Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magkalayo" poems
Ibubulong nalang sa hangin,ang bawat pagsumamo Paano ba maipaparating, ang nadarama ng puso lagi kitang inaalala malayo ka man sakin Kelan ba tayo magkikita ang hangad nitong damdamin Sa panaginip nalang makikita matutupad ang pangarap Sa panaginip nalang ang pagsinta duun nalang magaganap Mga pangako at sumpaan paano na matutupad Walang kasiguraduhan kung saan ba mapapadpad Tadhanang mapaglaro, magkalayo at di pinagtagpo Ba't Sadyang mapagbiro kahit may lalim bawat pagsuyo Dating hawak ang ‘yong kamay, ngayon sa guni guni Buhat ng ikaw ay mawalay, nasisilayan sa muni muni Sinagot ma’y marami paring Katanungan Lahat ba ng tanong? wala pa ring kasagutan Kung may dulo ang daan, Saan ba ang hantungan Kung ito’y may hangganan, Ano ba ang pupuntahan Sa kapalarang magkatugma, kahit na isa kang dayuhan Ng pagmamahalang mahiwaga , na tayo ay nagkaunawaan Tunay nga na ang pagibig may isang diwa Tayo’y Itinadhana, Magkaiba man ang ating pananalita Andito lang ako, Malayo parin ang distansya, Naghihintay sayo, Malapit nang mapuno ang Pasensya Dito sa kaganapang di mapapaliwanag ng sihensya Kung ba't ikaw, ikaw ang hinahanap ng konsensya Kahit wala ka..... Di na makapaghintay sa panahon ng iyong pagbabalik Pagkakataong tayo’y muling magkita, ako’y nananabik Minsan pa sanay lumantay ang yakap mo’t mga halik Nang sana ang sigaw ko’y tuluyan nang matahimik *Para sa mahal kong si Reina Ngunit sana maunawaan nya ang tula ko.
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 9:13 PM UTC
“LDR”
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa. naalala mo pa ba noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat, sa may malinaw at malinis na sapa? ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha, pagtupi ng mga obra: mga bangkang gawa sa papel, na ating pinapanood ang pag-anod sa tubig na banayad na dumadaloy; nagpapadala lang sa agos. at hindi, hindi ito isang paligsahan o karera. ang tanging pakay ay malibang at magsaya. kung lumubog o masira man ang ating mga bangka, ayos lang, gumawa na lang ng iba. pero ngayon, tayo ay lumaki at tumanda. pati lunan natin ay nag-iba. sa ating pagtingala, hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita, kundi ang bughaw na langit na walang anuman ang makakadaig sa lawak at laya. at siyempre, ang ating malinaw na sapa ay humantong na sa karagatan. di matalos ang hangganan, di matalos ang lalim. maraming tinatagong lihim. nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel. at dito sa dagat,   nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi araw-araw may digmaan sa laot. kalaban natin ang mabagsik na hangin, mga higanteng alon, mga piratang nananamantala, pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod. pero bago pa man magsimula ang digmaan, tayo na ang panalo. walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso. sa ating paglingon mapapagtanto na hindi masukat ang layo ng narating na pala at mararating pa natin. matagal nang wala ang gubat at sapa, napalitan na rin ang mga mumunting bangka. ngunit ako, ay nandito pa at patuloy na mananatili kahit na magkaiba at magkalayo ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko. 'di bale iisa lang naman ang Kapitan, iisa lamang ang kayamanan na hinahanap, iisa lamang ang lupain na tinutungo. hindi talaga matiwasay at madali ang paglalayag dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya kung dumanas man ng sindak at lungkot, huwag maniwala sa lawak at lalim na natatanaw sa mga alon; kasi kahit saan man mapadpad, kahit saan man ihatid ng tadhaha, nandito lang ako.
0
Jun 19, 2015
Jun 19, 2015 at 2:33 AM UTC
layag

Continue reading...
70

Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 9:28 AM UTC
Layag

Nang ako'y napatingala sa mga tala ang naalala ko'y si Bathala kaya nama'y humingi nalang ako ng gabay para sa aking napipintong paglalakbay malayo man ang paroroonan alam kong ika'y hindi malilimutan saan man ako magpunta ikaw pari'y makikita sa aking mga mata'y ikaw ang nasasalamin sa twina'y ako'y magagalak hanggang sa aking pag halakhak gaano man kalayo tayo ri'y muling magkakatagpo hindi man bukas o sa makalawa alam ko'y makikita ko rin ang iyong tawa ani nga nila'y magkalayo man, magkaibigan pa ring tunay alam kong di ka bibitaw dahil yan ang lagi kong hiling sa bulalakaw paalam, sa ngayon ang ating muling pagkikita'y sa Mayon dahil pagdating ng panahong iyon alam kong sa tuktok na tayo naroroon
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 11:05 AM UTC
Paalam, sa ngayon...
lumipas ang mga Oras at Buwan,Ng hindi natin namamalayan. Lalo pa pala Tayong napapalapit sa isa't isa,at sa pag kakalapit lalo pang nahuhulog ang damdamin nating Dalawa. Pilit inaalisa kung paanong ang simpling pangangamusta nauwi sa Tayo Na. LDR na parang hindi naman.kasi kahit magkalayo ang agwat  sa isat isa,Isang tawag ko lang sasagot Ka na.Isang lambing mo lang,pangungulila ko'y nawawala na.Isang "I Love You" mo lang kalungkutan ay napapawi na. Walang kasawaang kulitan,tawanan na walang humpay,at hindi maubos-ubus na usapan.hangang sa hindi namamalayan ang oras na nag-daan. kung dati pag inantok na itutulog ko na.Pero ngayon kahit anong antok  pipigilan Ko,makausap lang Kita. kahit wala namang kwenta ang pinag uusapan pero para sakin,bakit ito ay Mahalaga.Tipong marinig lang ang mabining Tinig  mo at tawang walang pakialam,Kontento na Ako.At kahit may pagkakataon na natutulugan Mo Ako dahil sa mag damag na Harotan at kulitan,wala lang sakin 'to,Basta naririnig ko lang ang mahimbing na pagkakatulog mo ok na ako. Ngayon lang ako Nakuntento ng ganito.Minsan nga napapatanong na lang ako "Bakit ang Swerte ko Sayo".Simpling tao lang naman ang gaya ko at may simpling Pangarap na gustong makamit.Pero ng dumating ka sa mundo ko gusto ko pang taasan pa  ang Pangarap ko yun ay  ang makamit ka at makasama sa araw-araw na pag suong sa takbo ng  realidad ng buhay ko. Hindi man ito ang Oras at Panahon para makasama kita,Darating at darating din tayo sa puntong Gigising akong ikaw ang unang makikita,sa bawat pag dilat ng mga Mata ko.Ngiti mo ang sasalubong sa bawat pag uwi ko galing sa mag hapong wala sa tabi Mo.At yakap mo ang mag-aalis  ng Pagod sa katawan at isip ko. Ikaw na ata talaga  ang Kapahingahan ko sa nakakapagod na Mundong Ito.
0
Jul 5, 2020
Jul 5, 2020 at 3:10 AM UTC
LDR

8
Naaalala ko pa yung araw na maging tayo Pakiramdam ko noon tumama ako sa lotto, Yung tipong tila ba’y ayaw kong tayo’y magkalayo Tapos malingat lang hanap na nang hanap sayo… Lumipas yung mga araw naguumpisa na ang ating istorya Istorya na hinubog ng pagsubok at pagtitiwala Mga tao sa paligid ambag sa kwento natin ay iba-iba Yung iba nakakatulong, yung iba naman nakakasira… Umabot sa buwan tayo’y patuloy na tumatatag Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang sa ati’y hinahapag, Walang sukuan, alitan natin naaayos natin sa loob ng magdamag Para sa pangakong relasyon natin na sinuma’y di kayang matibag… Taon na ang binibilang panibagong kabatana nanaman, Kahit mas tumindi ang bagyo, kaya natin lagpasan… Kahit minsan, mabigat na, patuloy parin lumalaban Mga binuo nating pangarap di natin binitawan… Tumagal pa at tumatagal mas minamahal pa kita Mas may ngiti at tawanan mapapansin sa ating pagsasama Ang alitan at problema parang sa ati’y wala na, Dahil mas malaki na ang tiwala natin sa isa’t-isa… Patuloy na binibilang at pinagtitibay ng panahon Pagmamahalan nating di kayang sirain ng bagyo o alon, Ang pangakong pag-ibig na walang kondisyon, Ating ipinaglalaban at ipaglalaban KAHAPON, BUKAS, NGAYON! ©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 8:09 AM UTC
Kahapon, Bukas, Ngayon
Ang pag-ibig ko sa iyoy walang hangganan. Magkalayo man tayong magkasintahan. Buong buhay nating pahahalagahan, Ang sumpaan natin magpakailanman. Ngunit aking mahal ikaw ay lumisan. Iniwan mo ang aking pusong sugatan. Nasaan ka na at ako ay iyong balikan. Upang malunasan, damdaming nagdaramdam. Ikaw nga ay bumalik, ngunit may kasamang iba. Ngayon tuloy, damdamin ko'y lumuluha. Pinapasan ang sakit na naramdaman. Dulot ito ng iyong kataksilan. Ang iyong pagmamahal ay nawala na, Sigaw ng puso ko ay bahala na. Hanggang sa huli ito ang iyong tandaan. Minahal kita higit pa sa iyong nararamdaman.
0
May 24, 2016
May 24, 2016 at 10:59 AM UTC
Pag-ibig nga naman
Nang dahil sa'yo ang mundo ko'y tila nagbago Nagkaroon ng kulay ang dating madilim na mudo Nang dahil sa'yo nag-iba ang tema ng aking tula Nabigyang buhay buhat ng tayo'y magkakilala Nang dahil sa'yo napunan ng saya ang dating malungkot kong mundo Napalitan ng ngiti ang bawat patak ng luha ko Nang dahil sa'yo natuto akong maniwala sa sarili ko Nagkaroon ng tiwala na kaya kong tumayo mula sa aking pagkadapa Nang dahil sa'yo handa akong sumugal sa hamon ng mundo Na puno ng pag-asang ito'y malalampasan ko Sapagkat sa bawat oras na ika'y nais makapiling Hindi ko magawa dahil sa magkalayo nating daigdig Nang dahil sayo natutunan kong kumapit Sapagkat sa minsang sinabi mo sa akin na ako'y gusto mo rin Handa akong kumapit alang-alang sa iyong sinambit Nang dahil sa'yo napunan ako ng walang humpay na pagmamahal Marahil ikaw ang biyaya sa aking buhay ng ating Maykapal Handa akong maghintay kung kailan ka uli magmamahal ng isang tulad ko At muling buksan ang iyong pusong lito.
0
Jun 15, 2017
Jun 15, 2017 at 9:39 PM UTC
Nang Dahil Sa'yo
Milya milya man ang layo mo, Pero sisiguraduhin kong kakayanin ko, Kakayanin ko, kakayanin natin lahat ng mga pagsubok na darating, Pagsubok na sabay nating haharapin, Pagsubok na kahit tayo ay magkalayo'y alam kong ating malalagpasan, Wala sakin kung kilo kilometro man ang layo mo, Wala sakin kung hindi kita nakakasama o nakikita, Pero sakin sapat ng alam kong mahal mo ko, At sapat ng malaman **** ikaw lang ang laman ng puso ko, Hindi ko man hawak ang iyong mga kamay, Hindi man kita mayakap gamit ang aking mga bisig, Hanggat nandito ka sa puso ko, Mananatiling ikaw hanggang dulo Mahal, Gusto kong malaman **** Kahit ilang milya o ilang kilometro ang layo mo, Wala ng papalit sayo dito sa puso ko. Hindi man ngayon, handa akong maghintay hanggang sa magtagpo tayo.
0
Feb 24, 2020
Feb 24, 2020 at 6:55 AM UTC
Mga milya
Paano naman ako, Sa mga oras na naisip **** iwan ako? Hindi mo ba napagtanto Nasasaktan din naman ang puso ko Dahil sa agwat at oras na tayo'y pinaglalayo. Sinta, paano naman ako? Hindi mo man lang ba naisip na ako'y nahihirapan din Sa walang humpay na pagbulong na lamang sa hangin Ng mga salitang gustong sambitin Habang sa mga mata mo'y ako ang nakatingin. Mahal, paano naman ako? Sa mga oras na lumilipas na tayo'y magkalayo Hinahanap ang yakap at halik na mula sayo Ang mga oras na maaaring magkasama tayo Ngunit sa panahon nalang pinaubaya ito. Sabihin mo, paano naman ako? Ako na alam **** sinira ng kahapon Nabahiran ng kasinungalingan at poot, nababasag sa pagdaan ng taon Paano naman ako mabubuo, Kung kahit ikaw dinurog ako at hindi naging totoo?
0
Feb 8, 2016
Feb 8, 2016 at 10:53 AM UTC
Paano naman ako?
Dito na lang sana tayo Kung saan hindi tayo magkalayo Kung saan laging masaya Kung saan may magandang alaala Dito na lang sana tayo Kung saan atin ang mundo Kung saan tumitigil ang oras Kung saan walang wakas Nandito na tayo Bakit pa nagkalayo Bakit mga luha'y bumuhos Bakit biglang natapos
0
Jun 7, 2015
Jun 7, 2015 at 10:56 AM UTC
Dito na lang sana tayo
Walang silbi ang milya-milyang  layo Ng ating destinasyon Kung ating pag-ibig ay sing tigas ng Batong marmol Wala akong pakialam kong ako'y Kanilang usigin Tanging tibok ng puso ko ang Aking diringgin. Harangan man ng sibat at pana Ang aking daraanan Wala itong laban sapagkat Pagmamahal ko sayo'y Nagsisilbing kalasag na pang laban Mahal na mahal kita ito'y iyong Pakatandaan. Hindi man tayo magkapilng ngayon Sana'y lagi **** tatandaan Nagkatao lang natin ang Magkalayo Ngunit hindi ang ating mga ......PUSO.....
0
Feb 28, 2014
Feb 28, 2014 at 3:24 AM UTC
AGWAT
Sa distansya umusbong ang lahat Kung paano nagkrus ang ating mga landas Na sa dinarami-rami ng tao’y ikaw pa Sa simpleng pagbati mo nagmula
 Sa distansya tumibay ang relasyon Nagpakatatag sa panahong magkalayo Kinubli ang hirap ng mga pagbabago Nanahimik sa likod ng maraming tanong Sa distansya nagsimula ang problema Kawalan ng tiwala ang naging ugat Pag-iisip kung nararapat pa bang ipaglaban At hawakan ang pangakong unting unting nawawala
 At sa ‘di inaasahan, sa distansya rin nagtapos Tumigil nang maniwala sa “Kaya natin ‘to” Napagkasunduan at magkasamang nagdesisyon Napagtantong pag-ibig ay ‘di sapat sa isang relasyon
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 2:15 PM UTC
distansya
Natutulog pero ikaw pa rin ang nasa panaginip Nagtatrabaho pero bigla kang sisingit sa isip Magkalayo ng ilang saglit pero parang kay tagal nang naghihintay Hindi ka lang magtext o tumawag feeling ko ang tagal mo nang nawalay Kahit wala ka sa tabi ko Kahit iba ang ginagawa at pinagtutunan ng pansin ko Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko? Laging ikaw. Walang iba, kundi ikaw.
0
May 9, 2016
May 9, 2016 at 6:15 AM UTC
Laging ikaw
sa pagta- tapos ng aking panimula,,, hinde ko talaga alam kung kayo'y magtitiwala,,, dahil hinde pa ito ang wakas ng unang YUGTO. Sa panahong,,,,minsan kailangan nating MAGKALAYO mga puso't isipan ay pilit-muling IPAGTATAGPO kung saan at kailan,,,, siya nawa,,,,TADHANA ANG BAHALA!!! " Ikaw Sila Tayo Ang Mga Bantayog Ayaw Yumabang " mga pagkataong may pusong busilak nagbibigay sa kapwa ng may galak BATID NI BATHALA regalo ang gantimpala friends......less than 5 DAYS b-4 X'mas supil ~~~ twirl five-letter word © copyright 2015 - All Rights Reserved [8 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
0
Dec 20, 2015
Dec 20, 2015 at 6:21 PM UTC
s u p i l (5L)
Ipapangako ko na balang araw ako ay magiging sa paligid mo, At ikaw ay papanatilihing ligtas alam ko na may mga bagay na kailangan nating-pag-usapan pero hindi ako pweding manatili kaya't hayaan **** hawakan ko ang kamay mo kahit sa maikling panahon at kunin mo itong peraso ng aking puso at gawing Iyo. kaya kahit na magkalayo tayo hindi ka nag-iisa.
0
Mar 16, 2019
Mar 16, 2019 at 1:30 AM UTC
Di ka Nag-iisa
Buhay na lang ikaw sa mga salita, Ngunit 'di na sa dating gawa Alaala'y naglilipana katumbas ng bula, Ngunit biglang nawawala Sa itaas ka ng agos ng ilog Sa ibaba ako ng agos ng ilog, Ngunit ikaw ang busilak na iniirog Nang tayo'y magkalayo, puso'y nadudurog Bayaran 'man ng libong salapi 'Di na mabubuhay ang isang labi Kasiyahan ay lubusang nagagapi Sana maibalik ang dating luwalhati.
0
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 11:02 AM UTC
Buhay
Duwag ka pero salamat Salamat dahil hindi mo ako pinabayaang mahulog sa isang panandaliang saya Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang kathang isip lang Sa mga matatamis na salita na hanggang kwento lamang Sa mga makahulugang tingin na hanggang sulyap lamang Sa mga masasayang pag-uusap na hanggang alaala na lamang Mga salita, tingin at kwentuhan na hindi kayang ipadama ng mga yakap at haplos Dahil duwag ka Dahil nandyan ka at nandito ako Magkalayo tayong dalawa Pinagdugtong lang ng isang pisong tumatawid sa libo-libong distansyang mahirap sundan Dahil hindi natin kayang tawirin dahil duwag ka at ako Oo, duwag din ako Duwag ako katulad mo Nakakahilo ang pagitan natin Duwag tayong dalawang pumaroon sa espayong walang kasiguraduhan Pero napakatapang nating hinarap ang katotohanang nakakabit sa atin ang mga balakid Na nandyan ka at nandito ako Malayong-malayo Itong paang nagpipigil sa ating lumutang sa ligayang hatid ng mapangahas na damdamin Hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natititigan ang kislap ng mga mata mo Lagi tayong nakamulat at hindi kayang pumikit nang matagalan Dahil duwag ka at duwag ako Duwag ka dahil hindi ka lumaban para sa atin At duwag ako dahil hindi kita i-pinaglaban.
0
Feb 19, 2020
Feb 19, 2020 at 9:39 PM UTC
Duwag
Mahal ko, ika'y hinahanap-hanap ko, ang iyong ngiti at pagmamahal kailangan ko, Bakit kailangan tayo'y magkalayo? Ikaw aking buhay't pag-asa. pero ako na lamang pala ang umaasa, Naglaho na nga bang tuluyan iyong pagsinta? Mga tao sa aking paligid, Lahat sila'y nagmamasid, Kung ako ba'y sa lawa ng pag-ibig pa din sumisisid. Pero aking natutunan, ika'y pakawalan, Sa hawla ng pag-ibig na walang katapusan at patutunguhan. Malay ka na aking mahal, ito ay dapat **** pakatandaan, mahal pa din kita magpakailan pa man.
0
Dec 5, 2017
Dec 5, 2017 at 4:07 AM UTC
MALAYA
Nagbalik tanaw, Hinalungkat ang nakaraan, Mga 'storyang, lumitaw, Binalot ng tawanan. Ngunit ang mithi ko'y iiba, Nais kong ika'y mas makilala, Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa, Ako nama'y pagbigyan mo, sige na. Nagulat, di makapaniwala, Bakit parang nagtutugma, Ang ating mga storya, Ang ating pagkabata. S'an nga ba ako? S'an ka naman ng mga panahong ito? Hindi ba, tayo'y magkalayo? Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo? At tayo'y nagbiruan pa, Sabi natin ng patawa, "Aba, baka ito'y tadhana", Aba, sana nga. Maalala pa kaya kita? Ang tanong nating dalawa, Tanong na may kaba, Nagtatanong nang nag-aalala. Aalahanin kita, Ang sa aking bawat umaga, Ang buwan sa aking gabi, Ang mitsa ng aking mga minithi. Ang sabi kong "una", Una kong maaalala, Una kong ipinagdasal, Ang una kong minahal.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 1:20 PM UTC
Kahapon: Sa Paglalim ng Gabi
Masaya pa tayo noon diba? Masaya tayong magkakasama. Nagsumpaan na walang iwanan, Ngunit sa huli ako'y inyong iniwan. Okay naman tayo dati kahit magkalayo tayo, Pero oras nyo na nga lang hinihingi ko, Di nyo pa mabigay ng husto. Naghanap ng mga bago, Pero di sila kagaya nyo. Walang maipalit sainyo, Pagkat kayo lang ang nakilalang totoo. Naging malungkot buhay ko, Kase wala na kayo. Sana'y maisip nyo, Ang nasayang na pagkakaibigan na to. Kayo'y pinapatawad ko, Pero asahan nyo ang aking pagbabago.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:25 AM UTC
Pagkakaibigan
Kung titingnan tayo sa malayo ay tila dalawang estranghero. Magkalapit na nakatayo, ngunit kalooban ay magkalayo. Sa bawat buntong hiningang pinapakawalan, ay ang patagong pagpahid ng luhang pinipilit wag masdan. Sa bawat patak ng ulan sa iyong mykha, ay ilang beses kong pagpigil ng sariling luha. Gustohin ko mang ikaw ay pigilan, wala akong magagawa kundi ikaw ay pakawalan. Kung kagustohan ko lang din naman ang masusunod, Maari ba? Maari  bang sabihin, mga salitang pilit pinipigil bigkasin? Maari bang kahit ngayon lang, ay mawala saglit ang pagkailang? Maari ba? Kahit ngayon lang? Kahit saglit lang? Maari bang ikaw?
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 9:12 PM UTC
"Estranghero"
Ito na naman tayo Nagbabatuhan ng mga salitang walang bilang Ito na naman tayo Magkaaway kahit masaya kanina lang Ito na naman tayo Hindi magkasundo pag magkalayo Ito na naman tayo Nauubosan na ng dahilang manuyo Ito na naman tayo Pag-ibig nga ba o sitwasyong magulo Ito na naman tayo Punitan ng puso
0
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 10:40 PM UTC
Punitan ng Puso
PANAHON AY NAGBABAGO SABAY SA PAG-IKOT NG MUNDO KATULAD NG DAMDAMIN MO AT NG PAG-UUGALI KO KUNG DATI-RATI AY TAYO NGUNIT NGAYO’Y MAGKALAYO SINO NGA BA ANG NAGBAGO AT SAAN NA BA PATUNGO ANG BAWAT PINTIG NG PUSO PATULOY NA GUMUGUHO PAALAM NA BALATKAYO AT SA ISIP NA TULIRO KAYLAN MA’Y DI KA NILOKO HANGGAN SA WAKAS NG KWENTO
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 9:39 PM UTC
SONETO # 22
Singkislap ng mga tala ang iyong mga mata Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa akin Sa tuwing tayo ay magkasama Anong saya aking nadarama Di ko maipaliwanag Sadyang aking mundo’y lumiliwanag Ibubulong ko na lamang sa hangin Ang aking nararamdaman na hindi ko maamin Aking mahal, sana ay ikaw na nga Ang aking makakasama hanggang sa pagtanda Sana ay ako lamang ang iyong mamahalin Ikaw lamang ang aking mahal Ikaw lamang ang aking minamahal At ikaw lamang ang aking mamahalin Ikaw lamang ang aking mahal, minamahal at mamahalin, sinta At wala nang iba pa Hindi man kita kasama araw man o gabi Walang ibang papalit sa’yo dito sa puso ko Ikaw lamang ang aking gustong makatabi At sa iyo lamang umiikot aking mundo Saksi ang Panginoon sa ating pagmamahalan Dahil alam niyang sa iyo ako nakalaan Ito ang iyong pakatatandaan Na kahit ako ay magkamali man, pangakong hindi kita sasaktan Singdami nang mga tala ang mga taon Na gustong tayo ang magkasama hanggang sa huli Kahit na tayo man ay magkalayo ngayon Alam kong makakasama’t mahahagkan kitang muli Sana ay pagbigyan ng panahon Kahit sa gabi lamang ikaw ay makatabi Ikaw lamang ang aking mahal Mula noon hanggang ngayon Ikaw lamang ang aking minamahal Mula noon hanggang ngayon Ikaw lamang ang aking mahal Ang aking minamahal At aking pipiliing mamahalin Sana ay ako rin
0
Aug 28, 2023
Aug 28, 2023 at 10:30 PM UTC
Aking mahal, minamahal at mamahalin (2-11-21)