"mabubuhay" poems
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.
naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.
naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?
nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.
hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
mga tao sa kasalukuyan
mga dayukdok sa kapayapaan
pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan
hatid na bigat ng ating kapaligiran
oo, patuloy ang progreso
nating mga tao
taon-taon may mga bagong
mapangusad na mga plano
unti-unting nasasagot
mga sigaw ng pagbabago
...kahit papano
kahit gaano
ito katagal
lahat ng baraha
para dito'y handang isugal
pagkat lahat ng mga
dumadaan na pagsusulit
ang bawat paglagpas at wakas
nama'y lubos ito na sulit
sa ginagalawang mundo na abala
sa munting paglabas,
di na maiwasan ang pagalala
bawat pilak parehong pang-hulma
at resulta para sa mga gyera
marami namang mas makahulugan pa
upang igasta bilyon-bilyon na mga pera
panloob na kapayapaan
sa paghanap nito'y
isang paghahanap sa karagatan
lumulutang lamang ay katanungan
kung ito'y katotohanan
o isang kasinungalingan
makakamit ba hangga't may natatapakan
o madadama lamang ba
pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan
o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian
sumisikip, napupuno mga kulungan
sumasagitsit ang mga bulong-bulungan
kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan
humihinga pa aking paniniwala
sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati
sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala
pagkat hindi pa ito ating wakas
patuloy mabubuhay ang pagasa
hangga't may nabubuhay na umaasa
simulan sa sarili, wag sa iba i-asa
pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa
di kahinaan ang pagtakas
minsa'y kinakailangan
din nating maghilom, kumalas
sa mapangwasak na mundo,
patunayang ika'y mas malakas
hindi upang ipakita'y pagkamanhid
kundi magkaroon ng sapat na lakas
upang kayanin pang hatakin
sarili't ibang tao pataas
Oct 21, 2019
Oct 21, 2019 at 1:32 PM UTC
Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo,
may pangangailangang kinukuha sa hamog ng umaga,
sa lupang kakarampot, at sa katas ng ibang ugat ng ibang halaman.
Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo,
nananahimik na namumuhay sa anino ng tunay na sibol
ng kalikasan. Ano ang aking silbi kung ang langit na nais kong marating ay hanggang talampakan lamang ng tao?
Ano ang aking silbi?
Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo,
mabubuhay ng walang halaga,
mawawala ng walang sinasambit.
Jan 28, 2015
Jan 28, 2015 at 3:59 AM UTC
“Study everything, join nothing”
- The Maverick Philosopher
Hindi naman masamang siyasatin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating buhay-buhay. Ayos lang na basahin ang lahat ng aklat na gusto **** basahin basta’t makakatulong ito para makamtan mo ang iyong mga hangarin. Ayos lang na sumabay sa hangin o kaya naman ay tumakbo sa buhangin siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa bangin.
Minsan ka lang mabubuhay at hindi na muling babalik ang kabataan, karapatan mo na pag-aralan ang lahat ng gusto **** mapag-aralan. Hindi mo kailangan na pumasok sa paaralan at magbayad ng pagkamahal-mahal na tuition fee, hindi mo kailangan maki-tropa sa mga bolakbol o kaya naman ay makipag-plastikan sa mga pantas na kung tawagin ay propesor.
Magbasa ka at huwag umasa, hawak mo ang iyong buhay kaya’t hindi mo ito dapat na iasa. Kumasa ka kung kinakailangan upang hindi maging alipin ng sinoman. ‘Hwag **** antayin na turuan ka ng iba, turuan mo ang iyong sarili. Ok lang na maging makasarili basta’t kaya **** dalhin ang iyong sarili. Kumbaga wala naman masama na magsarili gamit ang iyong daliri.
Basta ito lang ang payo ko: ‘wag **** sayangin ang ngayon. Wala sa organisasyon ang tunay na pundasyon. Ang karunungan ay hindi isang donasyon, pinaghihirapan ito tsong. At wag **** sabihin na masyado ka pang bata o di kaya naman ay matanda na’t huli na ang lahat. Walang malambot at walang makunat sa coconut na handang matuto.
Panghuli gusto ko tandaan mo ito. Ang buhay ay hindi isang magandang panaginip hindi rin ito isang masamang bangungot. Ang buhay ay buhay, ganon lang kasimple, ‘wag **** gawing kumplikado. Kung may gusto ka gawin mo, kung ayaw mo naman edi ‘wag. Ika nga walang sapilitan kasi wala ka naman kapalitan ang importante ay matuto ka saiyong bawat ngayon.
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 8:14 PM UTC
Pitasin mo ako,
At ilagay mo ako sa gitna mo at isara mo ito.
Alam ko,
Alam ko na hindi ko lugar Ito.
At sabi nila na akoy nararapat kung saan akoy pwedeng mabasa at masilawan ng araw.
Kung Saan akoy pwedeng mabuhay, at maalagan.
Pero, paano ako mabubuhay kung akoy nawawalay sa piling mo.
Alam ko, na ako ay mabubuhay sa piling mo,
Akoy nararapat na kasama mo, hahayaan ko ang pagmamahal mo ang bumasa saakin, at ang mga ngiti mo ang sumilaw saakin, parang araw sa umaga, sa hapon at hangang sa magdilim.
At hangang mag bukang liwayway.
Ako ay isang bulaklak, na pinitas ng isang umiibig na binatang lalake at ikay isang libro na Pag aari ng isang dalagang babae na sinisinta.
Kaya uulitin ko,
Pitasin mo ako,
Ilagay mo ako sa gitna ng mga pahina,
Sa gitna kung saan nakahimlay ang puso mo.
Doon akoy mananatili para sayo.
May 11, 2015
May 11, 2015 at 1:08 PM UTC
Tinukso mo ako ng iyong maskara
Ang pinto **** bakal ay nagmukhang pilak
Mga bintana mo'y tila walang sara
Ang bawat sulok mo'y humahalimuyak
Akong naghahanap ng lugar sa mundo
Namalik-mata nga't naakit mo agad
Sa mga pangako'y nadala't natukso
Naghintay ng dulot, magagarang gawad
Sa aking pagyakap sa pintong makinang
Ngiti ko'y sumilay, nag-isip, nangarap
Akala ko'y lungkot dito'y mapupunan
Saya ang papalit sa dusa at hirap
Subalit nagulat sa aking pagmulat
Ang pinto **** pilak ay puro kalawang
Mga bintana mo'y nabuway ng lahat
Ang bawat sulok mo'y amoy basurahan
Paano pa ako ngingiti, sasaya
Kung ang pangarap ko ay biglang naglaho?
Mabubuhay ka bang kuntento't payapa
Sa lugar na itong ngayo'y gumuguho?
Nais kong tumakas, lumayo, tumakbo
Sa bilangguan kong kakila-kilabot
Subalit kadena ko'y mayroong kandado
Kasama ba akong mababaon sa limot?
Hindi! Ang sigaw ng matapang kong puso
Kadena sa paa'y aking wawakasan
Mabubuhay ako na hindi bilanggo
Ipaglalaban ko, aking kalayaan!
---Marguerite
9/18/2015
7:33 am
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 5:14 AM UTC
Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang
Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang!
Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman
Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang
At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan
Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang
At di kayang punan ang puso kong kulang kulang
Nais kong umibig sa kalayaan
Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan
Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap
Sa buhay kong kay tagal di hinagap
Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo
At agawin ka man ng kahit kanino
Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo
Dahil ikaw ng pinili kong ibigin
Sa sibat o bala handa kang sagipin
Ialay ang boses na para sayo lamang
At walang ibang magkakamkam
Ikaw lamang ang hindi mamamatay
Na maski pagkaraan ng daan taong namatay
Ay muli ring mabubuhay
Kung mawala ka man saakin o aking giliw
Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw
Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas
Ay kahangalan ng isang batang mapangahas
O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas
Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man
Hindi ka nila maaagaw o kalayaan
Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan
Ubos ang laman, ginahasa't binayaran
Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan
Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan?
Di pa sapat ang aking kamalasan
Binaligtad aking katotohanan
Maging ang pagkapantay pantay
Na siya rin mismo ang pumatay
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:22 AM UTC
'Sang gabing walang kasintulad ng dati,
nang naglalakad ako sa tabi-tabi:
animo'y may sigaw na naulinigan
hinanap ko't ng ako'y napatulala
sa 'di makatarungan.
Tumulong ako kahit 'no pang mangyari
para sa taong walang-awang pinaslang;
'di alam ang gagawin at pupuntahan
nakita'y may mataas na katungkulan.
At nang dumungaw ako sa paglilitis,
nabilanggo'y hindi totoong maysala;
dahil lang nga ba sa kapalarang itim
o mayro'n lamang s'yang kapit sa patalim?
Ngayon nga'y nandito ang pusong sugatan,
baon sa kalungkutan dulot ng rehas:
katarunga'y 'di pa batid kung nasa'n na,
patuloy na lang ba akong mabubuhay
sa nakatagong saya?
Dec 9, 2011
Dec 9, 2011 at 6:20 AM UTC
dahil wara katapusan an duon san mga mata
mabubuhay akong minamatay
san dating kaaway ko sa lawas na ini
sa lawas na ini naghambog an talawon
pinapagubtik an kaaluhan na nagpapamuda
muda na nagpupukaw saakon gurugab-i
kendi na nagpapahibi
mesias na naghahala-hala
magiging madalas an pagsid-ip niya sa bintana
para laen ko makita an liwanag
malaog siya sa kahon ko
laen para magkawat
kundi dagdagan an pagub-at
makasakat an pagbagsak
siya na ako
masurat tula.
~Written by Melton Balicano
(a bikol dialect)
since these eyes have been weighed down on unending
i shall live while being slain by an old foe in this body
this body where the craven had once boasted
surging chagrins that blaspheme
blasphemy that rouses this corpse in the dark
treats that shed tears
a messiah that taunts.
he shall constantly peep through the window
so that I see no light
he will break in my casket
not to thieve
but to burden further
the downfall shall rise
then he becomes me
penning a poem.
~a translation of Balicano's masterpiece
Glenn Sentes
Mar 6, 2013
Mar 6, 2013 at 7:59 PM UTC
Naramdaman ko ang pakiramdam
na hindi tayo nagauusap
kaya't
kahit ano pa ang mangyari
wag na wag kang titigil
sa pakikipagusap sakin.
Ayoko na ito maranasan muli
dahil
mas masakit pa ito
kaysa sa
pagiging mag isa sa isang dagat ng tao, lahat nakikipagusap
sa isa't-isa
habang ika'y siksik na siksik na
at sinusubukang
huminga.
Nakakalunod ka.
At kung
dumating man ang araw
na sa sobrang galit mo
saakin
ay hindi na tayo maguusap,
alalahanin mo
na minahal kita higit pa
sa inakala kong
kayang mag mahal ang isang tao.
Minahal kita
parang sa pagmamahal ng
tao sa hangin.
Kinakailangan kita.
Nguni't alam ko
na mabubuhay ako
sa isang mundo na payapa at matagal kahit na ika'y wala sa tabi ko,
at pinagtatawanan ko
ang mga magkasintahan na sinasabi
sa isa't-isa
na ikamamatay nila
ang pagkahiwalay nilang dalawa;
mga inutil.
Alam kong mabubuhay ako
nang hindi ka makakausap
tuwing gabi't
sinusubukan kong ilunod sa
dagat ng muhika
ang mga boses sa tenga ko.
Alam kong mabubuhay ako na wala ka
nguni't ayoko.
Kaya't pagpasensyahan mo na
kung hirap akong huminga
kapag di kita kausap.
Alam kong
kat'hang isip lamang
ang pagkawalan ko
ng hininga
nguni't sa isip
at sa puso ko'y
ito ay totoong totoo.
mahal kita
pagpasensyahan mo na.
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 10:24 AM UTC
Magandang gabi kamahalan
Dito sa aking kinatatayuan
sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan,
Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan,
Saan man ang iyong pinagmulan,
ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan,
hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan.
Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran
Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan,
Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian.
Handa akong panagutan ang ating pag iibigan,
hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam
gagawin kong mundo ang dapat tao lang,
baliin natin ang daan
lumiko man tayo pakanan
marating lang ang kabundukan
patungo sa ating tutuluyan,
Ikaw ang magsisilbing kanlungan,
sa nakaraang minsang pinagdalamhatian.
Ikaw ang magsisilbing lagusan,
sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan.
Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan.
gagawin kong bintana ang iyong mga mata,
tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit,
itatakas kita..
itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida,
sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na,
hahanapin kita,
sisirin ko man ang kumunoy,
languyin man ang lalim ng panaghoy..
hahanapin kita,...
hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira,
sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 4:17 AM UTC
#030217
Nakulob na ata ako
Anong silbi ng mga patlang at espasyo?
Nagagalit tayo sa tono ng pangungusap
Ngunit kung may kuwit nama'y
Magtataka tayo bakit may paghinto --
Baka kasunod na'y pagkitil ng talata.
Hindi natin alam ang takbo --
Kung saan hihinto ang nasimulan na.
Pero nakikipagsabayan pa rin tayo.
Hindi natin alam ang takbo
Eh baka naman kinaligtaan lang talaga
Tapos, nakaalis na pala
Tapos, tapos na pala.
Bibigyan kita ng blangkong papel
Di para dungisan mo ng tinta
Di para guhitan mo ng sari't saring parirala
*Hayaan **** magkusa ito*
Na parang pagpipinta sa napakalawak na pader
Na parang wala kang nais gawin
Kundi maging isang malayang sining at katha.
Hindi sya makasarili
Pero mabubuhay siya nang kanya.
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 10:33 AM UTC
Isugpong ang lupa't langit
Lumaon na pagsuyo'y naaanod
Sa kanluran ay naninikluhod
na sana maging malubay ang kasikipan ng loob
Ipagkaila sa tapat ng altar
Tumanda na naangkin ay di ibibigay
Di sadya man mamutawi sa labi ng mga kaibigan
Mag salangsang sa pag-ibig at nang humanggan
Sa wakas ay kusang mabubuhay
Sa walang panahon o oras
Ihuhubog ang mundo na tumila
Gaya ng dasal ng patay sa kalawakan
Ipagkaloob ang kasarinlan
sa marubdob na kinikilos ng itong kaluluwa
Mahiwalay sa katawang tao
At ang karunungan ang siyang magpapalakad sa gawa ng Maylikha
Sapagkat natumbok ng hirang ang budhi
Hindi na kaya maitakwil
Mismo ang kanyang kamay tumarak ng salapang
Sinugat ang kaluluwa - inalila ng kanyang pagnanasa
Mar 10, 2019
Mar 10, 2019 at 7:36 PM UTC
Maaga kong nilisan
ang lupang sakahan
Tinahak ang lugar
na maingay at magara,
ito pala ang Maynila.
‘di napigilan ng tirik na araw
ang aming pagkukumpulan.
Nagkamayan
kaming magkakabrad,
Simula na ng himagsikan.
Sariwa pa sa alala
kung pa’no
kami inagrabyado.
Itinulak.
Binugbog.
Tinakot.
Ginamitan ng dahas.
Sa plano ng gobyerno
kami pa rin pala ang talo.
Paano pa kami mabubuhay
kung wala ng lupang mapagtatamnan?
Akala ko sa bundok
o gubat lang may ahas
-yun ay sa akala ko lang pala.
Sa’ming magsasaka’y
Kumukulapot ang putik
Ngunit
sa inyong mga nakabarong,
animoy
walang duming nakabahid.
Sa inakala kong
tubig lang ang maaaring
idilig,
Dugo
pala nami’y pwede ring
pumatik.
Tila ba ang gobyerno’y namamanhid.
Nasaan na
ang pinangako nyong
libreng abono?
Ginawa nyo na bang pataba
sa mga bulsa nyo!?
Sa pagpunta
ng mga imperyalistang bansa,
Matutulugan
pa ba kaming mga dukha?
Makatatayo ako
sa aking pagkakadapa
Ngunit
ang bayan
kong nakalugmok ,
makakaahon pa kaya?
Jan 6, 2020
Jan 6, 2020 at 10:48 PM UTC
Hindi ko tinatanggap
Ang aking katawan
Hindi ko tinatanggap
Ang aking isipan
Panginoon, ibalik mo ako
Sa loob ng aking ina
At muling buoin
Buoin ng tama
Hindi ko naiintindihan
Ang mundong ginagalawan
Hindi ko naiintindihan
Ang sayaw ng magkasintahan
Panginoon, bigyan mo ako
Ng bagong pagkakataon
Na mabuhay ng matiwasay
Na makasabay sa mga alon
Hindi ko maiwasan
Na umiyak sa kalye
Hindi ko maiwasan
Na manalangin ng mali
Panginoon, bigyan mo ako
Ng tahanan
Kung saan ako'y mabubuhay
Sa aking katotohanan
Mar 26, 2021
Mar 26, 2021 at 9:15 AM UTC
“You live but once; you might as well be amusing.”
― Coco Chanel
Sabi sa kanta ni Freddie Aguilar “Habang May Buhay May Pag-Asang Matatanaw” subalit ang pag-asa ay hindi lang dapat na tinatanaw mas mainam kung ito’y ating kukunin at ilalagay sa ‘ting mga kamay. Ang pag-asa ay laging kumakaway kahit tayo ay nasa dilim. Tumawid man tayo sa magkabilang bangin o kahit na hampasin pa tayo ng malakas na hangin, hindi dapat mawala sa ating paningin ang pag-asa na nagniningning. Ganito natin dapat harapin ang buhay kahit ang hirap ay sapin-sapin. Minsan lang tayo mabubuhay at ang buhay ay parang isang tulay na pagkahaba-haba man ay may hangganan din. Subalit mahaba man ito o maiiksi marami tayong haharapin, mga bagay-bagay at mga pangyayari na hindi natin maiiwasan. Mga damdamin na kahit iwasan, pilit ka nitong hahatakin pabalik sa kung saan ang mga ala-ala ay masasakit. Wala kang kawala kailangan na harapin mo ang mga ito. May mga nagbabagang karanasan na hindi mo gugustuhin na balikan pero kailangan mo munang harapin bago mo ito malampasan. Hindi parehas ang buhay, oo, tama yan, gago lang ang naniniwala na Life is Fair. Subalit wala kang choice kailangan mo harapin ang kawalang katarungan nang buhay. Walang dapat na masayang na sandali sapagkat isang araw ang mundong ito’y ating lilisanin. Gawi’ng kaakit-akit at marikit ang buhay kahit masakit.
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 7:44 PM UTC
Paano ka magiging kalmado?
Kung kapulisan mismo ang delikado,
Paano ka matutulog nang mahimbing?
Kung hindi ligtas sa iyong paggising.
Sinabi niyo sainyo kami ay protektado?
Pero bakit sa isang iglap may buhay na naglaho?
Mga inosenteng tao namamatay,
Walang awang pinapatay; anak, ina man o tatay.
Paano mo masasabi wag mabahala?
Kung sila mismo ang may sala,
Paano ka mabubuhay sa mundo?
Kung hindi ka na ligtas at sigurado.
Dec 21, 2020
Dec 21, 2020 at 8:59 AM UTC
may araw ang mga patay
e paano naman
ang mga buhay?
hindi na pala uso
ang nangangaluluwa
treat or trick na
ang "in" ngayon.
tara dalawin natin ang mga
mahal nating namayapa na
kahit ang totoo
hindi na sila
mabubuhay pa.
ang sementeryo na tahanan
ng mga bangkay
pag araw ng mga patay
nagiging pugad ito ng mga lasenggo,
mandurukot, imbi't tarantado
at parang mall na rin ito ngayon
kasi kumpleto: may Dunkin, Mcdo, Jollibee
at Pizza Hut na rin.
wag kalilimutan ang
bulaklak at kandila
linis lapida, papintura
pati na ang paglilipat
ng mga buto pero tandaan
lahat ng ito may bayad
sabi nila mahirap at mayaman
lahat mamamatay din
pero kahit sa huling hantungan
hindi sila magkapantay
kasi may nasa apartment
at may nasa memorial lawn.
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:53 AM UTC
➖ My status said "read me"
Sa dami nang magandang babaeng nakita ko,
mukha mo pa rin ang paborito ko.
Kahit saan ako tumingin,
hindi ko maiwasang hindi ka isipin.
Gusto kong nakawin ang buwan sa kalangitan,
tsaka ko isusulat ang iyong ngalan.
Kapag naisulat ko na ang iyong pangalan,
ibabalik ko na ulit ang buwan sa kalangitan.
Para sa tuwing titignan nila ang buwan,
at sinabing ito'y maganda? makikita nila
ang iyong pangalan.
Kaya para narin silang humahanga
sa iyong katauhan.
Gusto ko din nakawin ang bahaghari,
isusulat ko dun na ako'y iyong pagmamay ari.
Bakit bahaghari ang napili ko? yun ay dahil gusto ko makita ng tao,
na makulay ang mundo ko nung dumating ka buhay ko.
Pinili kita hindi dahil sa maganda ka,
Pinili kita dahil nakikita kong may potensyal ka.
Potensyal na gawin **** maganda,
ang buhay kong puno ng granada.
Sumaya ako nung nakita kitang masaya,
ganun naman talaga eh dahil ikaw biyaya.
Bihira akong makakita ng babaeng katulad mo,
tulad mo na hindi mareklamo.
Kaya karapat dapat kang mahalin at ibigin.
andito naman ako, hayaan mo lang
akong gawin.
Gawing magaan at masaya ang buhay mo,
sa paraan na ako lang may alam at tiyak na magugustuhan mo.
Lahat nang babae ay mahalaga sa akin,
ngunit ikaw ay naiiba dahil importante ka sakin.
Kung gusto **** umiyak,
sasabayan kita sa pag iyak.
Ngunit baka hindi kita masabayan tumawa,
dahil nung dumating ka sa buhay ko, palihim na akong tumatawa.
Nung may makita akong bulaklak
na kulay kahel,
ikaw agad naisip kong bigyan
dahil mukha kang anghel.
pasensya na mahal ko dahil
nahihirapan ka na sa mundong to,
hayaan mo mahal ko dahil
lagi lang akong nandito.
Sa pamamagitan nang mga salitang ito,
pinapakita kong pagmamahal ko sayo'y totoo.
Pumangit ka man o tumaba,
para saken ikaw parin ay naiiba.
Hindi ko sasabihing
"handa akong mamatay para sayo''
Dahil mas gusto kong banggitin ang
"mabubuhay ako hanggat kaya ko para sayo"
Nasabi ko iyon dahil madali lang mamatay,
ngunit mahirap manatiling mabuhay.
Kaya mabubuhay ako para sayo
hanggat kaya ko.
Sa magulong mundong ito,
po-protektahan kita pangako.
kaya sana wag ka nang malungkot,
dahil ang puso ko'y kumikirot,
Pag nakikita kang nakasimangot
Jun 21, 2018
Jun 21, 2018 at 8:51 AM UTC
Buhay na lang ikaw sa mga salita,
Ngunit 'di na sa dating gawa
Alaala'y naglilipana katumbas ng bula,
Ngunit biglang nawawala
Sa itaas ka ng agos ng ilog
Sa ibaba ako ng agos ng ilog,
Ngunit ikaw ang busilak na iniirog
Nang tayo'y magkalayo, puso'y nadudurog
Bayaran 'man ng libong salapi
'Di na mabubuhay ang isang labi
Kasiyahan ay lubusang nagagapi
Sana maibalik ang dating luwalhati.
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 11:02 AM UTC
Hayaan na na giliwin kita
Sapagkat hihintin sa hangin ang lahat
At pumailanlang hanggang sa panganorin
ang pangarap
Walang saysay ang ibon kung nasa pugad
Tumunghay sa pakpak na gulay-gulay
Sa pagwasiwas ay di kaya umangat
Munting maya sa aratiles
ay kahabag habag nang di makalipad
Ganyan ang aking pagsinta
O Desiree Dawn Dela Peña
musmusin at nasisikil
Huwag sana husgahan
Sinsisipon sa hamog
Madaling manimdim
Iibig ako sa sariling paraan
Ngunit di gaya ng kaparangan
na nakatiwangwang at hayag
Kung ikumpara ay katulad ng liblib na halamanan
Mabubuhay nang saglit at mamatay nang dahil walang nakakalusot ni banaag
At kung masidhi na ang damdamin
Magpaparinig ng aking hinanakit
Gaya ng kulog
na nauulinigan sa ibayo
Umaalingawngaw doon sa ibang baryo
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 12:25 AM UTC
[isang pagsasalin sa Tagalog, batay sa orihinal na
"When tomorrow starts without me" ni David Romano]
Kapag nagsimula ang bukas na di ako kasama,
at ako’y wala roon upang makita;
Kung sisilayan ng araw ang iyong mga mata,
na puno ng luhang para sa akin, Sinta;
Labis kong nais na hindi ka lumuha,
katulad ng sa araw na ito’y iyong ginawa,
habang inaalala ang maraming bagay at salita,
na hindi nasabi o hindi nawika.
Batid ko kung gaanong kamahal mo ako,
kasingsidhi ng pag-ibig kong tanging sa iyo,
at sa tuwinang ako’y iisipin mo,
Alam kong hahanap-hanapin mo ako;
Subalit kung ang bukas ay magsimulang wala ako,
nawa'y pakaunawain mo,
na isang sugo ang dumating at tinawag ang aking ngalan,
at ang kamay ko’y kanyang hinawakan,
at wika’y handa na ang aking paglulugaran,
sa malayo’t mataas na kalangitan,
at kailangang lumisa’t talikdan,
tanang sa aki’y mahal, lahat ay iiwan.
Subalit pagtalikod kong palayo,
Isang patak ng luha ko’y tumulo,
pagkat buong buhay, lagi kong kinukuro,
Ayokong mamatay.
Maraming dahilan para ako’y mabuhay,
maraming gagawin pang mga bagay,
Tila imposible, hindi kailanman,
na ikaw mahal ko’y iiwan.
Bumalik sa ala-ala ko ang mga araw na nagdaan,
ang masasaya’t ang mga kalungkutan,
Pumuno sa isip ang pag-ibig nating pinagsaluhan,
at lahat ng ating galak at kaligayahan.
Kung sa kahapo’y mabubuhay akong muli,
kahit man lamang kaunting sandali,
Magpapaalam ako’t hahagkan ka
at marahil, makikita kong ngingiti ka.
Ngunit lubos kong napagtanto,
na hindi na kailanman mangyayari ito,
sapagkat pagkawala’t mga ala-ala na lamang,
ang sa aki’y papalit at maiiwan.
At nang maalala ko ang sa mundo’y mga kasayahan,
na bukas ay di ko na matitikman,
ikaw ang naging laman ng isipan,
at puso ko’y napuno ng kalungkutan.
Ngunit pagpasok ko sa pinto ng kalangitan,
Ramdam ko’y ako’y nakauwi sa tahanan.
Pagdungaw ng Bathala’t ako’y nginitian,
mula sa kanyang gintong luklukan,
Wika’y “Ito ang Walang Hanggan,
at lahat ng pangakong sa ‘yo’y inilaan".
Sa araw na ito, natapos ang buhay sa lupa,
ngunit dito ngayon ang simula.
Di ko ipapangako ang kinabukasan,
ngunit ang ngayon ay magpakaylanman,
at dahil bawat araw ay pareho lamang,
ang nakaraa’y hindi na kasasabikan.
Ngunit ikaw ay naging matapat at naniwala,
tunay at totoo, lubos na nagtiwala.
Kahit may panahong may mga hindi tama,
na alam **** hindi dapat ginawa.
Ngunit ikaw ay pinatawad na
at ngayon sa wakas ay malaya na.
Kaya’t kamay ko ba’y hindi mo hahawakan
at sa buhay ko, ako’y sasamahan?
Kaya pag sumulong na ang bukas at wala na ako,
huwag **** iisiping nagkalayo tayo,
dahil sa tuwinang iisipin mo ako,
Nandito lang ako, diyan sa puso mo.
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 5:11 AM UTC
.......Nang
umamen
Marunong ,
Hindi lang ikaw
Tumalima
kasi nga....
Ikaw lamang
ang dehado,
sa madumi
obligado,
Pihadong
kakapit ka
muli at tiyak
nga babalik ka.
ayy puta tang-ina
Ang bawat pahina
Kahit pa maibenta
Ikaw Ang Kwento na
Wala ka mang Kwenta
Para ka na lang sa akin
kahit pa sa loob ko ay
labag pahalagahan
walang iba na
yaman,
kundi
Binabagtas
nag-iisang lawa
sa Sagwan at Bangka
Yaring Ako ay Panimpla
Ganyan ka ba talaga
Waring mala-mapa
rumehistro na
sa wankata
na di mo pa
mahahalata
Batid ang maha-
hatid pa Lalo
kapag ito
ay hina-
yaan
maging
kuwintas
na bi🌟uin
OO !
Hindi nga Siya.
Pero mali naman na sabihing
Tama ka !
Bagay na bagay na talaga kami sa isa't isa.
Gaya baga ng mga kaibigan ko sa kanilang salita...
" kahit Wala Naman Siya
Mabubuhay pa din Ako Nang Wala na Ngang Patumangga ! "
Sabi sa mapag-imbot na tibok ng puso kong hugis-mangga !
Siya na nga daw
Ang naturang
Pag-ibig Ng aking Buhay
at Giliw na hinirang
Subalit sa aking magiting na Diwa
na tanging saad ay hayag na hidwa
Hula sa Amin ay Laho
kahit na humadlang pa ang Tadhana...
Halo sa aking nangingilid at napupuwing kong
pananaw sa pigil na pigil Kong
Luha na may umaapaw na paniniwalang
Siya pa mismo ang nagpahayag ,
na di kami patuloy na MagLalayag !
Alam ko naman
Kahit di na kami tatagal sa 'ming pagsasama ,,,
Sinasabi ko lagi sa aking loob
Ang pabulong na ...
mahaL kitA !
" o o t o t o o "
Wala na ngang PatLang
na diringgin mo ,,,
lamang na ika'y hibang
Sa Binabasa mo ...
" atiK lahaM "
Mga sambit Kataga Bali-baliktarin man,
sa larangan ng Agos Ng Kabalintunaan,
Itong aking pinaglalaban
tunay at mananatili
alaala na Lamang ,,,
sa radar ang pawang
sukat sabihin ko hanggang
sa aking Pagsigaw.... !!!!
Siya ay Ikaw !
Pagtatapat kong muli
Mahal Ko Siya !
Minsan pa...
ay huwag mo na lang muna
Tangkain pa ang Pagbabasa
Buhat pa dun sa pinakababa na kinakatok sa Tinanikala
Patungo sa nakakalula na pagtutok Don sa tinitingala
Try to start reading verses from the bottom of a Loving heart ,
All the way into up above until you reaches in top of a hurty part !
magmula pa sa salin-wika
Binabaybay at binibigKas
Tila Binalatang sinKamas
Pagkat nawala sa itaas,
ang hinahanap ko po na Titulo...
Panustos ko pinapatas,
taimtim ang inaalyas sa Liriko...
Wala na ngang PatLang
na diringgin mo ,,,
habang Ikaw ay Libang
Sa Binabasa mo ...
" o o t o t o o "
Nov 27, 2023
Nov 27, 2023 at 3:53 AM UTC
Ikaw, sa bawat pintig ng puso,
Na gumuguhit sa mga labi
At nabubuhay sa banaag ng mga ginintuang araw natin
Ako, sa bawat ragasa ng damdamin
Nangingilid na mga luha, binabaha ang isip sa gabing hindi mapayapa
Tayo, sa bawat pagkakataon
Sa gitna ng meron ay walang katiyakan
Sa buhol-buhol na mga tanong, mga sagot ay hindi makalaya
Hanggang sa tuluyang sumuko at itanikala
Oras, sa bawat kumpas ng iyong mga kamay
Sadyang hindi nakaayon
Sa takbo ng ating panahon
Himig, sa bawat indak ay mananatili tayo,
Magpapatuloy ang awit at tula
Na humabi sa alaala ng kahapong mapangarapin
Makata, sa bawat salita ay mabubuhay ka
Nakaukit sa ningning ng mga tala
Ang pag-asang muli ay masilayan ka.
Aug 29, 2019
Aug 29, 2019 at 12:00 AM UTC