Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magturo" poems
Pagbasa at Pagsulat Bata pa lamang ay lubos ng namulat. Ako’y walang ibang kakayahan bukod sa pagbasa at pagsulat, Ang aking marka sa agham at sipnayan ay maalat pa sa dagat, Ang guhit ko naman ay tila panggatong na kalat. Di ko naman ninais na ito lang ang kayang gawin. Madami din akong kakayahan na nais maangkin, Ngunit sa ibang bagay ay hindi naman nakikitaan ng galing. Sa sarili nagtataka na rin, bakit ba pagbasa at pagsulat lang ang kayang gawin? Naisip ko na maging mang-aawit, tinig ko naman ay pilit minsan ay pipit. Naisip ko na maging pulitiko, ngunit ayokong mabansagang mangungupit. Naisip kong maging **** kaya kong magturo ngunit, ako ay masungit. Naisip kong maging arkitekto ngunit, guhit ko naman ay walang kasing pangit. Sa kakulangan ko ng kakayahan sa madaming bagay, ay sa sarili ay nagtataka na. Siguro ako ay may isang malaking sumpa. Sumpa na sa akin ay nagbibigay ng makalangit na biyaya. Sapagkat sa pagbasa at pagsulat lamang ako lubos na lumiligaya.
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 1:19 AM UTC
Pagbasa at Pagsulat
Ako’y isa lamang pinuno, Gumabay sa isang hukbo. Oras ay itinataya upang magturo, Upang bigyan ng kaalaman ang mga pribado. May mga taong gusto akong tularan, Mga nasa ikatlong taon ng paaralan. Tungkulin ko sila’y turuan, Upang sila’y magkaroon ng kaalaman. Mga COCC kung sila’y tawagin, Lahat sila’y may sinusunod na tungkulin. Mga katulad ko’y dapat sundin, Upang makamit nila ang kanilang hangarin. Meron akong isang CO na nakilala, Pansin ko’y kanyang nakuha. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang ganda, Lagi nalang sa kanya ang aking mga mata. Ang ibigin siya’y isang bagay na bawal, pagkat posisyon ko’y pwedeng matangal. Ito’y aking gagawan ng paraan. Kahit ito pa ang batas ng paaralan. Tinataguan ko ang aking Commando, Upang makipagkita sa giliw kong CO, Tinutulungan din ako ng kaibigan kong pribado, Na umiibig naman sa isang pinuno. Bakit ganito nalang ang pag-ibig, Palagi nalang may humahadlang sa paligid. Hindi ba nila alam kung gaano kasakit, Ano ba ang kanilang naiisip. Ang pamumuno ko ay pansamantala lamang, Ngunit pag-ibig ko sana’y walang hanggan. Huwag sanang masira ang ating samahan, O Aking Joana, hindi kita titigilan.
0
Dec 3, 2010
Dec 3, 2010 at 7:26 AM UTC
Mi Inspiracion de Militar
Siyam na buwan ng nakakaraan Simula ng ako'y makipagsapalaran Sumabak sa giyerang utak ang panlaban Kaagapay ang puso bilang puhunan Sa simula tila mahirap at imposible Ngunit kalauna'y unti-unting naging simple Naipamalas pagiging maagap at responsable At nagsilbing magandang imahe Unang karanasa'y hindi biro Pagka't iba't-ibang bata nakakahalubilo Idagdag pa ang asignaturang malayo; malayo sa pinagaralang apat na taong 'di biro Araw-araw pumapasok para magturo Gabi-gabi inaaral ang makapal na libro Upang kinabukasa'y maibahagi ito Sa mga batang uhaw sa pagkatuto Ngunit sadyang tadhana'y mapaglaro Pagkat sinubok aking pagiging **** Sinukat haba ng pasensiya ko Kung ako ba'y magtatagal sa propesyong ito Iba't-ibang ugali aking tiniis Makamtan ko lang ang aking nais Landas ng mga bata'y 'di malihis Patungo sa kanilang mithiing ninanais Kaya naman ngayong tapos na aking tungkulin Hiling ko lamang sila'y may natutunan sa'kin Kahit ako'y hindi na alalahanin Ang mahalaga'y may inani sila mula sa'kin.
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 7:13 PM UTC
Buhay Maestra