"Walang iwanan, ha?"*
Itinanong mo pa
Ng tayo'y lumisan
Sa munting restawrant.
Wala akong sagot
Kasi, ang pangako't
Hiling ay mahirap
Itupad; isikap.
Lumipas ang buwan at
Magkasama, hangga't
Dumating ang oras
Tayo'y nagpumiglas.
Kahit simpleng tali,
Katapat ay gupit;
Kadenang makapal,
Siya di'y napipigtal.
'Wag magbitaw basta
Ng mga salita
Kung hindi mo kayang
Pangatawanan pa.
pbl/080817
are promises /actually/ meant to be broken?