Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ilang buwan na lang at ako'y lilisan na. Lilisanin ko na ang mapapait na alaala. Alaalang nagdulot sa akin ng pighati at pagdurusa. Pagdurusang hiling ko ay malimot-limot na. Sa aking paglisan, magagandang alaala ay hindi ko kakalimutan. Kakalimutan ang mapait na karanasan, Pero hindi ang taong naging bahagi ng aking nakaraan. Makakakilala man ako ng ibang tao sa kasalukuyan, Hinding-hindi ko naman ipagpapalit ang pagmamahal mula sa inyo na aking naramdaman. Sana ay ako'y inyong ipanalangin, Na maging matatag sa darating pang pangarap na aabutin, Maging masaya sa bago kong buhay na tatahakin, At maghilom sa puso ang sugat sa nakaraan kong masakit sa damdamin. Magiging malayo man tayo sa isa't isa, Napakalapit pa rin ninyo sa aking alaala. Matagal man bago tayo ay muling magkikita-kita, Asahan ninyong sa pagbabalik ko ay ako'y maligayang-maligaya na!
0
Nov 18, 2016
Nov 18, 2016 at 2:44 PM UTC
Hanggang sa Muli

Written by
Nov 18, 2016
Nov 18, 2016 at 2:44 PM UTC
Request permission to use this poem