Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mainggit" poems
Maganda ka oo maganda ka Ang ganda mo parang bituin sa madilim na langit , Na natakpan ng ulap na tila ba’y hindi Mahagip Ngunit kapag ang ulap ay unti unting umalis, Para kang bituin sa sobrang ganda ikay’ nagniningning. Maganda ka.. katulad ng isang bituin sa langit Wag kang maignggit sa iba dahil ang ganda mo Hindi tulad ng iba ,Dahil para sakin ikaw ay kakaiba. Hindi ka man kaputian hindi man makinis tulad nila. Wag kang mainggit sakanila… Ang puso mo’y Puno ng Hiya takot sa sasabihin ng iba Laging humaharap sa salamin tila sinasabi sana ako nalang sya Wag **** padudahan ang sariling **** kagandahan. Mahalin mo ang iyong sarili dahil iyon walang katumbas sa tunay na kagandahan. Dahil meron kang mabuting kalooban Alagaan mo ang iyong sarili Ngumiti ka dahil deserve **** maging masaya ipakita mo ang ang maganda **** ngiti at mala siopao **** pisngi. Ngayon haharap ka sa salamin at sasabihing MAGANDA KA OO MAGANDA KA DAHIL GAWA NG DIYOS AT WAG KANANG MAINGGIT SA IBA. Isang malayang tula..  -CLN
0
May 31, 2017
May 31, 2017 at 6:45 AM UTC
Maganda Ka
Para kang gago Putangina mo Para kang tanga Ang tanga-tanga mo Sinasaktan mo lang Ang sarili mo Siya Tarantado ka Bakit mo binibigyan ng dahilan Ang sarili mo Para maging malungkot Para maging miserable Sa isang pakiramdaman Na di ka sigurado Tangina mo, dinamay mo pa Kung di ka masaya, wag kang mangdamay ng iba ‘Wag kang mainggit Kung masaya sila Dadating ka dyan Wag kang tarantado Tanga mo May nalalaman-laman ka pa Na tapos na Akala mo, tapos na Gago ka kasi Manhid ka Sarili mo lang Ang iniisip mo Magpakasaya ka na lang Sa kung anong meron ka Ngayon At sa darating na bukas Wag kang maghangad Ng kung ano pa man ngayon Hayaang dumaloy Ang buhay Wag ka ng gago Wag ka ng siraulo Wag ka ng tarantado Matatapos din ‘to Parang itong tula Walang kwenta Katulad ng iniyak mo Wala na ring silbi ‘yan
0
Mar 11, 2015
Mar 11, 2015 at 10:43 PM UTC
Ikaw
balik-tanaw. limang taong gulang. tapos na maghabulan, magtayaan. pagod na ang lahat at ang natitira na lamang ay magkwentuha't mag-asaran bago magsiuwian. "wala mga daddy niyo sa daddy ko", sigaw ng aking kalaro, "nagpapalipad siya ng mga eroplano". manghang-mangha kami habang nagkukwento siya at may hawak pang eroplanong papel. "pero 'di papatalo si itay", sabi naman ng isa pa, "sa Saudi siya nagtatrabaho kaya lagi akong may bagong laruan". bilang ganoon pa kabata, 'di namin mapigilan mainggit. sino ba namang hindi kung laruan ang binabanggit? pinagyabang ko siyempre ang aking ama. "pulis ang tatay ko". sabay humugis ng baril gamit ang mga kamay. basang-basa ang mga ito dahil sa pawis. mga palad na makaraan ang isang dekada't kalahati ay nalulunod na sa pagiging pasmado o marahil sa kaba dahil sino ba'ng 'di matatakot sa pulis ngayon? nalaman namin na hindi nagpalipad ng eroplano yaong daddy ng kalaro namin. flight attendant siya. marangal na trabaho. nagtrabaho nga sa Saudi ang itay ng kalaro pa naming isa subalit kalaunang bumalik sa 'Pinas dahil pagod na. kahit ano pa mang trabaho iyan o kung saan, nakasisindak isiping nakatira ka sa iisang bubong kasama ang isang mamamatay-tao. ang malala ay isa siya noon sa mga pinaka-tinitingila ko. tunay ngang mabilis ang pag-ikot ng mundo kung ang nasa poder ay baluktot ang prinsipyo. biktima tayong lahat na pumapailalim sa mga nagmamataas na sakim at gahaman. bakit magtataka sa kasulukuyan kung mas masahol pa sa kriminal ang puwersang kapulisan?
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 10:30 AM UTC
ano ba'ng tatay mo?

Continue reading...
36