Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Clara Mar 2022
At noong una kong makita ang katawan **** maputla at malamig,
Noong ang suot mo'y mga sugat imbis na alahas at palamuti,
Bala't mga bubog imbis na hikaw na pilak,
Mga pasa't bugbog imbis na koloreteng mas mapula pa sa mamahaling alak,

Kasama ang papel na hawak mo sa iyong kaliwang kamay na nagsasabi,
"Walang salitang lalabas sa iyong mga labi,
Ikaw, ako, at ang siyang oras na nalalabi,
Ang katotohanan ay nakatago sa aking labi,"

Ngunit sa ngayon,
Ang kamay mo'y buhangin,
Na sa lalong paghigpit ng aking pagkakabigkis,
Ay mas lalong nauubos at umaalis,

At sa pangalawang pagkakataon,
Kapag ang mga mata'y muling nagkita,
Ang mga daliri'y hindi na isasarado,
Hindi na hahayaan na kahit isang butil ng buhangin ay malaglag mula sa aking mga palad,

Pero sa ngayong tinitignan kita,
Kahit pa na wala akong makita kundi itim at asul,
At ang mga mantsa ng luhang naging dugo sa kakamakaawa,
Mas lalo kang gumaganda,
At sana,
Pati ang langit makita ka.
The poem was written in 2019 as an entry for the writing committee in a college theater organization. It was written during the height of the EJKs in the country.

— The End —