Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magliliyab" poems
Bukas Samahan mo ako Pagsapit ng takip-silim, Kung saan nag-aagawan ang liwanag at dilim At ang langit na bughaw ay magliliyab ng pula Tapos kukupas sa mga bituin. Samahan mo ako Sa tabi ng kalsada Kaharap ng mga naglalarong bata Sa ilalim ng mga nagbubulaklak na punong acacia At lasapin natin ang malamig na hangin Na humahaplos sa atin ng kay lambing. Halika, Balik tanawin nating ang nakaraan At mangarap ng mas malaki pa Para sa kinabukasan. Wala nang lihim na itatago, Walang kahinaan na ikakahiya. *Ikaw ay ngingiti. Ako ay tatawa.* Bukas.
0
Jan 29, 2014
Jan 29, 2014 at 10:38 PM UTC
Bukas.
Nagtawag siya ng isang espiritista at mananalangin na magbuburda sa bawat hibla ng kamalayan na patuloy na binuburda ng sugat at sakit, habang patuloy na ginigising ang matagal na pagkakahikbi at pagkakatulog sa mga hungkag na mangangarap. Dali't daling sumulat ng dagli, sa bawat pagtagaktak ng mga luhang umaagos sa sigaw ng mga birhen at santo na siyang nananalangin sa ikalilinis ng tahanan laban sa mga naghuhudas na diyablo, na itinataya ang gabi para mag-anyong tao sa kahit sino. Bago sumapit ang gabi. Sa takipsilim, limang minuto, bago paparating ang isang duyog na magwawakas sa hindi maaaring wakasan, kagaya ng pagtalikod at pagpikit, na hindi maaaring maisara ng mga mata. Magpapakarahas sa pagsigaw at mananabla ng labing-anim na milyong mananampalataya, ang isang estadista na kung yumapak ay walang-puknat na magliliyab ang sahig, kung saan nakalibing ang hindi mabilang ng mga daliri, pagkaraan ng walang nagdaan sa pagkalimot sa kanila. Sa gilid-gilid ng eskinita, matatagpuan ang mga kawalang-malay na pugot na ulo na hiniling ng mga mananampalataya, sa isang dyini at ipinagkaloob sa kanila ito, ipinagkaloob, ngayon ay tumatanggi kung kailan naparirito ang hiling. Ngayon ay malilinis na ang pinakamaruming hindi nasasaksihan ng mga mata sa tahanan, pagkatapos ipanglagas ang kaluluwa. Sa huli, walang bumabalagkas ng daan, na sumasalamin, pagkatapos manalamin. Sa kabila ng napakaraming salamin.
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:34 AM UTC
Untitled