Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sarili mo lang ang palaging iniisip mo,

Samantalang siya ay nakatuon sa kapakanan mo,
Hindi umiikot sa iyo ang mundo,

Katulad ng hindi masusunod ang lahat ng iyong gusto.

Ayusin mo ako, pagmamakaawa mo,

Hindi mo ba alam na siya yaring nababasag ang pagkatao?

Bawat haginit, bawat piraso,

Buuin mo ako, iyan ang utos mo.

Wala kang mararating kung sarili mo lang ang iisipin,
Para kang isang pating na kahit anong lamon ay tila gutom pa rin,

Paano kang mabubuo kung ang kahapo'y binabalikan mo,

Bakit hindi mo subukang tumingin sa kung anong nasa harap mo?

Aking kaibigan, wag kang magpakahangal,

Sa larangan ng pag-ibig ay walang mahahalal,

Kung ika'y makasarili, walang magtatagal,

Puso'y mawawasak, dila'y laging mauutal.

Tulungan mo akong buuin ang sarili ko,

Ikaw ang kailangan ko, ang siyang wika mo,

Hindi magtatagumpay, pagkat sarili'y hinihimlay,

Sa bakas ng kahapon ika'y ayaw maglubay.

Ito na ang huling tulang isusulat para sa iyo,

Kung hindi mo pa rin bubuksan ang isip mo'y bahala ka na sa buhay mo,

Aking kaibigan, isipin mo ang kaniyang kapakanan,
Huwag mo na sanang hintayin na ikaw ang siyang mawalan.
RLF RN Oct 2015
GABI (Night)*

Ayan nanaman si araw,
iniwan nanaman niya ako.
Tinapos nanaman niya
ang maghapon sa paglubog.
Tinanggal nanaman niya
ang liwanag sa paligid ko.
At iniwan nanaman niya akong
nakatanaw sa malayo, sa tabi ng bintana,
minamasdan ang pagpasok ng dilim,
hinahanap ang buwan at mga bituin.

Ang tanawing ito ang nagpapa-alala sa akin
na “There is always light, even in the darkest times”.
Kasabay ng pagpasok ng dilim
ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Nasaan si Paulo? ang tanong ko sa sarili ko.
Hinahanap ko nanaman siya,
sa tuwing sasapit ang ganitong oras.
Kailan ko kaya siya ulit makikita?
Kailan kaya kami ulit magkakasama?

Lumipas nanaman ang isang maghapon
na hindi ko nasilayan si Paulo.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin,
kasabay pa rin ang mga munting luha
na patuloy lang sa pagpatak habang
iginuguhit ko ang kanyang mukha sa aking isipan,
habang ninanais ko na mahawakan
ang kanyang kamay sa sandaling iyun.
Nangiti na sana ako, kaso pagdilat ko,
ako lang pala mag-isa ang nandito, at
kathang isip ko lang ang lahat.

Napabuntong hininga ako ng napakalalim,
at sa paglabas ko ng hangin sa aking katawan
naisipan ko nalang na pumikit ulit at manalangin.

“Ama, kung anuman po ang Inyong
ginawang plano sa amin ay Siya pong masusunod
at malugod ko pong tinatanggap.
Alam ko po na may magandang dahilan ang lahat
ng nangyayari sa amin na ayon sa Inyong kagustuhan.
Ang dasal ko lang po ay Nawa sana
tulungan Ninyo kaming makita at malaman
ang dahilan ng lahat ng ito.
Bigyan Ninyo kami ng lakas ng loob at sapat
na pananampalataya upang kumapit pa,
huwag sumuko at hawak kamay na harapin
ang pagsubok na ito. Hayaan Nyo po kaming
patuloy na manalangin, gawing sandalan ang isa’t-isa,
at gawin Kayong sentro ng aming pagmamahalan
sa kabila ng lahat. Amen. ”

At tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata
sa pagtulog, nagbabakasakaling kahit
sa panaginip man lang ay mahagkan ko siya at makasama.
Katryna Nov 2018
sa takipsilim ko na lang ibubulong ang mga dasal na sayo ay magpapayaon.

sa paghampas ng hangin ko nalang isasabay ang mga himig na sayo ko dapat inilaan.

sa pag sikat na lang ng araw ako aasa na balang araw,

puso natin ay magiging isa.

sa ngayon,
mahahati muna sila sa dalawa,
akin ang isa,
sayo ang isa.

at ang isip muna ang masusunod at magdidikta ng tama.
out of the blue lines.
Euphrosyne Feb 2020
Ako nga pala si jac

Tsino

Mananakop ako
Oo lalagyan na kita ng 9 dash line para wala nang laban ang ibang lalake saken
Kahit magaway pa sila para sayo hatulan pa nila ako masusunod parin ang batas ko

Ganun ka kaganda ganun ka kahalaga
Mga nakaraan **** 'di ka pinahalagahan ngayo'y pinagaagawan subalit! Ngayon andito na ako aagawin na kita sa mga taong hindi nakakakita ng halaga mo kaya gagamitin ko ang isang daang porsyento kong lakas at ilalabas ko ang aking 9 dash line!napaka lakas hindi makakalas

Hindi kita aabusuhin peks man
Aalagaan kita kahit napaka aga palamang
Pasalamat sa diyos na binigay ka sa katulad kong nagmamahal lamang
Napaka laking biyaya na binigay sa akin

Akin ka na!
Oo akin ka na nasakop na kita at wala nang sasakupin pa
Kuntento na ako sa nasakop ko
Kahit maliit ka napakalaki mo pa ring biyaya

Nagsimula lahat ng ito noong napasulyap ako sa ganda mo
Nakita kita sa isang silid ng isang paaralan
Sa dinami dami ng taong nakatayo sayo lang luminaw ang mga mata ko
Nasilaw ako sa ngiti **** taglay

Doon palang nahulog na ako

Pagkatapos kitang nakita sinundan kita kada araw na nakikita kita na nass malayo palamang
Sa oras na pslapit ka na saken hindi ko na alam sssbsihin ko
Pano kung ganito pano kapag ganyan
Paano pano papano nga ba masasabi sayo na ako nga pala yung sumusunod sayo ng tingin na parang may gagawin sayo

Joke

Oo may gagawin ako
Nanakawin ko lang naman ang puso mo
Ang pinagkaiba lang naman sa ibang magnanakaw
Hindi kita iiwan sasamahan pa kita hanggang dulo

Ako yung tsinong imumulat ang mata
Yung makikita ang iyong halaga
Na di ka papabayaan mawala
At lagi kang aalagaan parang bata

Nakakasilaw ang iyong ganda
Nakakagulat ka
Nakatulala lang ako kanina
Mamaya napanganga na

Kaya wag kang mawala
Bahala ka mawawalan ka pa
Minsan lang naman manakop ang isang tulad ko sinta
Kaya kung ako sayo itago mo na

Mga pangakong sinabe
Hinding hindi mapapako
Dahil sa dyamanteng katulad mo
Hindi na dapat sayangin pa

Ako yung mananakop pero ikaw ang saki'y sumakop
Wala ni isang sandatang dala ngunit umaatras ako sa pag-abante mo
Sa laban na ito, ikaw pala ang siyang mananalo
Ako nga pala 'yung tsinong nabihag ng isang dalagang filipinang katulad mo.
Sinulat ko ito para sa isang contest

Talo ako HAHAHA

May two sides to nasainyo nalang kung anong side yung iisipin niyo happy reading :>>
kcons Jul 2020
Kung titingnan tayo sa malayo
ay tila dalawang estranghero.
Magkalapit na nakatayo,
ngunit kalooban ay magkalayo.

Sa bawat buntong hiningang pinapakawalan,
ay ang patagong pagpahid ng luhang pinipilit wag masdan.
Sa bawat patak ng ulan sa iyong mykha,
ay ilang beses kong pagpigil ng sariling luha.

Gustohin ko mang ikaw ay pigilan,
wala akong magagawa kundi ikaw ay pakawalan.
Kung kagustohan ko lang din naman ang masusunod,
Maari ba?

Maari  bang sabihin,
mga salitang pilit pinipigil bigkasin?
Maari bang kahit ngayon lang,
ay mawala saglit ang pagkailang?

Maari ba?
Kahit ngayon lang?
Kahit saglit lang?
Maari bang ikaw?

— The End —