Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Tinukso mo ako ng iyong maskara Ang pinto **** bakal ay nagmukhang pilak Mga bintana mo'y tila walang sara Ang bawat sulok mo'y humahalimuyak Akong naghahanap ng lugar sa mundo Namalik-mata nga't naakit mo agad Sa mga pangako'y nadala't natukso Naghintay ng dulot, magagarang gawad Sa aking pagyakap sa pintong makinang Ngiti ko'y sumilay, nag-isip, nangarap Akala ko'y lungkot dito'y mapupunan Saya ang papalit sa dusa at hirap Subalit nagulat sa aking pagmulat Ang pinto **** pilak ay puro kalawang Mga bintana mo'y nabuway ng lahat Ang bawat sulok mo'y amoy basurahan Paano pa ako ngingiti, sasaya Kung ang pangarap ko ay biglang naglaho? Mabubuhay ka bang kuntento't payapa Sa lugar na itong ngayo'y gumuguho? Nais kong tumakas, lumayo, tumakbo Sa bilangguan kong kakila-kilabot Subalit kadena ko'y mayroong kandado Kasama ba akong mababaon sa limot? Hindi! Ang sigaw ng matapang kong puso Kadena sa paa'y aking wawakasan Mabubuhay ako na hindi bilanggo Ipaglalaban ko, aking kalayaan! ---Marguerite 9/18/2015 7:33 am
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 5:14 AM UTC
Bilangguan

Will translate soon
Marguerite
Written by
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 5:14 AM UTC
Request permission to use this poem