"lilisanin" poems
Sadyang ikaw nga'y isang bituin
Na sa langit ay nagbibigay ningning..
Umaasa ako na ika'y maabot at maging akin.
Umaasa na ako'y iyo din mahalin..
Sadyang ikaw nga'y isang bituin
Na sa gabi'y nagbibigay buhay..
Ako'y umaasa na ika'y makamtan.
Nang sa gayon ang aking buhay ay gawin **** makulay..
Pero sana naman pag ika'y napasaakin
Wag ka ng kumawala at ako'y iyong lilisanin.
Na pagnatapos ang gabi't sumapit ang umaga
Ika'y mawawala at mawawalay sa akin..
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 9:43 AM UTC
Ikaw ang aking reyna
Kaya pala tingin mo saakin ay alila
Hindi lamang sa iyo
Pati na rin sa pag-ibig mo na hindi mabisa
Inutos mo na ang lahat saakin
Maliban na lang sa ikaw ang ibigin
Sinugal kong oras, ako'y rin lang pala'y lilisanin
Nilapag kong pag-ibig, inilipad lamang ng hangin.
Pagmamahal ko sayo ay totoo
Habang ang lahat sayo ay biro
Tinuruan mo ako mag mahal ng totoo
Ngunit sa sariling turo 'di ka man lang natuto
Matagal ka nang tumalikod
Sa relasyon nating nakakapagod
Wasak na ang puso, isip ko'y 'wag mo nang isunod
Matagal ka nang wala dito, matagal na ring akong lunod
Ang layo na ng iyong tinakbo
Natatapak-tapakan mo pa rin ako
Pakiusap aking reyna, umalis kana
Gigising pa ako sa pagiging tanga.
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 11:26 AM UTC
(1:30 AM/ Brownout)
Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin
Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan.
Ako’y nakakapaso
Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan,
Sa apat na sulok ng silid-aralan,
Sa lipunang may mabigat na ginagampanan
Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao.
Nilisan ko ang liwanag
Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan.
Ako’y Iyong tinubos
Sa mapanghusgang lipunan
May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla
Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo
Nang ako’y pagharian Mo.
Gamitin Mo ako,
Pagkat ang liwanag, ang katuturan
Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita
Nang sinuman..
Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro
At kung ang lakas ay hindi mula Sayo.
Sukat ang buhay ko
Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta
Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito
Minsan pala’y nakapapaso rin ito
Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao.
Sayang..
Kung ang ilaw ay nakakahon
Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin
Kung ang sarili’y hindi kikitilin
Nang magkaroon ng pangalawang buhay.
May ilang gagambala
Mga insektong hindi alam kung saan nagmula
Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag
At kung di lalakas ang alab,
Ako pala’y matutupok.
At sa hanging iihip,
Kung wala ang mainit na mga kamay
Na siyang yayakap at hahagkan sa akin
Ako’y maagang mahihimlay,
Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin.
Ngunit ang alab na ito’y
Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan
Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon
Sisindihang muli,
Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon
Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan
Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon.
Binibilang na ang oras
Bawat minuto’t segundo
Maaring mapagal at maagang tamlayin,
Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay.
Ngunit bago maupos,
Ako’y may aabutin
Bawat sulok ay dadampian ng buhay
At magmamarka sa bawat haligi
Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa.
(5/13/14 @xirlleelang)
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:02 AM UTC
dilaw na dyaket ang suot mo noon
habang ako ay nananahimik
hindi makaimik
at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon
na sinasala ng kinulayang bintana
kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga
dilaw na dyaket ang suot mo noon
at ang unang naitala
sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga
nang dahil sa bawat tupi ng manggas
at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa
mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin
ako'y napatitig na rin
napatitig sa dilaw na dyaket mo
at hindi ko mawari kung paano
pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat
nakakibit
hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo
napapaliit
ang tikas ng iyong pagkatao
hindi ko rin mawari kung paano
pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin
at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang
anghel
ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang
anghel
ika'y naging
anghel sa aking isipan
marikit na imahe sa aking kaloob-looban
munting sigaw sa buong kalawakan
o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw:
nakikita mo ba?
nakikita mo ba kung paano kita nakikita?
nakikita mo ba kung paano kita sinasamba?
nakikita mo ba kung paano kita sinisinta?
oo, sinisinta, dahil
munting anghel ko, o, mahal kita
mahal kita, o, munting anghel ko
mahal kita
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao
mahal kita
at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko
mahal kita
at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso
at nais kong ako ay maging iyo
at nais kong mahalin mo rin ako
ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako
natakot ako na
kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo
ay huhusgahan mo ako
kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto
ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito
kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso
ay magugulat ka at lilisanin mo ako
kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang
ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang
ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang
isang bulong na nagsasabing:
o, munting anghel ko, mahal kita,
o, munting anghel ko, pangarap kita,
ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas
at tuluyang mawala ka.
maroon na dyaket ang suot mo kanina
noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga
at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama
at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita
ngunit may kasamang iba
at siya'y ika'y inakbayan
at ika'y siya'y nginitian
at ako'y napaisip nang biglaan
kayo ba?
kayo ba?
kayo ba?
napakwento ang kaibigan ko:
alam mo ba,
ganun na nga
sila na
magdadalawang-linggo na.
hindi naman sa nasaktan ako
pero parang ganoon na nga.
hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko
pero parang ganoon na nga.
hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo—
pero parang ganoon na nga.
ganoon na nga
dahil kayo na nga
kayo na
kayo na
kayo na.
ganoon na nga
dahil siya ang kasama mo
hindi ako
hindi ako
hindi ako.
siguro kung hindi ako natakot
siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo
ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko
siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto
ay mapapabalabal ko na ang iyong puso
siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso
ay ako na'y magiging iyo
siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo
ay mamahalin mo na rin ako
ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako
at ayan na nga, o, munting anghel ko,
lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo
at ayan na nga, o, munting anghel ko,
baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko
maroon na dyaket na ang suot mo
ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso
aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon
nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon
dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 11:47 PM UTC
Ilang buwan na lang at ako'y lilisan na.
Lilisanin ko na ang mapapait na alaala.
Alaalang nagdulot sa akin ng pighati at pagdurusa.
Pagdurusang hiling ko ay malimot-limot na.
Sa aking paglisan, magagandang alaala ay hindi ko kakalimutan.
Kakalimutan ang mapait na karanasan,
Pero hindi ang taong naging bahagi ng aking nakaraan.
Makakakilala man ako ng ibang tao sa kasalukuyan,
Hinding-hindi ko naman ipagpapalit ang pagmamahal mula sa inyo na aking naramdaman.
Sana ay ako'y inyong ipanalangin,
Na maging matatag sa darating pang pangarap na aabutin,
Maging masaya sa bago kong buhay na tatahakin,
At maghilom sa puso ang sugat sa nakaraan kong masakit sa damdamin.
Magiging malayo man tayo sa isa't isa,
Napakalapit pa rin ninyo sa aking alaala.
Matagal man bago tayo ay muling magkikita-kita,
Asahan ninyong sa pagbabalik ko ay ako'y maligayang-maligaya na!
Nov 18, 2016
Nov 18, 2016 at 2:44 PM UTC
Lumilipas ang araw, dumarating ang gabi
Di ko namamalayang malapit na ang sandali;
Ang araw na malapit na ang pagdating
Sa pag-alis ko, saan kaya ako makakatating?
Malayo man, hindi ko pa alam kung saan dapat puntahan
Ang ninanais ko parang mailap na naman;
Gusto kong marinig kung ano ang desisyon
O kahit ano man ang kanilang opinyon.
Maaalala ko sila kahit saan pa ako mapunta
Sila yung mga taong nagpakita sa akin ng pagpapahalaga;
Hindi madaling kalimutan ang mga taong ganoon
Walang halong plastik ang pinakikita nila mula noon.
Malapit na.. kahit di ko pa iyon hintayin
Darating na yung panahon na ang isang lugar akin ng lilisanin;
Mga kasama, kaibigan, hindi ko makakalimutan
Isang muling pagpapaalam mula sa isang lilisan.
Oct 9, 2011
Oct 9, 2011 at 11:05 AM UTC
Ang posporo ay isang entabladong ginawa para masira,
Para magbigay ng panandaliang liwanag,
Para sayawan at indakan ng apoy,
At sa huli,
Lilisanin din ito,
Iiwan ang sunog at durog na entabladong isang beses niya lang sinayawan.
Tayo ay dalawang taong ginawa at itinakda ng tadhana para maintindihan natin ang pag-ibig,
Ginawa tayo para masira at maging buo muli,
Para sumayaw at umindak sa bawat kantang maririnig natin sa radyo,
Pinilas at tinapon natin ang huling yugto sa storya natin.
At lahat ng 'to,
ay isang posporong nasindihan na at nadurog,
nagngangalang sana
Eto ang posporong nagngangalang tayo
Sinindihan ito ng tadhana,
Nagliyab tayong dalawa sa kabila ng gabing malamig
Hindi nawala ang indayog ng apoy na pilit hinihipan ng hangin,
Patuloy na nagliliyab, kinakain ang kabuoan ng posporo
Hanggang sa nawala,
Hanggang sa napagtanto ko na ako pala ang posporong sinayawan mo.
Ako ang posporong hangarin ang masayawan ng apoy **** mapangsindak,
At ayaw maubos ng iyong liyab,
Ako ang entabladong pwede **** sayawan nang walang hanggan,
Sana'y hindi ka umalis nang natapos pa lamang ang isang kanta,
Ngunit
Nawala ka
Umalis,
Iniwan ang sunog at durog kong entablado
Ikaw ang apoy na pumuno at umubos sa akin,
Ako ang posporong nagsisilbing patunay ng ating munting sandali
Pinilit kong hanapin muli ang alab mo,
Ngunit napagtanto
Aanhin mo pa ang nasindihan na posporo?
Hanggang ngayon,
Hindi ko pa rin mawari na sa buong akala ko
Sabay nating pinilas ang huling yugto ng storyang sinulat natin,
Ngunit pagkatapos ng lahat,
Tinago mo pala 'to at idinikit muli sa kwento nating dalawa.
Aug 13, 2016
Aug 13, 2016 at 12:20 PM UTC
Naglalaro tayo,
Pero hindi parang biro.
Mayroong taya,
Pero hindi alam kung sino.
At walang tayo,
Pero sana’y parehas na manalo.
Sisilip ang pusong walang pagkukunwari.
At sa tikas at dunong ng iyong pananampalataya,
Pawang gabay sa nauuhaw na sandali.
Ang baryang sentimo’y itinabi nang kusa,
Pagkat umuusbong ang pagsinta
Sa para sanang taglagas na paghinga.
Nais kong siyasatin ang maamo **** mukha
At ang pagkukumbaba’y batid kong patas at di ulila.
Iyong mga kamay, yapos silang mga uhaw
At ang tula’y binalot ng pakikipaghimagsikan.
Dukha ang pag-ibig ko,
Bagkus hindi mamamalimos.
At sa mala-larong pag-iibigan,
Magwawagi rin tayo.
Sapat na ang nalalabing mga sandali’t
Armas nati’y ibibigkis pa rin sa Langit.
Pagkat hindi lilisanin ang Harding may bukal ng pag-ibig.
Tataya ako’t hindi ka muna gigisingin
Sa himbing ng paghikbi’y, ako’y gapos ng katotohanan.
Sinta, hintay lamang; pagkat matatapos din ang laro
Gigising tayong muli’t bibihisan ng pagsuyo.
Mar 29, 2016
Mar 29, 2016 at 10:28 AM UTC
Maaaring narito ka ngayon
ang sakit na iyong naidulot
ay pansamantala mo ring mapapawi.
Muling maipipinta ang isang magandang ngiti
sa aking mukha. Ngunit kasabay
nito ay ang mas masakit pang parusa.
Ika'y magbabalik at habang buhay
akong lilisanin. Ang iyong alaalala
ay matatakpan ng panibagong tagsibol.
Ang sakit ay madadagdagan pa ng
nag-uumapaw na damdamin.
Mabuti pang ika'y hindi nagbalik
nang sa gayon, hindi umasa ang
mga tuyot na rosas na ito'y
muli pang mamumulaklak.
Sep 2, 2013
Sep 2, 2013 at 12:23 PM UTC
Isang damdaming nakatago
Ang sa aki'y nahanap mo
Na pag iyong nahawakan, alam ko
Siya ring bibitiwan mo
Mga salita kong ibinabaon na
Bakit nais na marinig pa?
Kung ang lagi mo namang akala
Ang mga ito'y para sa iba
Isang ngiting di para sa akin
At mga matang di naman titingin
Ika'y ihip ng hangin
Na ako'y lilisanin din
Kaya tanging hiling, patawarin
Ang inalagaan kong pagtingin
Di ko yata kayang naisin
Na ang pagdaloy nito'y tapusin
Anuman ang iyong nalaman
Sana ay makalimutan
Itong tula na lang ang iiwan
Ang bubulong ng aking nararamdaman.
Apr 13, 2015
Apr 13, 2015 at 2:54 AM UTC
HANGIN
Ika'y aking iibigin
Hanggang ako'y iyong lisanin.
Yan ang pangko sa pag-iibigan natin.
Ngayon dumating na ang oras na akoy iyong lilisanin.
Mahal, isa lamang ang aking bilin
Mahalin ka sana nya, higit ng pagmamahal ko.
Mahal, alam mo walang paraan
upang ikay limutin.
Walang manggagamot ang kayang gumamot sa pusong nagdudurugo sa yamot.
Mahal, mamahalin kita hanggang ako'y iyong lisanin
Yan ang pangako natin.
Pero ngayong ikay lumisan na
akala ko mawawala na..
Pero nandito pa.
Pagibig na alay sayo.
Mahal hindi ko na kaya.
Ang sakit sakit na.
Hindi na ako makahinga
dahil puro letra ng ngalan mo ang aking nahihinga.
Mahal ang sakit sakit na..
Namakita kang may kasama ibang.
Mahal, naalala mo pa ba,
Yung sinabi kong ako'y may asthma?
Mahal hindi ko na kaya..
Para kang hangin na punong puno ng polusyon
nagnasasanhi ng hirap ko sa paghinga, ngayon.
Ngayon! Mahal, masakit na ang bawat paghinga..
Kaya, bibitiwan na kita.
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 5:18 AM UTC
Ako nga ba'y walang kapareha?
Bakit nga ba nag-iisa?
Patuloy lamang tangay ng alon
Walang ibang nais dumaong
Pahina'y lilisanin na
Aasang mayroon pa ring pahinga
Puso ko'y pagod na
Luha ay tumila na
May 23, 2019
May 23, 2019 at 9:07 AM UTC
031224
Gusto ko nang magwala,
Gusto ko nang kumawala —
Hahanap ng pluma
At kakatha ng isang tula.
Isa na namang piyesa
Susulpot na parang bula,
Mawawala nang kusa
Lilisanin ang mga tugma.
Alay ko ang aking awit
Minsang mga bala’y mapanakit.
Isisigaw na may dawit
Ang sukli’y kaakit-akit.
Ilang libong mga salita,
Papalibutan ng mga katha.
Isang araw ng pagkukusa —
Isang obra ang maipipinta.
Mar 12, 2024
Mar 12, 2024 at 1:36 AM UTC
“You live but once; you might as well be amusing.”
― Coco Chanel
Sabi sa kanta ni Freddie Aguilar “Habang May Buhay May Pag-Asang Matatanaw” subalit ang pag-asa ay hindi lang dapat na tinatanaw mas mainam kung ito’y ating kukunin at ilalagay sa ‘ting mga kamay. Ang pag-asa ay laging kumakaway kahit tayo ay nasa dilim. Tumawid man tayo sa magkabilang bangin o kahit na hampasin pa tayo ng malakas na hangin, hindi dapat mawala sa ating paningin ang pag-asa na nagniningning. Ganito natin dapat harapin ang buhay kahit ang hirap ay sapin-sapin. Minsan lang tayo mabubuhay at ang buhay ay parang isang tulay na pagkahaba-haba man ay may hangganan din. Subalit mahaba man ito o maiiksi marami tayong haharapin, mga bagay-bagay at mga pangyayari na hindi natin maiiwasan. Mga damdamin na kahit iwasan, pilit ka nitong hahatakin pabalik sa kung saan ang mga ala-ala ay masasakit. Wala kang kawala kailangan na harapin mo ang mga ito. May mga nagbabagang karanasan na hindi mo gugustuhin na balikan pero kailangan mo munang harapin bago mo ito malampasan. Hindi parehas ang buhay, oo, tama yan, gago lang ang naniniwala na Life is Fair. Subalit wala kang choice kailangan mo harapin ang kawalang katarungan nang buhay. Walang dapat na masayang na sandali sapagkat isang araw ang mundong ito’y ating lilisanin. Gawi’ng kaakit-akit at marikit ang buhay kahit masakit.
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 7:44 PM UTC
Naririnig ko na ang awit ng mga anghel
Naaaninag na ang liwanag,
sikat ng araw ay tila ginto at kahel.
Maniwala ka, babalikan kita,
katulad ng pagbalik ng alon sa baybay.
Maniwala ka, hahanapin kita,
katulad ng paru-paro sa bulaklak.
Naririnig mo na ba ang yapak ng aking paa?
Handa na bang maaninag ang aking mukha?
Masilayan ngiti kong 'singtamis ng ubas?
Maniwala ka, hindi kita nilisan,
katulad ng hangin, lagi mo akong kapiling.
Maniwala ka, hindi kita lilisanin kailanman,
katulad ng oras, laging tatakbo sa iyong tabi.
Binasbasan mo ako ng haplos mo,
binasbasan din kita ng puso ko.
Ito na ang langit, ito ang paraiso.
Nandito na tayo, hindi na lalayo.
Isusulat ko at ipapahayag sa lahat,
babaguhin ang bawat aklat.
Pag-ibig ko'y ipagmalaki at iulat,
kaluwalhatian ng pag-ibig ay ibunyag.
Sa pagbalik ko
at sa pagbalik mo
sa piling ko,
at sa kaligayahan mo...
Mananatili, walang pasubali
Magwawagi, walang makakapigil
Sa muli **** pagdating
at sa pagkikitang muli
sa kaharian mo,
at sa kaluwalhatian mo...
Aawit ng papuri, mabagal at mabilis
Aawit ng himnong walang mintis
Mar 31, 2024
Mar 31, 2024 at 4:36 AM UTC
Lilisanin ko ang sarili
Madatnan lamang ang espasyo
Kung saan tayo’y magtatagpo’t magtatapat —
Magtatapat ng ating mga pangakong
Kailanma’y hindi nanaising mapako.
Ang bawat hakbang
Ay magsisilbing aking pagpupunla
Hindi lamang ng aking wagas na pag-ibig
At dalisay na pananampalatang
Kakayanin natin ang mga susunod pang dekada,
Mga dekadang sabay na mamumuti
Ang ating mga buhok
At sabay na malalagas
Patungo kung saan man tayo nagmula.
Wala akong ibang nais na masilayan
Kundi ang mga mata **** sining sa aking paningin.
Ang ngiti **** sana’y manatiling
Matatamis na alaalang
Ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin.
At sa mga oras na ang mga pahina na ng kalendaryo
Ang kusang magpatangay sa hangi’y
Nanaisin ko pa ring manatili
Sa mga akap **** pinili kong maging kanlungan
At ang magiging sigaw ng aking puso’t damdami’y
Papuri sa Unang Umibig sa atin
Bago pa man mag-krus ang ating mga landas.
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 10:39 AM UTC
HANGIN
Ika'y aking iibigin
Hanggang ako'y iyong lisanin.
Yan ang pangko sa pag-iibigan natin.
Ngayon dumating na ang oras na akoy iyong lilisanin.
Mahal, isa lamang ang aking bilin
Mahalin ka sana nya, higit ng pagmamahal ko.
Mahal, alam mo walang paraan
upang ikay limutin.
Walang manggagamot ang kayang gumamot sa pusong nagdudurugo sa yamot.
Mahal, mamahalin kita hanggang ako'y iyong lisanin
Yan ang pangako natin.
Pero ngayong ikay lumisan na
akala ko mawawala na..
Pero nandito pa.
Pagibig na alay sayo.
Mahal hindi ko na kaya.
Ang sakit sakit na.
Hindi na ako makahinga
dahil puro letra ng ngalan mo ang aking nahihinga.
Mahal ang sakit sakit na..
Namakita kang may kasama ibang.
Mahal, naalala mo pa ba,
Yung sinabi kong ako'y may asthma?
Mahal hindi ko na kaya..
Para kang hangin na punong puno ng polusyon
nagnasasanhi ng hirap ko sa paghinga, ngayon.
Ngayon! Mahal, masakit na ang bawat paghinga..
Kaya, bibitiwan na kita.
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:32 PM UTC
Ako ngayon ay nalugmok
Sa sulok nagmumokmok,
Malalim na mga sugat
Sa kahapo’y idinulot.
Ako ngayon ay lumuha
Ngunit hindi ako kawawa,
Tumulo lamang ang luha
Babangon rin ng kusa.
Ako man ay nadapa
Iginapos sa tanikala,
Araw man ay mawala
Sisikat pa rin sa umaga.
Ako ngayon ay gagapang
Papalayo sa pampang,
Lilisanin ang hinanakit
Sa dibdib na kay sakit.
Ako ay magpapaalam na
Sa mga sugat na alibugha,
Magpapatuloy na ako
Kakayanin ko ang mga ito.
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:24 AM UTC
Kay lamig ng iyong lambing,
Parang hanging patuloy na niyayakap ang gabing madilim,
Ayaw magpa-awat ng tumitibok na himig,
Hahayaan na lamang halikan ng lumisang pag-ibig
Patawarin kung lilisanin na ang mundong minsa'y ating tinakbo na ngayo'y ating ihihinto
Feb 17, 2020
Feb 17, 2020 at 6:49 AM UTC