Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
MR Jun 2019
Sa isang madilim na kuwarto,
ako’y tila mahinhin at ang mga mata’y nakasarado. Nakahiga lamang at kalmado habang nakabalot sa kumot at tila binabangungot ng mga ala-alang ‘di ko malimot-limot nang iwan mo ako. Ang mga ala-alang ito’y kung makapang-asta saking isipa’y parang nagliliyab na apoy na pumapaso sa mga magagandang damdamin kong tila naitataboy.

Ngunit ngayon, tila nawala ang nagliliyab na apoy nang nalalampasan ko na ang lungkot, at tuluyang bumabangon at nililimot  ang mga ala-ala ng kahapon, sapagkat alam ko na ang mga masasamang kahapon ay ‘di pa ang dulo at hadlang upang ‘di ako makabangon.
LMBJ 1d
Paulit ulit man,
Ngunit ito lang ang nais kong iyong malaman,
Ako di'y napapagod ika'y abangan.

Kasalanan ko bang ako'y naiinip,
Dalawang decada nang lumipas, ngunit dika padin nahahagip
Ikay nga bay darating pa?
O ako lang tong umaasa.

Puso'y pagod na pagod na
Pati isip koy suko na
Anantayin pa bang pati katawan ko't kaluluwa'y magsawa na.

Tinawag ko na lahat ng makapang yarihang bathala,
Pinahanap sa beteranong mga manghuhula,
Ngunit parepareho ang mga nakikita,
Na ikay darating pa!

Ngunit kailan?
Di ba maaring ngayon na?
Di ba pwedeng pagtagpuin na?
Para di isiping baka ika'y pumanaw na.

Sabihin mo lang at ako na ang pupunta.

— The End —