Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mamanhid" poems
Pag ibig Kanya-kanyang depinisyon Kanya-kanyang eksplinasyon Isang uri ng salamangka Na makakapagpapabago ng lahat Makapagbibigay ng dapat at sapat Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat Maghahangad ng iba Maghahanap ng ibang kasama Pero gayunpaman ay wag kalilimutan Na ang pag ibig ay pag ibig parin Kahit ito pa ay paiba-ibahin O kaya nama’y balibaliktarin Bawasan mo man o buuin Pag ibig parin Pag ibig Ito ang tuwa sa isang libo **** luha Isang porsyento sa ilang daang libo Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo Ito ang magtuturo sayo Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan Hindi bagay na dapat **** sukuan O kaya nama’y dapat **** kalimutan Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko Ang pagsulong sa bawat pag urong Ang simula sa bawat katapusan At ang katapusan sa bawat simula Dahil ang katapusan ay hindi masama Ito ang simbolo ng tagumpay Ang simula ng simula Pag ibig Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong Sa ano, bakit at paano Ang pupuno sa bawat kakulangan mo Pupunan ang pangangailangan mo Ito ang tulay sa bawat pagitan Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo Kahit na sino at kahit na ano Kahit na ano pa ang kasarian mo O kahit na ano pang kinabibilangan mo Sasagipin ka nito sa pagkalunod Sa pag iisa Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama O kaya nama’y kinalimutan ka na Yayakapin ka At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa Pag ibig Di ka nito huhusgahan Tatanggapin ka kahit ano ka man Dahil kailanman ay wala itong batayan Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap Pag unawa at walang halong pagpapanggap Ito ay puro at dalisay Hindi pinapahina ng panahon At sa halip ay lalo pang pinapatibay Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok Pag ibig Ito ang produkto ng konseptong positibo ng pluma at panulat Ng tuno at liriko Ng imahinasyon Ng respeto at pagpapahalaga Umibig at ibigin Sabihin kung ano ang laman ng damdamin Sayo, ano ang pag ibig?
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:50 PM UTC
Ano ba ang Pag-ibig ?

Continue reading...
73
Nagdasal at humingi ng isang tao Na magtutulak sa akin para bitiwan na ang panulat na ito Isang tonelada at mahigit na ang mga salitang pasan ngunit hindi pa rin ako nabibigatan. Mali ang akala. Hindi pa pala. Lalo lang umitim ang tinta. Dumiin sa papel ang pluma. Nanatili pa ding naka-dantay ang mga salita sa namimitig kong kamay. Hinihintay nalang mamanhid para hindi manatiling nakasilid ang mga naipon na tula't sanaysay na wala nang saysay. Hindi na ko humihiling ng isang dahilan na dadating na aalayan nitong mga salitang naririnig at binabasa lamang. Mga letra na binibigyang kulay, nagkakaiba lamang sa kung sino ang bumubuhay. Nakakapagod mag pinta kung ang bawat makakakita ng obra, babaguhin ang imahe sa kung ano ang nasa harapan nila hindi man lang isipin na magkakaiba tayo ng mata. Inilarawan **** berde, gagawin nilang kahel. Tinta mo na asul, hahawakan at magiging pula. Siguro nga itong mga kamay na biyaya, hindi na para sa papel at tinta. Kasabay ng maraming paalam ang huling isinulat na liham.
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 10:56 AM UTC
Hunos