Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ikaw ang dahilan kung bakit kahit gabi'y hindi pa din madilim ang kalangitan,
Para bang palaging may liwanag kapag ika'y nasisilayan,
Ikaw ang magiging sandalan ng mga takot at pangambang hindi ko mapakawalan,
Gusto kong lagi kang nandiyan, upang mga dalahi'y palaging gumaan.

Sayo ko naramdaman na kahit hindi tayo mag-usap ay nagkakaintindihan,
Yung tipong isang ngiti mo lang, kahit el ninyo'y iihip ang amihan,
Oo, ikaw ang nagbibigay sa akin ng ginhawa,
Isang yakap mo lang parang ako'y nakauwi na.

Mahal, sa daang tatahakin nati'y sa isa't-isa tayo'y kumapit,
Walang bibitaw kahit na ang dadaanan nati'y minsan ay magiging masakit,
May lungkot, maraming takot, maraming alaala ng kahapon,
Pero hindi tayo susuko, madapa ma'y palagi tayong tatayo.

Ikaw ang magiging inspirasyon, sa pagpapagal at pagpupuyat dahil sa edukasyon,
Ikaw ang magiging sandalan sa mga hinaing ko at mapapagdaanan,
Ikaw ang siyang magbibigay lakas sa akin upang ipagpatuloy yaring takbuhin,
Hanggang sa araw na masabi ko sayong, "mahal ko, doktor na tayo."
El Sep 2017
heto nanaman ako,
iniisip ka, sinta.
heto nanaman ako,
nagpapakatanga
iniisip kung bakit hindi maaring maging tayo
iniisip kung hanggang kailan ako masasaktan,
hanggang kailan ko mararamdaman
ang makapinsalang tatak ng pagiging isang matalik na kaibigan (lamang).

sabihin mo nga sa akin, sinta:
ilang luha pa ba ang aking ia-alay
ilang malulumbay na kanta pa ba ang aking pakikinggan
ilang tula pa ba ang aking isusulat
bago kita makalimutan nang tuluyan
bago kita mahalin sa paraan ng pagmamahal nila sa isang kaibigan
bago kita tuluyang mapakawalan?

heto nanaman ako, sinta:
iniisip ka
nagpapakatanga
at naghihintay na iyong sabihin,
"biro lang, sinta."

— The End —