Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Aug 2017
Tirik na tirik ang araw nang mga sandaling iyon. Nakatingin ka lamang sa isang direksyon. Hindi ka lumilingon. Ni ayaw **** tumingin sa kaliwa o sa kanan habang naglalakad.

Lutang na lutang ang iyong isipan. Nakatingala ka pa sa nakasisilaw na kalangitan habang binabagtas ang bawat sementado at konkretong daan sa iyong harapan.

Hindi mo rin pansin ang mga taong nakakasabay mo sa iyong harapan, likuran, at tagiliran.

Wala ka na sa wisyo.

Manhid.

Walang pakiramdam.

Hindi mo man lamang narinig ang sipol ng nakatokang alagad ng batas trapiko. Hindi mo rin naririnig ang mga sigawan ng mga taong sumisigaw sa iyo na tumigil ka sa paglalakad maging ang mga busina ng mga sasakyang iniiwasan kang mabangga.

Nakatuon pa rin sa isang direksyon ang isipan at mga mata mo. Hindi mo na napansin ang isang itim na kotseng sumalubong sa iyo, Sa gitna ng kalsada, doon ay tumilapon ang iyong katawan.

Tirik ang mata.

Duguan ang noo at mukha.

Bago ka panawan ng ulirat ay tumulo pa ang mga luha sa magkabilang pisngi mo at nag-usal ng mga kataga sa iyong isipan ng...


"Mahal na mahal ko kayo, mga kapatid ko."
Sittie 1d
Hindi ko naman talaga gustong pumunta, ang kaso ay sumagi sa aking isipan na baka naroon ka.
Kaya tinalo ko pa ata si flash sa bilis ng pag sakay ko sa sasakyan, tapos Ikaw pa ang naiisip kahit hindi komportable sa upuan dahil sa malubak na daan.
Hayaan mo na ang mahalaga makikita na kita, pag labas ko palang sa kotseng aking binabaan, presensya mo agad ang aking nais na maramdaman.
Hindi makapaniwala nung ika'y sumulpot sa aking harapan, ay pasensya dadaan ka pala at ako'y nakaharang.
Saiyo lang naman ang tingin ko, ilalabas ang kamerang dala ko, mag kukunwaring may kinukuhaan ng litrato, subalit saiyo mismo nakatutok ito.
Halos ma-baliw ako nang sumulyap saakin ang mga mata mo, hindi ko rin inakalang mahuhuli mo ang nakaw tingin ko.
Siguro nga'y nahihibang na ako sapagka't tila nakain ko lahat ng paro paro, kaya't nung marinig ko ang pag kanta mo, tila mga nag wawalang nakakulong sa priso ang nang gugulo sa tiyan ko.
Masyado ata akong halata sa pag papapansin saiyo, pero hayaan mo na—minsan lang naman tayo mag kita kaya sinulit ko na, sana may susunod pa, susunod na mag tagpo ang ating landas.

-Nakaupo sa sofa habang kumakain ng corn beef at umiinom ng gatas

— The End —