Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"malimos" poems
Pinakikinggan lang kita kapag nagkikwento ka Ayaw kong iniistorbo ka kasi nakikita kong masaya ka Pero sa bawat bigkas mo ng mga binuong mga letra, sa'kin iba ang tama Lalo na't iba ang dating ng bawat salita. Masaya ka at nakangiti, Ang sarap **** ipinta. Yung mga ngiti na dati'y sa'kin nagmumula, Sa iba mo na ngayon nakukuha. Yung lambingan natin... sa iba mo na nanagawa. Yung init na kailangan mo pag maulan... naibibigay na ng iba. Gusto ko sanang malimos ng pansin, Buti nalang napakwento ka... Buti nalang may silbi pa akong natira. Di mo lang kasi ata pansin Pero nasasaktan rin ako Nagseselos rin ako... Nagseselos ako. Buti pa siya napupuri mo Buti pa siya pinapansin mo Buti pa siya naipagmamayabang mo Buti pa siya. Pero ayos lang Sino ba naman ako? Ako lang naman to, Yung sinasabi **** mahal mo at ako na nagmamahal sayo... Kaso ako rin ata yung unti-unting kinakalimutan mo. Wala naman akong magagawa kung sabihin **** ayaw mo na. Kung itutulak mo ko palayo Kung pipilitin mo kong lumayo. Dahil oo tahimik lang ako. Pero mahal, nasasaktan ako.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 10:59 AM UTC
Tahimik lang ako
hindi naman tayo ung palos; kundi pangyayaring pilit ginagapos - nagbabakasakaling may malimos bagamat sa hininga'y kapos. hindi ukol sa lamig ng haplos, o matang walang rindi sa pagbuhos. wag mangamba't mukha'y di busabos tanong lang, bakit sobra'y di lubos? Pinagmasdan ko ang iyong kilos, Saan nga ba tumungo't may galos? Sagot mo sa aking naghihikahos, Gising sinta, ako'y tangay na ng agos.
0
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 6:23 AM UTC
Gising, sinta