Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
LigeraM
s a v e m e f r o m t h i s s a d n e s s
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:27 AM UTC
...
Kung maaari lamang maibalik ang oras, aking gagawin upang makatas. Babalik sa mga oras na ramdam ko ang inyong suporta, na ngayon ay tila nawawala na. Ayos lang naman kung hindi ako ang paborito, ang gusto ko lang ay maramdaman ang pagmamahal nyo. Masasakit na salita na akala nyo ay wala lang saakin, Iniiyakan at nananatili saaking isipin. Sana mapagtanto, na kaya ako nagbabago dahil sainyo.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:16 AM UTC
oras
Bakit ganyan kayo? Madali ba talagang palitan ang isang katulad ko? Kapag sawa na, Hahanap ng iba. Hindi man lang magsabi kung anong problema. Pwede naman nating ayusin to, Pero sadyang nakakalito, Minahal nyo ba talaga ako? O pampalipas oras lang ako? Ang dali nyong magbago, Magbago ng paglalaruan nyong tao. Nagmumukha akong basura, Iniiwan nyong umaasa. Bakit pa nga ba ko umaasa? Binuhay lang ba ko para magpakatanga? Pagmamahal ko inyong binabalewala, Paano kung bigla nalang akong mawala? Ayon naman ata gusto nyo, Mawala ang isang basurang kagaya ko.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:12 AM UTC
Pag sawa na, iiwan na.
Ala-ala na nga lang ba? Ang makakapagpasaya. Doon na lang ba tayo magkakasama? Doon na lang ba tayo maayos? Di na ba talaga maaayos? Di na ba talaga maibabalik?
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:07 AM UTC
Mga tanong sa aking isipan
Oras na nga ba? Para kalimutan na, Mga ala-ala Iniwan akong nag-iisa, Di na ba babalik pa?
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:04 AM UTC
?
Sa likod ng mga tawa at ngiti kong to, Hindi nyo alam ang lungkot na tinatago ko. Nagpapanggap sa abot ng aking makakaya, Pero kelan nga ba ko makakalaya? Makakalaya sa pagpapanggap na to, At mapakita ang totoong ako. Baka isang araw magulat kayo, Kapag ako ay lumayo. Gusto ng huminto, Sa aking matinding pagtago. Ngunit pag ako'y tuluyan ng bumitaw, Asahan nyo ang aking luhang umaapaw. Hindi na kaya ang bigat na dala, Siguro oras na para magpahinga.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:32 AM UTC
Mapagpanggap
Pwede ba kitang yakapin? Sa araw na ito ating ayusin, Pero baka ito na ang huling pagkakataon. Mga ala-ala'y wag mo munang ibaon, Alalahanin ang masasaya nating araw at taon. Galit ko'y lilipas din, Kailangan lang nating hintayin. Asahan natin ang pagbabago, Tayo sa isa't isa ay maging totoo. Pero sana ang pinagsamahan natin ay maibalik, Sana ang pagkakaibigan ay muling maging matalik. Pag-aaway na to ating bigyang wakas. Dahil ayoko ng lumipas, Ang mga araw ng di ka nakakausap. Lagi ng matamlay, Buhay nawawalan na ng kulay. Kailangan kita sa aking buhay, Mahal na mahal kita hanggang sa wakas ng aking buhay.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:29 AM UTC
Kailangan kita sa buhay ko kaibigan
Nakilala kita at pinasaya moko. Ikaw ang naging liwanag, sa buhay kong malungkot at nakakaloko. Nagtyaga para mapasayo, At oo nakuha mo ako. Naging masaya tayo, Pero unti-unting may nagbabago. Akala ko'y hanggang sa huli ay tayo, Pero hindi nagtagal pag-ibig mo'y naglaho. Pinag-isa ang pag-ibig natin sa buhay kong to, Ikaw rin pala ang ikalulungkot ko.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:27 AM UTC
Pag-ibig na pinag-isa
Matutulala nalang, At mapapaisip. Handa ba ko para sa pag-ibig na to? Kailangan kong maging matapang para sayo. Ngunit ayokong masaktan ng husto, Pagkat itong puso ko'y iniingat ingatan ko. Pero susugal ako para sayo, Kase nga mahal kita, ano bang magagawa ko.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:26 AM UTC
Ang pag-ibig ay para sa matatapang lamang
Masaya pa tayo noon diba? Masaya tayong magkakasama. Nagsumpaan na walang iwanan, Ngunit sa huli ako'y inyong iniwan. Okay naman tayo dati kahit magkalayo tayo, Pero oras nyo na nga lang hinihingi ko, Di nyo pa mabigay ng husto. Naghanap ng mga bago, Pero di sila kagaya nyo. Walang maipalit sainyo, Pagkat kayo lang ang nakilalang totoo. Naging malungkot buhay ko, Kase wala na kayo. Sana'y maisip nyo, Ang nasayang na pagkakaibigan na to. Kayo'y pinapatawad ko, Pero asahan nyo ang aking pagbabago.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:25 AM UTC
Pagkakaibigan