Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
Ang makamtan ang maliliit subalit makabuluhang layunin sa loob ng maiksing panahon. Sa maiksing panahon lang, ‘hwag mo’ng sakupin ang lima hanggang sampung taon na paparating pa lang. Ituon mo sa ngayon at sa mga darating na araw o buwan ang pagkamit sa iyong mga layunin. Hindi totoo ang long term plan, tangina baka nga hindi mo na ito ‘datnan kaya hindi mo ito dapat na saklawan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat sa haba ng paghahanda para ito makamit, ang totoong tagumpay ay dapat na lasapin sa bawat sandali, minuto, oras at araw ng buhay mo. Oo, ganun lang dapat, kasi maiksi lang ang buhay baka sa sobrang abala mo para paghandaan ito ay makalimutan mo ang maging maligaya.

Ito ang pinaka malaking trahedya ang kalimutan ang kasalukuyan para lang paghandaan nang todo-todo ang bukas na iyong hinihintay. Ok lang na mangarap, na magsumikap at pangarapin ang magandang bukas subalit hindi mo dapat na ipagpalit kung ano man ang kaligayahan na meron ka ngayon para lang dito. Enjoy your life today while preparing for the future ika nga. Kung bata ka maglaro ka, sige lang makipaghabulan ka sa mga tutubi o di kaya ay  magtampisaw sa ulan. Kung binata ka sige lang manligaw ka at makipagkaibigan mag-invest ka sa pakikisama at matutong makipagkapwa tao. Kung nagtratrabaho kana gawin mo nang may pagibig ang ano mang giangawa mo, ‘wag lang nang dahil sa pera.

Maging bubuyog ka na laging handang sumimsim ng bango ng mga bulaklak. Gayahin mo ang ibon na laging umaawit at lumilipad. Umawit ka at tumula kahit walang tagahanga. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon. Ang maiksi subalit makabuluhan na panahon ito ang mga ginintuang sandali na hindi mo dapat na ipagpalit, hawakan mo ito nang hindi mawaglit.
Diwa mo'y magigising sa'king mga ilalahad
'Tila tulog ka pa pero ikaw na ay naglalakad
Sabihin na nilang ito'y bad, Dios ko po! Oh My God!
'Di na namin iniintindi ang ganon, larga na kaagad

Pera ang kapalit sa katawan na hubo't hubad
Upang pambayad ng utang nakalista sa yellow pad
O kaya pambili ng gamit at pangarap na hinahangad
Ngunit bakit ginagawa ito ng mga minor edad?

Dahil sa panahon ngayon mahirap ang maging mahirap
Mas mahirap walang pambayad kaysa walang kayakap
Kayakap nandyan lang pero ang pera hirap mahagilap
Dahil ito ay mailap kailangan pa magsumikap

Bukod sa itsura kundi pera ang mahalaga
Kahit mahal o mura papatulan yan ng iba
May itsura nga pero wala naman pera, diba?
Paano 'pag may anak na? Ano pagkain mo? 'Yong salitang "Mahal kita"

'Di sapat lang ang pagmamahal sa kumakalam na tiyan
O uminom ng tubig at ihiga nalang kung saan
Nang magdamag pero kumakalam pa rin yan
Dahil sa kalye 'di karangyaan marami ang kalaban

Kahit minor de edad ako'y may dangal at dignidad
Dahil sa hirap ng buhay ito ay nasasagad
Gabayan mo ako aking God kahit medyo bad
Sayo pa rin aking tiwala hanggang sa pag edad

— The End —