Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Isang damdaming nakatago Ang sa aki'y nahanap mo Na pag iyong nahawakan, alam ko Siya ring bibitiwan mo Mga salita kong ibinabaon na Bakit nais na marinig pa? Kung ang lagi mo namang akala Ang mga ito'y para sa iba Isang ngiting di para sa akin At mga matang di naman titingin Ika'y ihip ng hangin Na ako'y lilisanin din Kaya tanging hiling, patawarin Ang inalagaan kong pagtingin Di ko yata kayang naisin Na ang pagdaloy nito'y tapusin Anuman ang iyong nalaman Sana ay makalimutan Itong tula na lang ang iiwan Ang bubulong ng aking nararamdaman.
0
Apr 13, 2015
Apr 13, 2015 at 2:54 AM UTC
Bulong

clau
Written by
Apr 13, 2015
Apr 13, 2015 at 2:54 AM UTC
Request permission to use this poem