadhana.
Sa aking pagbabalik,
'Wag mo sanang malimutan na ako pa rin ang iyong kailangan
At ikaw lang ang aking kanlungan.
Patungo sa kaunlarang
Aking inaasam,
Hanggang lahat ay di pa huli,
Hindi ako magpapahanap
Ngunit
Ako sana'y iyong matagpuan muli.

(g.d.)
(c.p.)
Luna May 2019
Sinisid ang karagatan ng pangamba
Upang matagpuan ka

Hinarang ang mga bagyo ng takot
Upang mahagkan ka

Kinalaban ang oras at panahon
Upang makapiling ka

Isinantabi ang mas mahalaga
Upang maramdaman mo ang pagpapahalaga

Ngunit, natalo ako ng tadhana
Sa katauhan niya.

At doon ko napagtanto
Na bakit kailangang matalo
Kung sa pakikipaglaban
Ang lahat ay ibinigay mo?
Benji Feb 2017
Dudungaw ka sa ikabuturan ng kahapon
Upang matagpuan ang sariling naghihikahos
Na makita ng iba ang ningning
Na kailanman di umilaw ng dilaw.

At sa bawat oras hahanap hanapin
Ang dating tanglaw ng bawat kahapon
Ang mainit na sikat ng haring araw,
Ang matamis na halik ng ulan.
Sapagkat lahat ay nauwi sa wala
Kaya ako'y uuwi at tutula
Christien Ramos May 2020
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma.
Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa
ay seryoso.
Walang pagkukubli ang puso
Ang hindi mapirming mga yapak
ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap.
Gabi, muli akong tumingala
Walang palya ang ihambing ka sa mga tala.
Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig
kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig.
Hindi ko kabisado;
‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito.
Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo
ngunit, paano?
Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot
Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot.
Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog
at malunod
sa luha at panaghoy.
Paano mapapanatili ang ningas ng apoy?
Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy?
Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon.
Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa
Humina panandalian ang ihip ng hangin
Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin.
Matapang kong nilisan ang pampang
Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan
Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan.
Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa
Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba.

Ang pagkulog ay nagsimula na.
Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta
Dinig ko ang bulungan ng mga isda.
Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali
Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala.
Galit na sumasayaw ang alon
Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol
Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon.
Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan
Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan
Kailan ko ba matatagpuan?
Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo…
… ang pag-ibig **** nasaan?
Subalit, naghintay ako;
Walang humpay ang paghampas ng mga alon
Hindi natatapos ang pagtaas.
Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan
At bigla ang pagtaob;
Tama ang bilin ng mga kuliglig
Ito nga ang natatangi **** pag-ibig
Mapanghamon;
ngunit presko sa pakiramdam.
Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam
Pipiliin ko ritong manatili hanggang
ako ri’y iyong matagpuan
papagingdapatin **** ako rito’y manahan
‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan.
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma.
Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa.
Walang pagkukubli ang aking puso
‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
JT Dayt Nov 2015
Ilang taon mo na ba akong ginugulo?
Ilang umaga na ba akong nagigising na litong-lito?
Ilang linggo na bang hindi na gustong dumalo?
Ilang araw na tinatanong ang sarili ko

Ano bang nawawala sa akin at hindi ko matagpuan?
Ano bang kulang at hindi ko mapunuan?
Bakit kahit ilang beses kong subukan
Ang puso ko gusto ka nang sukuan?

Hindi ko kasi kayo maintindihan
Ang daming kailangang gawin at patunayan
Hindi ko makuha ano ba ang dahilan
Kaya ang sarili ko ngayon, nahihirapan

Hindi malinaw eh,
Kasi nga Malabo
041921

Gusto ko nang gumaling —
Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko
Paulit-ulit kong panalangin.
Pero naisip ko rin,
Kaya ko bang gumaling nang walang gamot?

Sa paghihintay kong hindi nakapila,
Sa paghihintay ko sa oras kong itinakda —
Sa oras ko nang pagsalang..
Gusto ko naman sanang
“Magaling na ako
Bago ako mag-undergo ng test.”

Naisip ko, sa ganitong estado pala’y
Gaya pala ito ng paghihintay
Sa pagbabalik ni Hesus..
Na ang nais ko lamang
Ay matagpuan Nya akong “magaling na”
Sa anumang sakit at sumpang dumapo sa akin.

Sa bawat pagsikat ng araw
At sa bawat pagsipat ko sa bagong buhay,
Ang tanging lunas pa rin
Ay ang presensya Nya..
Walang ibang kasagutan
Sa paghilom ng aking pagkatao
Kundi Sya’t Sya pa rin naman talaga.

Hindi ko naman pwedeng madalian
Ang oras ko tapos hindi pala ako handa
Hindi pala ako naghahanda
Sa pagbabalik Nya.
Yung wala pala akong ginagawa
Habang naghihintay ako sa pagdating Nya.

Isinasariwa ko kung ano ba dapat
Ang laman ng puso ko.
Dapat kasi hindi ako maligaw ng landas
Lahat kasi ng “dapat” maggawa ko..
Pero hindi eh..
Gusto lang ng Panginoon
Na maging totoo ako sa sarili ko,
Maging totoo ako sa Kanya..
Hindi ko kailangang itago
Yung mga kamalian ko sa buhay,
Walang pagpapanggap.
Kung malamig o basa ang daraanan
Wag mo akong pilitan kailanman,
baka sa bangin ka matagpuan.
Ngunit, habang lalong umiinit,
Ang kapit ko’y humihigpit.
Dulas ay tuluyang nababawasan
habang palapit sa paroroonan.
Xian Obrero Mar 2020
Takot akong mamatay.
Takot na takot...
Ngunit kung ang kamatayan ko ang susi
upang matagpuan kita,
ngayo’t-ngayon din ay haharapin ko ang takot na iyon upang makasama kita.
Lovely Seravanes Oct 2019
ano nga ba ang salitang two timer para sau.
Diba once na marinig mo ang salitang two timer,maiisip mo agad..

-ah sila ung mga taong di makuntento sa isa
-ung meron na pero diparin sapat para sa
knila
-ung di parin sila fullfilled
-ung gusto nla mas maging masaya pa sila

Dba ansaya nila!
-sobrang saya nilang makapanakit ng iba
-sobrang galing humabi ng mga pekeng pangako.

Ano asan na?
-aun biglang napako
-diba ang hrap nun pinako na
-pinako nya dahil peke

Peke
-pekeng mga salita mula sa mapanlinlang niyang mga labi
Salita
-mga salitang tumino sa utak at tumatak sa puso mo
-mga salitang ngbigay inspirasyon
at pag-asa para mangarap

Pangarap
-mga pangarap nasa isang iglap mawawasak lng pla
Alam mo kung bakit?
Dahil ang dating pangarap na binuo niyo noon,ay tinutupad na niya.

Dba ansaya?
Pero alam mo bang masakit?
Bakit?
-oo tinupad niya un pero hindi na ikaw ang kasama
-tinupad na niya sa piling ng iba
Sa piling ng iba
kung saan naging mas masaya xa

Dahil bakit?
-ang pag ibig nya sau ay parang bucket
-isang bucket ng yelo
-na tumunaw ng lahat ng pinangarap niyo
mga pangarap na ngayo'y pangarap na nila
Masakit!
Pero lagi **** tatandaan,lahat ng sakit na dinadanas mo ngaun
ay siyang maging tulay at ugat
upang makarating ka sa liwanag
liwanag ng Diyos

Diyos na naging mitsa
para ilayo ka sa maling tao
Na di nararapat sa busilak **** puso

Busilak na puso,na makakatagpo pa ng isang taong,magmamahal sau ng totoo
na siyang tutupad ng mga pangakong
Minsa'y napako dahil sa
maling tao.

maling na tao na siyang magiging para matagpuan mo ang siyang tamang nakalaan para sayo..
Pusang Tahimik Jun 2021
Sa kalawaka'y mag-isa sa dilim
Hinahanap ang makulay **** ningning
Nasaan ka, O aking bituin
Magliyab ka't agawin yaring paningin

Nariyan ang bilyong makulay na bituin
Mapaglaro sa mata at nais kang aliwin
Ano't tila nakapako sayo ang aking paningin
Kahit na ang mga mata ay waring nakapiring?

Nasaan ka, O aking bituin?
Huwag ilihim sakin ang yo'ng ningning
Ilang siglo pa ba ang aking lalakbayin
Upang matagpuan ang makulay **** ningning.
Tula, Tagalogpoems, poems, Bituin,
Euphrosyne Feb 2020
Napapaisip
Napapatanong
Nagtatanto
Bakit gising parin ako sa oras na'to
Dapat tulog pa ako
Bakit nababaliw parin ako
Kapag naririnig ko pangalan mo
Bakit inaabangan ko parin
Makita ang pangalan mo sa cellphone ko
Alam ko namang masalimuot
Mga problemang di dapat palakihin pa
Kilala mo naman ako
kaya kong antabayanan ang lahat
Basta ikaw at ikaw.
3 am, kausapin mo naman ako
Icchat na kita
Hindi ko kaya,
Hindi ko kayang pigilan sarili ko
Pasensya na
Hinahanap hanap lamang kita
Hinahanap ko ang akap mo
Hinahanap hanap ko mga ngiti mo
Hindi ko na kasi matagpuan
Sa kadahilanang umiiwas ka na saken
Ano bang ginawa ko sayo
Pinapakita ko lang naman yung totoong ako
Minamahal rin naman kita
Walang halong kalokohan
Walang halong kagaguhan
Walang halong katuwaan
Seryoso akong minamahal kita
Kaso pagod ka na
Pasensya na umaasa parin ako
Alam kong may nakatago pa sayo
Pero hindi na kita pipilitin
Dahil masakit
Ayokong pumasok sa isipan ****
Lumisan nalamang
Mahal, mahal kita
Hinahanap hanap parin kita bago matulog at sa pag gising ng madaling araw. Mga chat at text **** nakakapag buo ng araw ko nawala na.
Amelia Feb 2021
Kumusta?
Kukumustahin pa ba?
Hihintayin ka ba?
Meron pa ba?
Nasa akin ba?

Respeto.
Sa gagawing mga desisiyon
Sa bawat saya at lungkot
Sa lahat ng sumulpot
Sa ikabubuti o ikalulugmok

Hahayaan kita!
Maghilom ang mga sugat
Mapagod kakukwento’t kakahalungkat
Maghanap ng ikaliligayang tapat
Matagpuan ang sarili, maging sapat

Maaaring
Magkatagpung muli bilang magkaibigan
Magbalik sa dating nadaramang handa naman
Maging estranghero’t magkalimutan
Sa malayo masubaybayan.

Ako’y nandirito;
Sa dinami rami ng pwedeng mangyari
Dumaan man sa lubos na pighati
Alalahanin **** mabuti
Pag-isipan **** maigi

Kaya ko na..
Tanggapin, panindigan
Patawarin, kamtan
Harapin, sundan
Hanapin, malaman
Chop suey mind all the way
m i m a y Sep 2017
Kaya naman ginawa ko'y hinanap siya
Nang matagpuan, ako'y naging masaya
Inalam ang mga detalye tungkol sa kanya
Nalaman kong iniidulo din pala siya ng iba.
para sa kanya. . .
Bakit sa nakaraan pilit parin kumakapit kahit alam **** sa sya ay matagal ng sa iba nakakapit.
Bakit kahit alam **** iniwan kana at sa iba kumapit ay patuloy ka parin umaasa na sya'y sayo ay babalik.
bakit umaasa ka pang sa sya'y babalik kahit alam **** sa iba na sya kapit na kapit.
bakit kahit alam **** sa iba na sya kapit na kapit patuloy ka parin sa pag asam na sya doon ay bibitaw at sayo ulit ay babalik.
Bakit patuloy parin binabalik yung mga bagay na sayo ay patuloy lang nanakit,kung meron naman taong ni minsan hindi sayo mananakit.
bakit hindi mo subukan sa iba nman kumapit baka sakaling sa piling nya ay hindi na makaramdam ng sakit.
at bakit hindi mo subukan bumitiw at ang nakaraan ay kalimutan ,baka sakaling sa pag harap mo sa kasalukuyan don mo matagpuan yung isang taong d ka iiwan at hindi magagawang sa iba ay kumapit.
Lecius Feb 2022
Sana—
matagpuan mo na,
ang tao na ituturing kang tahanan,
'yong parati sa'yong uuwi,
'yong patatawanin ka—
matapos ang nakakapagod
na maghapon.

Sa dinami-rami ng taong
kaniyang nakakasalubong;
Ikaw at ikaw parin kaniyang pinipili,
hindi sumusulyap sa iba,
deritso ang tingin at hakbang ng mga paa.

At, sa kailaliman ng kaniyang puso,
alam niya kung ano'ng gusto mo.
Ang umuwi s'ya saiyo,
matapos makidigma sa magulong mundo
Kurtlopez Nov 2022
Naranasan ko ang manlimos ng pagmamahal, ang makontento sa panandalian, at matuwa sa paminsang ako ang hinahanap. Nakauubos.

Kaya nang makilala kita, abot langit ang pasasalamat ko, dahil kahit papaano ay iba ka sakanya— lamang nang kaunti kumbaga. Kaya ganoon na lang din ang takot kong mawala ka pa.

Alam ko naman sa sarili kong kulang, pero maghahanap pa ba ako? Paano kung ito lang talaga 'yon? Kaya kahit hindi puno, niyakap ko ng buong puso. Hanggang hindi ko namalayan, inuulit ko lang pala kung paano ako gumuho.

Akala ko iba ka. Akala ko, sa'yo ko mahahanap ang pahinga. Pero hindi. Nakatatawang isipin na lalo akong nawala nang matagpuan kita.
Kung kailan handa Ka na mag mahal ulit saka naman nawala ..at kung kailan nagugustuhan mo na sya saka naman bumalik na ung totoo nag mamahal sa kanya.....nasaktan na naman ako naulit naman.. na buong akala ko sya na akala ko may pag asa ..na akala ko totoo na...pero hindi pla ....
Anton Dec 2019
Sa mga araw na di kita pinansin,

pinilit ko ang sarili na hindi ka kulitin,

Hindi dahil Gusto na sana kitang limutin,

Hindi dahil sa gusto na kitang lisanin,

Kundi

Dahil ayaw kitang angkinin,

Dahil ayaw ko nang saktan ang iyong damdamin,

Dahil ayaw  na kitang paluhain,

Dahil sa mahal kita ng lubusan,

Pipilitin kitang iwanan ,

Upang ang tunay na pagibig at kaligayahan,

Iyong matagpuan
Kahit itoy sa ibang tao naman mangaling,

titisin ko ang sakit,
Para lang ikaw ay lumigaya

— The End —