Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Miru Mcfritz Jan 2019
Sa mga oras na to,
Hindi ko maitatanggi sa sarili ko
na nasasaktan ako ng sobra sobra.

hindi ko man alam
kung kailan ko ulit
mararanasan mahalin
ulit ako ng katulad mo.

sisiguruduhin ko naman sa sarili ko na malalaman mo na
hangang sa huli pagkakataon hindi na ko nag mahal pa simula nung nawala ka sa buhay ko.

dahil katumbas ng mga
binitawan kong mga salita
ay inalay ko ang bawat pag mamahal ko sa mga letra bumuo ng mga kahulugang mahal kita

kung mahirap man at kumplekadong mundo ang nasa
sitwasyon kinahaharap ko
ngayon habang mag isa kong
hinaharap ang lahat ng
pasakit na ito

sa tuwing maririnig ko ang
sarili mo na itinatanong ito
ano kaya ang ginagawa mo
sa mga panahon mag isa lang tayo

sa panahon hinahanap din
natin ang sarili sa kung saan
at kailan ba darating
ang katapusan ng pagtataguan
ng nararamdaman

kapag handa na ang tadhana at pagkakataon magkasalubong
ang ating mga landas sana sa panahon na yon sana kahit
ako nalang ang nag mamahal sayo

kahit sa malayo
kahit pasikreto
kahit hindi mo alam
kahit sa mahirap na paraan

mamahalin parin kita
kahit wala ako kasiguraduhan
paninidigan ko to sa kahuli hulian.
elisha Jul 14
Sabi ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal. “Kabataan ang pag-asa ng bayan” kung totoo ito, bakit marami pa ring kabataan sa ating bansa ang hindi nakakapag-aaral ?
Ito ba lamang ay tila isa lamang paalala at hindi isang realidad, paalala lang ba sa mga magaaral na magaaral ng mabuti, o ito ba ay isang kasabihan na sumisigaw sa mga tao na ang kaalaman ay hindi dapat mapagkait. Ang kahalagahan ng edukasyon ay marahil na malinaw na sa mga tao, sa pagkat na kasalalay ng kinabukasan ng lipunan sa mga bagong henerasyon, kaya bakit naman ang karunogan na napagakakait sa mga kabataan,

Hindi pa sumisikat ang araw at bumibiyahe na ang mga bata upang makapag-aral ang ilan ay kailagan pa dumaan sa masusukal na gubat, ilog at mga bundok, ito ang mga suliranin ng  karamihan sa mga magaaral na ninirahan sa mga probinsya, kailangang maglakad ng ilang kilometro upang makapasok sa paaralan. Maraming sa mga kabataan ang gustong mag-aral ngunit dahil sa kahirapan, kakulangan sa pasilidad ng lugar na pagtatayo ng mga paaralan ang ilan sa mga hadlang sa tamang edukasyon. Dahil sa kakulangan at mabagal na pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa, maraming tao ang nahuhulog sa kahirapan, imbes na ang mga musmos na kabataan ay nag sisipag-aral ay napipilitang magtrabaho para matulungan man lang ang kanilang pamilya at walang sapat na pera para bigyang pansin ang kanilang pag-aaral.
Sa halip na bigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon, tila’y nagiging na sa hulihan ito pagdating sa budget at atensyon. Kung tunay ngang ang kabataan ang pag-asa ng bayan, bakit hindi ito pinaninindigan ng mga nasa kapangyarihan? Totoo nga na ang bagong henerasyon ang mag aangat sa ating lipunan, pero hindi ito makakamit kung hindi tinutugunan ng gobyerno ang mga suliraning kinahaharap ng sektor ng edukasyon.

Hindi sapat ng mga salita na ang kabataan ang pagasa ng bayan kung hindi tinutugunan at binigiyan ng tamang pagsosoprta ng gobyerno ang mga pagaaral.
Dapat tiyak na bawat bata, nakatira man sila sa isang lungsod o kabundukan, may kaya man o sa dukha, ay nararapatdapat na may pantay na oportunidad upang  matuto at mangarap, sapagkat ang kaalaman ay dapat libre at nakakamit ng lahat. Hangga’t may mga batang hindi makapasok sa paaralan dahil sa kahirapan o kawalan ng oportunidad, mananatiling pangarap lamang na ang “Kabataan ang pag-asa ng bayan".

— The End —