Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lantarang" poems
panandaliang tamis kapalit ay walang hanggang hinagpis masiglang pag bungisngis na napalitan nang matinding pag tangis. mula sa lantarang pagnanais napunta sa pasikretong pagtitiis walang pasabi, ika'y umalis biglaan kang nanakit nang labis nakakainis. pero bumalik ka na please.
0
Apr 3, 2018
Apr 3, 2018 at 9:29 PM UTC
summer
Sa paraang iyan nila kami pinatatahimik, pinapatay, at tinatapos. Baril ang kanilang sagot sa aming sigaw, Sigaw para sa karapatan at bayan, Bayang aming pinaglilingkuran. Hindi pa ba kayo naalarma? Na mismong makabagong bayani na ang pinapatay nila, Mga bayaning halos walang pahinga, Mapagaling lang nila tayo mula sa pandemya. Pandemyang naglabas ng baho nilang mga nasa itaas, At kanilang mga hindi pagiging patas, Mga taong lantarang lumalabag sa batas, Malaya pa rin at nakikinabang sa ating kaban. Kaban na pinagnanakawan, Bilyong utang, Na tayong simpleng mamamayan ang magbabayad, Magbabayad sa inutang na hindi naman natin napakinabangan. Ilang inosenteng buhay pa ba ang mawawala, Bago ka tumigil sa pagsuporta sa tuta ng Tsina, Sa mga tangang namamahala, Sa mga taong walang hiya. Gising mga bulag!
0
Dec 17, 2020
Dec 17, 2020 at 7:10 AM UTC
"Red-Tagged"
Paano na lamang kaya, katanungang hindi kayang isalita? Naka-lihim na lamang ba sa bawat titik ng tula? Hanggang kailan? Hanggang saan? Katanungan na lamang na idinadaan sa matatalinhagang katha. May sariling himig patungkol sa pag-ibig ngunit bakit nag-dadalawang isip na ipahiwatig mula sa aking bibig? Sa mga sandaling ito, wala pa dalaw ng antok, Narito at nag-papawihatig nang muli ang lantarang pag-hanga. Madalas ipinapakisuyo sa matatalinhagang salita, sa bawat tayutay at saknong na may lantay at tugma. Lakas ng loob nawa'y magpanhik ka nang ako'y wala nang kinikimkim at hinihibik sa langit. Halos umapaw na, baka 'di na yata kayanin pa. Panalangin ko na iyong mamalas, na laging winiwika ko'y pangalan mo magpa-hanggang wakas.
0
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 8:29 PM UTC
Hanggang Wakas