"limot" poems
Ikaw lang, (Pangako)
Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit
Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit
Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik
Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit,
Andito na ang iyong sandalang balikat
Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat
Napakaganda mo para saktan, hindi kita matitiis
Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis
Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti
Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati
Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali
Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi
Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman,
Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan
Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan,
Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang
Hawak ang malambot **** mga kamay
may ibinubulong ang boses **** malumanay
“Andito ka na, di na ko nalulumbay,
di ako sanay na ikaw ay mawalay”
"Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan?
Pinabayaan, at kinalimutan,
Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang?
Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 11:47 PM UTC
#032317
Saan ka na?
Mahal mo pa ba ko?
Ano bang nangyari?
Galit ka ba?
May nagawa ba ako?
Nagbago ba?
Wala na ba?
Sa dami kong tanong,
Tila sumuko ka nang magbigay ng kasagutan.
Ang agang nawala yung sabi nating
Sana'y pangmatagalan.
Paalam, pero biglaan
Hindi ko naman inasahan
Na sa ikaapat na pagkakataon
Bibitaw ka, mauuna ka na naman.
Paalam, pero akala ko nagpapalipas ka lang ng sandali
Akala ko kakayanin ko pang maghintay
Sa bawat oras na walang pagkukunwari.
Heto na naman, ba't ba ako yung natatalo palagi?
Ba't palaging luha't sakit na lang sa huli?
Yung "mahal kita" na sabi **** hindi nakakasawa
Ayun, nawala na lang nga ba nang kusa?
Tinanong kita, kung may iba na ba?
Ang sabi mo, magtiwala ako, pero bakit nga ba?
Bakit nga ba nawala ka?
Iniwan mo na ba talaga ako?
Naghintay ako ng paliwanag mo
Pero kahit isang mensahe, may natanggap ba ako?
Isa lang naman yung hinihintay kong sagot,
Pero wala at ba't pag sa akin na'y tila ika'y nababagot?
Tumatakbo na lang akong mag-isa;
wala ka na kahit sa anino man lang.
Hindi ka na nagparamdam pa,
Ganun naman lagi, sana'y kahit paalam na lang.
Iniisip ko sasalubungin mo pa ba ako
Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako
Meron pa nga ba? Yan ang tanong ko.
Parang lahat nagbago na,
Pati ako, tila limot mo na.
Iniisip ko kung paano yung mga plano natin,
Paano na? Eh balewala na ako sayong paningin.
Makakasama pa ba kita ulit?
Parte pa ba ko ng buhay mo?
O nasabi mo na lang na "tama na."
Pasensya, kasi hindi ko ata kaya
Ilang beses ka na kasing nawala
Ilang beses na kasi akong lumagapak sa kawalan
Bumangon naman ako pero *lagi **** binabalikan.*
Tinanggap naman kita, nagtiwala naman ako sayo
Pero ba't ngayon nasaan na ba tayo?
Gusto ko nang umuwi at makita ka
Pero wala ka na eh,
Wala na pati yung pagmamahal mo.
Babalik ka ba? May hinihintay ba ako?
Wala ka kasing sagot, kahit ano pang gawin ko.
Gusto kong sabihin sayong, wag mo kong iwan
Na sana manatili ka naman
Na sana kahit ngayon lang naman.
Pero wala, naubos na ako
Wala na akong laban at talo na ako.
Oo, hindi ko tanggap lahat
Oo, ngayon lang to kaya ibabagsak ko na rin lahat
Ibabagsak ko na kasi di ko na kaya
Di ko naman maayos yung puso mo kung wala na talaga
Kulang pa rin yung pagmamahal ko sayo
Kulang pa rin, kaya natalo na naman ako.
Nakakapagod na kasing iyakan ka
Nakakapagod na kasing isiping may "tayo" pa.
Na ikaw na yung pinapangarap ko,
Pero hindi pa rin pala kita maabot.
Hindi naman kita pinakawalan,
Pero ba't mo ko binitawan?
Sana sinabi mo agad
Sana pinaliwanag mo
Kasi di ko maintindihan
Di kita maintindihan.
Pero kung may ibang sana akong hiling:
Kung aalis ka man uli,
Sana'y magpaalam ka man lang
*Sana sabihin mo, para bumitaw na rin ako.
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 12:03 AM UTC
Alam kong hindi ka na babalik
O dili kaya ay lilingon
O di kaya sisilip
Sa ating kahapon...
Alam kong masakit
Pareho tayong nasaktan
Pero aking naintindihan
Kung bakit hanggang dito na lang
Bukas, makalawa
Maaring ako'y limot na
Pero sana alam ****
Minahal kang talaga
Ayoko ng paalam
Ayoko ng luha
Ngunit ikaw ngayon nga ay malaya
kaya Paalam na sinta
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:15 AM UTC
Ako’y modernong karpintero
Sa henerasyong baon sa utang,
Hindi pa man isilang,
Ang kamalaya’y limot at simot na.
Puros kalyo ang latay
Sa pares na kamay
Na ang sigaw ay pagbabago
Diktahan man kahit demokrasya pa,
Lahat tila may mantsa’t tatak pulitika.
May direksyon ang pagdisenyo
Pahalang sa kapwa-tao,
Samantalang ang kabila’y
Ang labi’y eksperto sa pagsayad sa lupa
Patungo sa ulap at bituin
Kung saan naroon raw ang Maykapal.
Narito ako sa kanilang tagpuan
Tatawid sa kalyeng hindi masilayan
Bingi sa sanlibutan
Minsang pinaligua’t sinabunan ng kadiliman.
Narito ako,
Sa sentro’y may hanap-hanap
Kilabot ng pagtahi sa sugat ay titiisin.
Pagkat ang latay, hindi man nasaksihan
Ramdam maging sa tadyang
Na akin daw ay pinagmulan.
Kung mararapatin lamang
Ng lupang minsa’y naging gintong bayan
Na pang-habambuhay siya’y lisanin
At sa pagbukang-liwayway, tatakbo sa Liwanag.
Walang karapatan ang takipsilim na uminda
Pagkat ang Haring Araw
Sisikat at yuyupakan ang kanyang dangal,
Siyang isang pobre’t salat sa Katotohanan.
Niyapos ko ang buhok
At pinahid sa mansanas, sa mangga’t
Maging sa dagat na sagisag ng kalayaan.
Ako’y tumakas
Tangan ang sandata ng buhay;
Pakuwari ko’y walang himagsikan
Ang siyang muling sisiklab
Pagkat ang laban ay tapos na noon pa man.
Puting papel at plumang walang tinta
Ang iniwan sa akin ng Ama
Hindi ko mawari sa paanong paraan ba
Maililimbag ang isusulat nitong pluma.
Ngunit ang tukso
Na madungisan ang pahinang puti
Ang puro’t walang bahid ng itim at kulay bahaghari,
Alam ko, balang araw
Mapupunan ito, hindi ng salita
Bagkus ng larawang sa sansinukob
Ay hahagkan ang bawat nilalang
Itatas muli ang bandila -
Silang puro ang tiwala sa Pintor ng Pagbabago.
(5/23/14 @xirlleelang)
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:04 AM UTC
Ako lang ba?
Yung laging nakakaramdam ng lungkot
Lalo na ng pagkabagot?
Oo, dapat lahat ng problemay ibaon sa limot
Pero paano?
Bawat taoy may problema
Problema mo nalang kung pano mo maiiwasan ang nadarama
Kailan kaya madadama
Tunay na galak at kasiyahan
Laging tanong sa isipan
Anong dahilan ng ating kalungkutan
Dahil ba may nais kalimutan?
O nais matanggap at maintindihan
Anong mang sagot sa tanong
Problema nati'y hayaan
Problema moy pabayaan
Harapin ang problema ng makatamnan ang tunay na kasiyahan
Maniwala at magtiwala sa Diyos
Sa Panginoon makakatamnan ang kasiyahang lubos
Lahat ng problema'y may dahilan
Ito ay pagsubok lang kaya tatandaan
Marami pang kabanata ang haharapin
Pagkatao moy susukatin
Kaya kung mamarapatin
Maging malakas at mahandain
Tatagtag at tibay ang gamitin.
Jan 16, 2019
Jan 16, 2019 at 7:57 PM UTC
Puso may nasugatan, maghihilom din ito
Sugat na dala ng pait ng paghihiwalay, ibaon mo na sa limot
Ba't di nalang isipin mga maliligayang alaalang iniwan
Ng taong minsan **** minahal
Mahirap mang bumangon, kakayanin pa rin
Dahil sa bawat unos na pinagdaanan
Kalinawan ng damdamin ang nakaabang
Na siyang magbibigay lakas sa iyong muling pagbangon
Mabigat man ang mga paa, kaya pa ring igalaw
Kung may determinasyon, kaya mo rin umusad
Ito'y mahirap pero 'di imposible
Magpursige ka lang, makakaraos ka rin
Kapag ikaw ay nakabangon na,
Umusad mula sa kinatatayuan,
Pagkatapos ng mga luhang lumunod sa'yong mga mata
Bagong mundo ang iyong matatanaw.
Mas maliwanag, mas kaakit-akit, maganda
At mas nararapat sa iyo.
Nasaktan ka man, 'di titigil ang mundo upang ika'y hintayin
Kaya tahan na, dahil ang buhay ay patuloy pa rin.
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:17 AM UTC
Andiyan ka na sa malayo,
Sa pagtalikod ko nakikita kitang kumakaway,
Ni hindi ko maisip kung paalam na,
O panibagong simula para sa ating dalawa.
Napakasimpleng bagay ng isang pagkaway,
Na bumabagabag sa isip ko kung ano nga ba ang totoo,
Magkikita bang muli kung saan tayo noon nagtagpo,
O ibabaon na sa limot at ibubulong sa unan ang lahat habang nakayapos sa kumot.
Dagliang sasagi sa aking isipan,
Ang mga matatamis na salita na binibulong sa aking tenga,
Yung sa pag tulog ko ikkwento mo sa akin kung gaano mo ko kamahal,
O di kaya uulit ulitin mo kung gaano ka nagpapasalamat na ako'y iyong nakilala,
Dahil binago ko ang takbo ng buhay mo,
Dahil pinatunayan kong may tao pang kagaya ko,
Na totoo,
Na may puso,
Na may pagnanasa para sa isip mo ngunit hindi sa katawan mo.
Biglang magdidilim ang lahat at makikita ko ang iyong mukha,
Namumula,
Nanggagalaiti,
Halos pumutok ang ugat sa kakasambit,
Ng mga salitang napakasakit,
Pero muling kakabigin ng mga bisig,
Na nakasanayan ko nang sa aki'y kumikikig.
Nagmimistulang saranggola,
Na sa ere'y inihitya,
At unti unti tinutulak palayo,
At tinatangay ng hangin,
Papalapit sa mga ulap at malapit ng maabot ang langit,
Biglang hahatakin pabalik gamit ang lubid na nakapalupot sa aking katawan,
Para saan?
Para ulitin kung ano ang nakasanayan.
Kaya para saan ba talaga ang iyong pagkaway?
Mamaalam ka na sana,
Dahil parang araw na sumisilaw sa aking mga mata.
Ang sakit tingnan,
Pero alam kong ikaw ang magbibigay ng init sa nanlalamig ko ng mga laman.
Pero kailangan ko na sigurong kalimutan,
at muling mabuhay sa mundong,
Para lang sa akin,
At hayaan kang maglayag,
Sa karagatang ninanais mo.
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 2:07 AM UTC
Isusulat kita.
Sa huling araw na masilayan ko
ang tamis ng ‘yong mga ngiti
at sa mapang-akit
**** mga labi.
Isusulat kita.
Habang nakikita ko pa
ang aking sarili
sa kislap ng ‘yong mga mata,
bago ka lumisan,
dahil matagal pa
ang ‘yong pagpihit
mula sa ibang daigdig.
Isusulat kita.
Sa mga titik at letrang
namumutawi sa aking bibig,
hindi ko hahayaang
malusaw na lamang
sa pagtakbo ng oras,
mabaon sa limot,
patungo sa karimlan.
Isusulat kita.
Habang tanaw pa natin
ang mapula-pulang sunset
na kakulay ng puso nating dalawa
at kayakap kita.
Yayakapin kita.
Hanggang sa magbubukang-liwayway
ang tanaw nating takipsilim.
Yayakapin pa kita.
Sana.
Isusulat kita.
Sa kailaliman ng gabi,
sa dilim,
sa nagsisidhing damdamin,
kung saan sinag lang ng buwan
ang tanging namamasadan,
at ang kayakap ko na lang
ay ang mga basang unan.
Isusulat kita.
Kasabay ng pagpigil
sa pagpatak ng luha
habang nakikita
ang ‘yong mga hakbang
paakyat sa bus dahil uuwi ka na.
Habang ang sinasakyan
ko namang dyip
ay papalayo ng palayo sa ‘yo,
ihahataid na
kung saan ako ngayon
ay iniisip ka.
Isusulat kita.
Ikaw ang ipaloloob
nitong aking akda,
bawat berso, bawat tugma,
ikaw ang nasa isip,
ang iisipin ulit
hanggang sa tumunog bukas
ang naka-set kong alarm
at magising na lang
na nasa malayo ka na.
Sep 2, 2016
Sep 2, 2016 at 7:06 PM UTC
Nasumpungan kitang nakabilad
Sa liwanag ng araw, isang imaheng
Nakalantad, huwad na anyo ng
Ritwal ng pagpupugay. Sa iyong
Anino'y nakasilong ang mga lantay
Na tayutay ng hungkag na lipunan.
Nariyan ang puta, pulubi, butas na lata,
Gago't ganid na pulitiko, librong limot,
Bendor ng droga, banal na aso...
Lahat sila ay mga ”sila" na minsan ****
Pinagtangkaang silaba't silain sa sulo ng
Mapagpalayang kamalayan.
Kamatayan.
Nasumpungan kitang nakabilad sa
Nakakabagabag na liwanag. Isang buhay
Na moog ng kalayaa't kasarinlan,
Kanlungan ng mga supremo ng rebolusyon
Ng paglikha't pagsilang sa kakanyahang
Iginapos sa lumang mundong lalang ng
Iyong panahon. Kami na mga gamo-gamo
Ng lumang simoy ay patuloy na isisiwalat
Yaong hindi masumpungan sa lambong
Ng liwanag na pinaningas ng iyong dugo.
Nawa'y matagpuan ka nila.
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 6:57 AM UTC
Kung isa-isahin ang nakaraan
simula no'ng ika'y aking niligawan
hanggang sa dumating ang kasalan,
maikukwento ko ng walang alinlangan
kung paano tayo nagsimula at nag ibigan.
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay ay naaayon
sa kung paano natin gusto
at 'di lahat ay agad na natatamo.
Unang kita palang, napaibig na ako
Lalo na sa mga sumunod na pagtatagpo
walang duda pana ni kupido ’y tinamaan ako
sa isang tulad mo
puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y pakana nga ito ni kupido.
sa isang tulad mo puso ko'y
nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y pakana nga ito ni kupido.
Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit
Palapit ng palapit,
ang titig,
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik
at ayaw ng mapapikit,
Akoy nag aasam at humihiling
sa panginoon
at biglang kanyang dininig
Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling
Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit
pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit
Palapit ng palapit,
ang titig,
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit,
Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon
at biglang kanyang dininig
Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling.
dumating ka sa mundo
ko’t iyong niyanig
pinukaw ng iyong tinig
“Happiness Happiness Happiness”
Ang tinig na aking narinig
at napatulala at napatitig
Biglang nag usisa sa sarili nagtanong,
Paano ko ba mapapaliwanag
ang hiwaga nitong pagmamahal na
kung bakit sa puso ko’y kumapit ng kusa
Minsay ako’y nagtataka’t di maka paniwala
linalaro sa panaginip
ang dakilang pagsuyong inayunan ng tadhana’y nag ka sundo
tuluyang hinamon ang matapang na puso
Hindi ka na malulumbay,
kapag nasisilayan ko ang iyong labi,
may taglay na ngiti
Pagod koy napawi,
limot ko na ang ligalig na iyong pinag iigi
kaya wag mag madali
pagkat atin ang sandali
At ng sayo’y napalapit ayaw ng lumayo
andito na ang iyong
Sandalang Balikat
Na hindi madadaan sa gulat
Hawak hawak ang maliliit at malambot **** mga kamay
Habang may ibinubulong
ang boses **** malumanay
Umalis ng walang plano,
walang dala kundi ang puso.
pero saan nga ba patungo?
Bawat hakbang ng paa,
bawat hininga,
ninanamnam para sa ikasisiya
pero saan nga ba patungo?
Ramdam ang pagod
kinailangan ng tumukod
ngunit hindi susuko.
pero saan ba talaga patungo?
Marami ng nadaanan at natambayan
Pero di naman kaianaman
Hangang sa dumating na sa dulo na
ang puso’t pag ibig ko’y nasa iyo
Dahil di ako sanay na ikaw ay mawalay
Andito na ako
Sa unang pag kakataon
Sa araw ng mga puso
Sa Ika labing apat na araw ng pebrero sa kalendaryo
Bungkos ng rosas ay para sa iyo
Sa masayang araw at hanging maaya,
ang sinugong puso’y sumasaiyo
at ito’y magsasabing
Sa tuwa at dusa,
Hirap at ginhawa
Sarap at ligaya
Ang
“Balentayns”
Ko’y ikaw
Walang iba! ! ! ! !
Subukan naman
Aug 20, 2019
Aug 20, 2019 at 6:41 AM UTC
Ang Paglimot ay isang pamamaraan upang makalimot.
Sa isang simpleng salitang paglimot ito ay maraming mga masasayang alaalang syang magbabalik at hindi ito nakakatulong sa paglimot bagkus lalo ka lamang nitong sasaktan.
Ang paglimot ito din ang pinaka mahirap na bahagi ng aking buhay bilang isang umiibig marahil ng bawat isa sa atin.
Ang paglimot sa taong minsan ng naging parte ng ating buhay na ating minahal ng mahabang panahon at kahit sa haba na ng panahon na iginugul ay wala padin ang tamang panahon.
Ang pagpapalaya sa taong ni minsan ay hindi naging akin. Hindi ba't masakit. Ou.masakit ang Masaktan at mahirap ang maranasan ang lahat ng ito, ngunit kinakailangan ko na din sigurong palayain ang sarili kong puso.
O Kay hirap kang limotin.
Minahal at minamahal kita ng hindi mo alam kaya't ngaun lilimotin na din kita ng hindi mo parin nalalaman ang tunay kong nararamdam.
O Kay hirap ng palimot.
Ligayang kakaiba sa tuwing ikay nakikita tila'y di ko maipaliwanag subalit ito ay kailangan ko ng limotin.Magawa ko pa kayang ika'y makalimotan ngaung pati sa pagtulog ko ay naroon ka sa aking panaginip.
Ang kalimotan ka ay mahirap ngunit kailangan.
Kaylangan kong turuan at tulongan ang aking sarili upang ikay makalimotan na ng tuluyan.
Ang tanong ko Ano ang tamang pamamaraan upang ikay lubosan ng maibaon sa limot at ng wag ng masaktan pa ang puso kong mag-isang umaasa sa tamang panahon.
O Kay hirap ang limotin ka.
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 11:09 PM UTC
#110315
Binilang ko ang rosas na akala ko'y
Nagpaalam na buhat sa maagang pagkalanta nito.
Akala ko'y pag namukadkad uli'y limot na ang dati,
Pero tila nagkakamali pala ako
Sa paghimay-himay ng pahiwatig.
Hindi ako manhid
Pagkat ramdam ko pa rin ang tinik
Sa paghawak sa ubod ng rosas.
Pero iniinda ko ang sakit
Pagkat ganoon naman talaga,
Nilikha siyang may tinik bilang proteksyon niya.
Pag pinagmamasdan ko ito,
Alam kong hanggang tingin lang ako.
Pagkat pag pinitas ko'y agaran na naman itong malalanta,
Hindi ko naman maiuuwi ang kariktan nito.
Mas kaakit-akit kasi siyang tingnan
Pag kasama ang mga katulad niya.
Muli, hanggang titig na lang,
Ganoon rin ang paggalang ko sa kanyang Hardinero.
Alam ko ring iba ang tipong klima nito,
Medyo sensitibo kahit na
Di ko naman papalitan ang kinagisnang lupa.
Hindi ko naman siya bubunutin nang basta-basta't
Aangkinin kahit may ibang nag-aari sa kanya.
Sa katunayan, laging nais ko siyang masilayan,
Kahit na alam kong iiwan niya rin ako
Sa dapithapon o kaya kinabukasan o sa makalawa.
Pag kinunan ko siya ng larawan,
Kaya ko siyang titigang muli,
Alaala na lamang sa iisang papel ang aming sandali.
Pagkat pag muling babalikan ang pasong nagkalinga,
Iyan, wala na puros dahon na lamang,
Maghihintay na naman sa tamang panahon
Nang muli ko siyang masilayan.
Nov 19, 2015
Nov 19, 2015 at 6:04 AM UTC
Tinukso mo ako ng iyong maskara
Ang pinto **** bakal ay nagmukhang pilak
Mga bintana mo'y tila walang sara
Ang bawat sulok mo'y humahalimuyak
Akong naghahanap ng lugar sa mundo
Namalik-mata nga't naakit mo agad
Sa mga pangako'y nadala't natukso
Naghintay ng dulot, magagarang gawad
Sa aking pagyakap sa pintong makinang
Ngiti ko'y sumilay, nag-isip, nangarap
Akala ko'y lungkot dito'y mapupunan
Saya ang papalit sa dusa at hirap
Subalit nagulat sa aking pagmulat
Ang pinto **** pilak ay puro kalawang
Mga bintana mo'y nabuway ng lahat
Ang bawat sulok mo'y amoy basurahan
Paano pa ako ngingiti, sasaya
Kung ang pangarap ko ay biglang naglaho?
Mabubuhay ka bang kuntento't payapa
Sa lugar na itong ngayo'y gumuguho?
Nais kong tumakas, lumayo, tumakbo
Sa bilangguan kong kakila-kilabot
Subalit kadena ko'y mayroong kandado
Kasama ba akong mababaon sa limot?
Hindi! Ang sigaw ng matapang kong puso
Kadena sa paa'y aking wawakasan
Mabubuhay ako na hindi bilanggo
Ipaglalaban ko, aking kalayaan!
---Marguerite
9/18/2015
7:33 am
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 5:14 AM UTC
Ilang buwan na lang at ako'y lilisan na.
Lilisanin ko na ang mapapait na alaala.
Alaalang nagdulot sa akin ng pighati at pagdurusa.
Pagdurusang hiling ko ay malimot-limot na.
Sa aking paglisan, magagandang alaala ay hindi ko kakalimutan.
Kakalimutan ang mapait na karanasan,
Pero hindi ang taong naging bahagi ng aking nakaraan.
Makakakilala man ako ng ibang tao sa kasalukuyan,
Hinding-hindi ko naman ipagpapalit ang pagmamahal mula sa inyo na aking naramdaman.
Sana ay ako'y inyong ipanalangin,
Na maging matatag sa darating pang pangarap na aabutin,
Maging masaya sa bago kong buhay na tatahakin,
At maghilom sa puso ang sugat sa nakaraan kong masakit sa damdamin.
Magiging malayo man tayo sa isa't isa,
Napakalapit pa rin ninyo sa aking alaala.
Matagal man bago tayo ay muling magkikita-kita,
Asahan ninyong sa pagbabalik ko ay ako'y maligayang-maligaya na!
Nov 18, 2016
Nov 18, 2016 at 2:44 PM UTC
Panibagong taon na naman,
Ang gugugulin ko sa kawalan,
Upang minitmihi ay makamtan,
Nang magtagumpay ako sa kasalakuyan.
Aking iiwan ang mapait na karanasan,
Aking ibabaon sa limot ang karimlan,
Aking iwawaksi sa isipan ang kalungkutan,
Nang ang puso ko ay mapuno ng kasiyahan.
Itutuwid ang bawat kamalian ko.
Hahasain ang kakayahang mayroon ako.
Isisiwalat ang kabaluktutang nasa inyo,
At bibigyang linaw ang mga tanong sa aking puso.
Kaya, hiling ko lamang na tayo'y magtulungan,
Pigilan ang anumang namumuong pagtangis at hidwaan.
Ibigin natin ang Diyos ng walang pag-aalinlangan,
Nang matutunan nating mahalin ang tao sa sanlibutan.
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:17 AM UTC
Saglit lang ang ligawang nangyari.
Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali.
Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali,
Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali.
Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi,
Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi.
Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi,
Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti.
Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi,
Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki,
Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki,
Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini.
Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti,
Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati?
Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi,
Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi.
Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti.
Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi.
Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili.
Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati.
Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi.
Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi,
Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi,
Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 4:49 PM UTC
0118
Hindi Ka lumipas —
Naalala ko noong nakaraang taon
Ilang araw buhat sa ngayong pagbibilang ko
Bago pa sumulyap ang mga pampakulay sa kalangitan
Para magtagisan sa pagbungad sa paunang ngayon.
Hindi Ka lumipas —
Halos itim na lamang ang kulay sa kalangitan
Na para bang ang pag-asa ay kinitil na ng sanlibutan
Na para bang ito’y nobelang pawang paghihintay na lamang
At nang subukang gapangin ng putik ang pangarap ngunit hindi —
Hindi Ka pa rin lumipas
At muli **** binigkas na Ikaw ang dahilan ng lahat
Na ang lahat ay walang kabuluhan
Kung ang Ikaw ay ibabaon sa limot at tatalikuran.
Hindi Ka lumipas —
Gaya ng mga butil ng luha sa aking mga mata
Na ang pagsusumamo ay tila araw-araw na pag-aakyat ng ligaw Sayo
Na maging ang umaga ay tila Simbang Gabi.
Hindi Ka lumipas —
Nang dungisan ng mundo ang mensaheng laan Mo
Ngunit sabi Mo’y tapos na ang lahat
Malambot pa sa bulak ang sumalo sa bawat pagkabagsak
Walang katulad ang Iyong mga yakap,
At heto ako — mas natutong sumandal sa nag-iisang Ikaw.
———
Hindi Ka lumipas —
Ilang beses **** hinayaang masaksihan ko ang pagsagwan nila sa agos
Ang paglipad sa ere na tanging Ikaw lamang ang sumalo
Na para bang ito na ang huling mga katagang bibitiwan ko —
Ayoko na
Pero hindi —
Pagkat nagkakamali ang dilim sa paghasik ng kanyang sarili
Pagkat ang Liwanag ay panghabambuhay
At hindi tayo kakapusin sa oras
At hindi ito isang “sandali lang.”
Hindi Ka lumipas —
At ayokong palipasin ang kahit isang pintig ng sinasabi nilang “sandali lang naman”
Pagkat sa oras na ito’y hindi Ka lilipas —
At tanging ang pangalan Mo ang mangingibabaw
Sa susunod pang hihiranging mga araw
Kahit pa sabihin nilang nagbago na ang lahat.
Hindi Ka lilipas —
Kahit pa tabunan ng pangungutya ang Iyong kasulatan,
Tanging Ikaw ang magiging bukambibig.
Kahit pa hindi makakita ang mga bulag
Ay ipagdidiinan pa ring Ikaw ang magbubukas ng bawat paningin
At walang dilim na kayang sakupin ang Bayan Mo, Ama.
Hindi Ka lilipas —
At sa bawat pagtaas ng Bandila
Ay Ikaw ang mananatiling may tiyak na katuturan
Na ang mensahe Mo’y ipangangalandakan
Saanmang dako at sulok ng mga Islang hinati ngunit Iyong ipinag-isa.
Hindi Ka lilipas —
Tulad ng mga ulap tuwing ang ulan ay titila
Tulad ng tubig tuwing huhupa ang baha
Tulad ng ilaw at init ng kandilang inapula.
Hindi Ka lumilipas —
Gaya noon, hanggang sa huling hampas ng segundo sa huling pagyukod ng araw.
Maghari Ka —
Hanggang sa huling pagkurap na kasama Ka.
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 6:39 AM UTC
Kinalimutan ko ang pag-ibig,
dahil mahirap kang mapa-ibig.
Kinalimutan ko ang pag-ibig,
dahil hindi ako ang iyong iniibig.
Kinalimutan kong umibig,
dahil sa mga matang mapang-usig.
Kinalimutan kong umibig,
dahil unti-unti akong nalulupig.
Kinalimutan ko ang magmahal,
dahil sa pag-aaral kong mahal.
Kinalimutan ko ang magmahal,
dahil ikaw at ako ay hindi tatagal.
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 10:33 AM UTC
Anim na letrang salita
magwawakas ang lahat
Ayoko nang paalam
Ayoko nang luha
ngunit ika’y malaya na
sa mga rehas na iginawad
ko sayo
bukas makalawa maaring
limot mo na ang lahat
patawarin mo ako sa
hindi pag suko
umaasa na sana’y may
iaabante pa ang lahat
oo nga pala, walang tayo
kasi hindi naman naging tayo
damang dama ko parin
ang mga init ng iyong halik
na iginawad sakin
ang mga yakap ****
yumayapos saken kaluluwa
ang bawat ngiti **** matatamis
ang lahat ng yan ay
akin’ mamimiss
akala ko ako lang
ang nag iisa para sayo
ngunit hindi ko inaasahan
ako’y pangalwa lang sayo
Mahal kita
dalawang salita pero
mas pinili mo ang
anim na letrang
tatapos sa lahat
Gusto kong makalimot
ngunit ayokong ibaon
ang mga alaalang
napagsaluhan naten
Alaalang mas pinili kong itago
Matatapos na ang lahat
matatapos narin ang tulang
isinulat ko para sayo
Ang tanging hiling ko lang
Maging masaya ka
Isa
Dalawa
Tatlo
Salamat,
Paalam.
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 4:21 AM UTC
Akala koy ako lang
pero ako pala yung kaibigan lang
yung akala koy ako ang dahilan sa bawat tawa mo
pero ang totoo ay siya pala yung nagpapatawa sayo
Yung mga masasayang pagkakataon
na naging alaala na nabaon mo sa limot
na Akala koy minahal mo ng totoo
pero puso koy pinaglaruan mo
Akala koy totoo ang lahat ng pinakita mo
pero ginamit mo lang pala ako
Yung akala koy mag-isa lang ako
Pero di ko alam na may kakambal ako
Puso koy lumundag nang masilayan ka
pero ang pagsilay mo ang pagbulag sa mga mata ko
Nagbubulag-bulagan sa mga katotohanan
Katotohanang di ko gustong paniniwalaan
Yung Ikaw at Siya ay naging KAYO
akala ko Ikaw at ako para magiging tayo
Pero bakit Naging K yung T?
Yung akala koy ako ang kasama mo sa mga pangarap mo
Kasama nga ako pero bilang taga hanga mo
Akala koy ako ang hahawakan ng iyong mga kamay habang naglalakad patungong altar
ngunit.....
Yung nasa likod ko pala ang yung hahawakan mo
at isa lamang akong bisita sa kasal ninyo.
at sa kahuli hulihang tingin mo sakin nabasa ko saiyong mga bibig ang mga katagang na
"Salamat dahil tinulongan mo ako,iingatan ko siya at pangako di ko sasaktan yung bestfriend mo"
Mar 12, 2018
Mar 12, 2018 at 6:40 PM UTC
Ibabaon sa limot ang inaasam
Sa pagpikit ng mata'y di mapakali
Ang malikot na lagyo dumikit
sa kumot na pantabon
Nahihiya na makita na duguan
Alisan sana ng pandamdam
Sa karsel masilip ang sulat
Di maipalabas sa kinalalagyan
Inekisan ang mga araw noong sa bilangguan
Sona ng mag-uumpisang kalbaryo
Nakiusap na madala ng hangin
Ang Antigong pag-ibig ay kumukurap
Madudulas ang babaeng di marunong makiramdam
Matisod nang kanyang malaman
Naaagnas nang labing-isang taon,
Maghihintay hanggang sa malagutan
Ibahin ang pananaw sa sanlibutan
Mga bagay na nakakasiya ay ito rin ang sanhi ng paglagapak
Hayaan ang oras na lumipas
Maghintay sa uusbong na babala
Bago dumating sa hantungan ay gumala
Kailan mailadlad ang dahilan ng pananangis
Sa tuwing sumisipol, sumisingit ang rekyem
Kung may siruhia't kapalit sa nabasag na pangarap
ay madaling ngumiti kahit na kay pait
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 7:23 AM UTC
Isangdaan at limamput limang araw simula noon kahapon na iyon.
Parang kahapon lang ang iyong mga kamay ay akin lamang.
Parang kahapon lang ang mata mo'y ako lang ang nakikita.
Parang kahapon, ang bawat daan ay tila paraiso sa ating mga mata.
Parang kahapon na ang simoy ng hangin ay ang iyong mga salita.
Parang kahapon lahat ng tala sa kalangitan ay nagniningning na parang walang umagang darating.
Parang kahapon ako'y naniwala sa walang hanggan.
Ngunit ang kahapon ay parang mga bulalakaw sa langit.
Sa iyo pagpikit ikaw'y humiling.
At sa iyong pagdilat ay nawala.
Umaasa na ikaw ay narinig ng mga tala.
Kung ako'y tatanungin kung gusto kong balikan ang kahapon natin?
Oo. Paulit ulit. Kahit na alam ko na masakit ang bukas na naghihintay.
Pero ang kahapon ay pawang kahapon na lamang.
Hindi ito pahina sa libro na pwde **** balik balikan.
Walang na ko magagawa kundi harapin ang bukas.
Ang bukas na gagawa pa ng madami kahapon sa buhay ko.
Maari ikaw ay parte ng kahapon ko.
At sa pagdaan ng panahon ang kahapon natin ay mababaon sa limot.
Kaya ito ang huli mensahe ko sa iyo,
Ikaw ang akin kahapon.
Ang pinakapaborito ko sa lahat.
Isang daan at limamput limang araw simula ng naging parte ka ng kahapon ko.
Isa kang pahina sa libro ko na pilit ko binabasa paulit ulit.
Isa kang bulalakaw na hindi nakarinig.
Darating ang araw ikaw ay mapapalitan ng iba pangkahapon na mas mahalaga
Dec 5, 2017
Dec 5, 2017 at 7:08 PM UTC
Gaano kana kalakas
Sa dami ba ng mga bakas
Na iyong mga dinanas
Sa mundo na marahas
Gaano kana katatag
Hindi na ba binabagabag
Pader ba'y di na matibag
Mahusay na mapagpanggap
Lakas na saan kinukuha
Limot maging pagluha
Sa sakit o kirot natutuwa
At di na namamangha
Sa napaka tagal na mag-isa
Di na kailangan ng iba
Umaasa sa iba
O inaasahan ng iba?
Ang mamon ay bato na
Ito'y matagal na
Lumalakad mag isa
Nang walang pangamba!
Walang mapapala
Kahit ipilit ang salita
Ang lahat waring abala
Sa taong nasanay mag-isa
-JGA
Dec 21, 2021
Dec 21, 2021 at 6:50 PM UTC
031224
Ikaw ang alaalang nais kong ibaon sa limot —
Ang kalimutan ka ay kalayaan ko.
Ikaw ang larawang sana’y kumupas na
At handa ako kung anayin na
Ang mga sandaling kasama ka.
Sa tuwing pumipikit ako’y
Dinadalaw mo pa rin ang aking isipan
At maging sa panaginip,
Ako’y tila binabangungot
At magigising nang bigla ang aking ulirat.
Ang bawat patak ng luha’y ni hindi na masukat
Gaya ng ulang walang himpil na pagbagsak.
Kung sana noong una’y binitawan ka na agad,
Sana’y hindi nagdurusa ang puso kong pagod na.
Mar 31, 2024
Mar 31, 2024 at 10:17 PM UTC
072924
O kayraming pangarap na binuo —
Binuno sa sariling salamangka.
May ibang nagwawaging nakangiti,
Habang ang ila’y nalalagas kamamadali.
Nakamamangha nga sa umpisa
Pagkat ito ang batayan ng karamihan
Sa tinatawag nilang “makapangyarihan.”
Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik
Bagamat sa mga sandaling iyo’y
Gusto ko na lamang mapaos
Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan.
Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan
Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan.
Ngunit sa patımpalak na ito’y
Wala naman pala akong ibang kalaban
Kundi ang sarılı kong anino,
Ang kumunoy ng aking nakaraan.
Madilim —
Madilim ang paligid saanman ako dumako.
May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag?
Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko.
Mahiwaga —
Ganyan nila ituring ang mga alitaptap
Na para bang may isang diwatang
Umaaliw sa kanila,
Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng
Wala naman palang kabuluhan
Kaya’t sabay-sabay silang mauubos
Na parang mga paupos na kandaling
Wala nang balak na sindihan pa.
Sino nga ba?
Sino nga ba ang aking susundan?
Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap
Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan
Nang mabaon na rin sa limot
Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan.
Tinatanong ko ang sarili
Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan?
Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito?
Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari?
At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag?
Ako at ang kadiliman
Ako at ang liwanag.
Sino nga ba ang pamato?
Sino nga ba ang tunay na kalaban?
Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang,
Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan.
At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y
Sigurado pa rin akong
May liwanag pa rin sa aking sinusundan.
Ikaw, Anong tantya mo?
Makararating ka rin ba sa dulo?
Ikaw, anong pasya mo?
Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
Aug 13, 2024
Aug 13, 2024 at 8:53 AM UTC