Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kaso" poems
Alam ko kaarawan mo nung abril labindalawang at ngayon Humahabol pa ako sa regalo ko na tula para lang sayo. Naaalala kita bilang aking best friend nung intermediate palang tayo Ngayon pati sa facebook konektado pa rin ako sayo Paminsan-minsan ikaw nagchachat sa kin at minsan ako rin naman Nagsheshare ng problema at nagbibigayan ng tips kahit papano man Ngayon dalagita na tayo, marami na rin mga problema sa school at iba kaso Gusto pa rin kita makausap ng matagalan eh marami lang talagang inaasikaso Nagkataon nagkita tayo sa mall at ang napansin ko bigla ka tumangkad Syempre naingit agad, hindi ako pinagpala ng diyos ng tangkad eh. Natutuwa ako nakilala kita noon at nagkakilalan tayo ng lubos Kahit malayo tayo sa isa't isa, at saka nagpapasalamat rin ako  Naging best friend kita at lagi tayo nagtutulungan  Kung may problema tayong hinaharap. Kung alam mo lang maeffort ako kung hindi lang natatamad Lalo na sa pagibig kung pinageffortan dapat masuklian. Pasensya na kung nahuli ako ibigay ang regalo ko para lang talaga sayo Nagpapasalamat ako sa lahat ng alaala natin dalawa at sa susunod pa. Mahal kita dahil naging parte ka na rin sa buong buhay ko! Happy Birthday! To the 16th girl Vivien Hannah Isabel Estrada!
0
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 9:51 AM UTC
Maligayang kaarawan aking kaibigan
Ang pag-ibig Hindi parang load Hindi yan nauubos Wala sa tindahan Hindi inuutang. Ang pag-ibig Hindi parang gasoline station Na daraanan mo lang Na paparkingan mo Pero iiwan mo Pag nakuha na ang gusto. Ang pag-ibig Hindi parang kalsada Na malawak pero tatapak-tapakan Na aayusin at mas mapapansin lang Pagka may lubak na. Ang pag-ibig Hindi parang payong Na gagamitin mo lang Para sa pansariling proteksyon At itatago pag hindi mo na kailangan. Ang pag-ibig hindi yan sasakyan Na daraan sayo at hindi mo mapapansin Na bubusinaan ka At wala kang tamang pandinig. Ang pag-ibig Minsan makukumpara mo Sa kung anu-anong pumupukaw ng atensyon mo Minsan kasalungat Ng kung anong nakikita mo. Hindi mo na lang mapapansin Nandyan na pala, Eh kaso lang, ang layo ng tingin mo Naghahanap ka pa, Eh nasa harap mo na pala.
0
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 4:17 AM UTC
Ang Pag-ibig sa Barangay San Pedro
Tanghali na at nais ko sana magsulat, Ibuhos ang lahat ng aking gustong ipagtapat, Ngunit wala, walang lumabas ni isang letra o salita, Nahihirapan na kahit hindi halata. Isang lapis at papel ang aking hawak, Ang daming bumubulabog sa aking utak, Nais ko sanang iparating sayo, Binighani mo ang puso ko. Kaso ang hirap, ang hirap hirap isulat ng aking nadarama, Na parang magiging katawatawa o masyadong madrama, Hindi ko alam kung paano pero ito ang naisip ko, Naisip kong paraan para masabi sayo. Ang pagsulat. Dahil ito ang aking bibig, Ito ang tanging paraan para mailabas ko ang aking hinanakit o pag-ibig, Nakakatawa man o ang "corny" pakinggan, Pero kahit ganoon pa man, ipagpapatuloy ko sa paraan na makakagaan. Makakagaan sa akin at sa mga taong makakabasa, Na hindi ito sinulat ng basta basta, Isang blankong papel at isang ordinaryong katulad ko, Isinusulat ang lahat ng mensahe sa paraan na alam ko. Gagabihin nanaman kaka-isip, At bibisita nanaman  ang mga talang gabi gabing sumisilip, Nakakatuwa dahil sila ang laging kausap, Habang natutulog ang mga ulap. Isang blankong papel ang aking hawak, Walang kawala sa magulo kong utak
0
Aug 9, 2016
Aug 9, 2016 at 9:44 AM UTC
BLANKONG PAPEL
Pagmulat palang ng iyong mga mata, Pangalan niya agad ang iyong nakikita, May mensahe sayo'y nagpapakilig, Napapangiti na parang iyo na ang buong daigdig, Ngunit alam kong napawi ang iyong mga ngiti, Nawala ang kilig na kanina lang abot hanggang langit, *Dahil naalala **** hindi pwede, bawal, at delikado, Kahit sinasabi ng puso mo siya'y mahal mo at ito'y sigurado.* Natatakot kang masaktan, umiyak, at higit sa lahat maging masaya, Bakit mas nakakatakot ang huli? Dahil pag nawala siya hindi mo alam kung iyo pang makakakaya. Alam mo sa sarili mo na siya ang iyong mahal, Kaso natatakot ka lang ulit sumugal. *Pero ipinapangako ko sa buong mundo at sayo, Gagawin ko ang lahat mawala lang ang takot mo,* **Handa akong sumugal sa pag-ibig para iyong malaman, Na ang pag-ibig kong ito ay pang matagalan.**
0
Aug 30, 2016
Aug 30, 2016 at 6:45 AM UTC
PAG SUGAL SA PAG-IBIG
“Tabing Dagat” Naalala mo pa ba? Ang huling sandali na kasama kita? Nong panahong sinabi **** susuko ka na Nong panahong ako ay binitawan mo na At ika’y umalis at iniwan ako sa tabing dagat mag isa Saksi ang mga hampas ng alon noon sa mga pangako mo Pangako na noo’y pinanghawakan ko at ngayon ito’y nag laho Pangako mo na parang kastillo ng buhangin na iyong binoo At sa isang iglap lang ito’y hinampas ng alon hanggang sa ito’y gumoho Inukit mo pa noon ang pagalan naten sa basang buhangin At sinabayan mopa sa pag kanta na puno ng mga dalangin Dama yong pagmamahal noon at sa init ng mga yakap mo Pero dama ko rin yong sakit nong araw na ako’y iniwan mo Hawakan mo mga kamay ko at walang isa sa atin ang bibitaw Ngunit nong pag bitaw mo mundo ko’y tuloyan naring nagunaw Saan na ba yong mga pangako mo noon na pinaniniwalaan ko Mga pangako na ngayo’y diko alam kung yon ba ay totoo Nilakbay ko ule ang dagat dahil baka sakaling nan’doon ka Kaso ultimo animo mo’y di ko na masilayan at di ko Makita Nag laho ka na nga gaya nong mga pangako mo noon Babalikan pa ba ako kahit alam kung may mahal ka na ngayon? Kay sakit mahal na pag-ibig naten noon ay inanod narin ng alon Tanging alaala naten nong kahapon ay siyang lage kung baon Kung sakali mang babalik ka pa alam mo na kung saan ako makikita Sa tabi ng dagat kung saan mo rin ako iniwan at binitawan sinta
0
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 9:46 PM UTC
Tabing Dagat
Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school. Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan. Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos. Idadahilan sa magulang na gumawa ng project at hihingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O, di ba? Saya! Noong ako ay nasa high school, simula 1st hanggang 3rd year ay pang-umaga ang klase ko. Mahirap man gumising nang maaga, kailangan talaga, ayoko kasi sa lahat yung late. Noong ako ay nag-1st year, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at nandoon pa yung kaba. Isip bata pa ako noon at hindi pa gaano ka-matured ang ugali ko. Ang ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng crush, kinikilig kapg nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung akala mo wala nang bukas sa sobrang tuwa! Punta nama tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya ng tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hangtag ngayon, kaso bihira na kaming nakakapag-usap at nagkikita kasi iba't ibang section na rin kami napunta. Dito ko unang naranasang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan ko. Ngayon naman ako ay nakatuntong na ng 3rd year. Dito ay unti-unti nang nag-matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago na naman lahat ng kaklase ko pero kilala ko silang lahat. Haap ng bagong kaibigan na naman sa klase pero mas naging close ko kung mga lalaki. Ewan ko kung bakit. Hahaha! Ayoko sa mga kaklase kong babae noon, ang aarte. Pero may ilan sa kanilang naging kaibigan ko rin. Excited na ako sa pagtuntong ng 4th year. Mukhang masaya Pero ito na ang huling yugto sa high school life. Siguro lahat iiyak, maghihiwa-hiwalay na kasi. Pero mayroon pa namang reunion, at ito ang buhay high school.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:43 AM UTC
High School Life ...

Continue reading...
11
Patawad kung di na ako nagsasalita, Kung di na kita kinakausap pa, Ayaw ko kasing masaktan pa, Parating na kasi ang araw na lalayo kana. Patawad kung nilalayo ko na sarili ko, At kung iniiwasan ko nang mga mata mo, Mahihirapan akong kalimutan ang mga titig mo, Lalo na ang epekto sakin nito. Patawad sa paghintong alagaan ka, Mahirap kasing makasanayan pa, Hahanap-hanapin kasi kita, Sa ganitong paraan mapapadali ang limutin ka. Patawad kung pinipili kong burahin ka sa aking ala-ala, Kasi ayaw kong may pinanghahawakan pa, Sana wag mo isiping hindi ka mahalaga, Minsan lang kasi ako magmahal kaso nawawala pa. Naiintindihan ko ang rason ng iyong paglisan, At dahil dito hindi kita pinipigilan, Sana masaya ka sa iyong pupuntahan, Patawad kung ibabaon kita sa nakaraan.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:41 PM UTC
Patawad Kung ( Tagalog )
Tatlong Bituin at Isang Araw Isang Bandila, Apat na Kulay Dilaw Pula't Bughaw, Puting Dalisay muling nagugunita sa aking balintataw! Nasaan ka na nga ba? tanong namin minsan ni kuya habang sa amin si Bunso iniaabot ang papel na piraso. Nakatupi iyon at aking binuklat nang masilayan ko...katotohana'y sumiwalat. Damdamin ko'y halos gustong sumambulat sumandaling napapikit, sa aking pagmulat agad ko siyang hinagka't niyakap tumulo ang luha, sarili'y hinagilap hanggang matanto sa aking hinagap Bunso kong Anak... Ina'y INAAPUHAP Ang kanyang mga mata'y nangungusap huwag malungkot! ibig kong ipakiusap unti-unti ring matutupad mga pangarap waring singsing...hinugis ng alapaap Kahit walang ulan, posibleng magkabahag-hari Hangga't may pag-asa, lumbay mapapawi balang-araw mommy ninyo siguradong babawi makakapiling din na parang buhawi kasi di tayo gaya dati dapat Apat tulad nitong  Talumpati Kaso ang nailapat ay Labis pagkat panulat ko di Lapis Limang salita sa Bawat Taludturan sa mga saknong sana'y matutunan Kulang man kayo sa Pagmamahal tayo'y Family Three na Literal ako man ay naging Hangal Mga Anak Kayo'y Aking Dangal MAHAL KO KAYO! inyong tandaan pagkat ako'y Haligi ng Tahanan magmula pa sa inyong kamusmosan hanggang Mahalin ang INANG BAYAN !!! Philippines Independence Day June 12, 1898 - 2017 Ang Pamilya ang matibay na Pundasyon ng Lipunan. Lipunan na may Pagkakaisa upang bumuo ng Malayang Gobyerno Gobyernong magpa-HANGGANG NGAYON hangad at Ipinagbubunyi ang Araw ng Kasarinlan! Na siya rin namang Araw ng Kalayaan!
0
Jun 12, 2017
Jun 12, 2017 at 9:20 AM UTC
" dapat Apat "

43
Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Pero kailangan kong sabihin ang tibok ng puso ko. Wala rin namang mapapala dahil wala na ring pag-asa Kaya kung sasabihin ko ito, sa akin ba'y may mawawala pa? Kagagaling ko lang sa isang bagyo Pero nakagugulat na hindi ako sinipon, kahit basang-basa ako. Nagsumikap magbihis, para makapasyal uli nang makita ko ang matamis **** mga ngiti. Hindi na ako nagpigil, wala nang mawawala sa akin Kailangan kitang makilala, kailangan kong magpapansin. Pangalan mo lang ang mayroon ako, pero nahanap agad kita Akalain **** nasa iisang gusali lang pala tayong dalawa? Hindi ako gwapo at hindi rin malakas ang loob ko Nakakaawang kombinasyon sa mga panahong ito Mas gugustuhin ko pang magpasensya at maghintay Pero paano lalapit sa pagkapangit na manok ang pagkagandang palay? Inalis ko na sa utak ko ang pag-aalinlangan Alam mo na ito, dahil may bulaklak ka na kinaumagahan. Ayoko nang secret admirer, dahil hindi na tayo bata. Pinaalam ko kung sino ako, para makipagkilala. Sinulatan kita, makailang ulit Para alam mo na ako yung nangungulit. Kaso hindi ko alam kung bakit Ni isang sagot, wala kang binalik. Hindi ko na kaya maghintay pa ng matagal Kailangan ko itanong, kailangan ko malaman. Hindi ako magwawala kung hindi ka interesado pero sana sumagot ka, para hindi na ako manggulo. Ilang sandali pa, tumunog na ang telepono ko Lumukso ang aking puso ng makita ko ang pangalan mo! "Salamat sa bulaklak, pero mali ang pagkakaintindi mo "hindi ako naghahanap ng lalaking iibigin ko "Pagkat may iniibig na itong aking puso "Pasensya ka na, patawarin mo na ako". Matagal akong natulala sa aking nabasa Biglang lumiit ang mundo ko, hindi na ako makahinga. Naglakas loob akong sumagot at sinabing "naiintindihan ko "salamat sa pagsagot, at magandang gabi sa iyo". Gusto ko lang sabihin, sa mga makakabasa nito, walang ginawang mali ang dalaga sa kwento ko. Hindi ko man siya nakilala ng lubos ay nakatitiyak ako Nang inihulog siya ng langit, sobrang swerte nang nakasalo. Hindi ko gugustuhing agawin ka. Kasi kung maaagaw man kita, maaagaw ka rin ng iba. Kung mabasa mo man ito, okay lang bang hilingin ko kapag niloko ka nya, pwede bang sabihan mo agad ako?
0
Jan 27, 2016
Jan 27, 2016 at 1:58 AM UTC
Pag-amin ng isang Stalker

46
011521 Iaalay ko ang aking katha Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin. Malayang pagpili -- Pagpili sa hindi lamang gusto, Ngunit pagpili sa kung ano nga ba Ang tunay na nararapat. Kaakibat ng pagpili, Ay ang pagtimbang sa kung ano bang Makabuluhan sa panglahat na kapakanan. Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili, Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan. Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan Naroon na ang lahat? At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari Ay sama-samang pumoprotesta Sa kani-kanilang adhikain. Minsan, gusto nating matahimik.. Tahimik na lumalaban Hindi gaya ng mga nasa lansangan At itinatali ang sarili Sa kanilang nasanayang batas. Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon, O baka nalimot mo na ring tayo'y demokrasya na ngayon Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon.. Ano nga ba ang malinis na konsensya Sa bayan kong dinungisan na ng pawis Ng iba'ibang ganid na mga bansa? O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman Na tayo rin mismo ang sumira At lumaspangan sa bandila nating Noo'y dugo ang nasa itaas. Sakim ang ating mga sarili Pagkat tayo'y nauuhaw pa Sa pansarili nating kalayaan. Tayo'y walang ipinag-iba Sa mga pailalim na bigayan At pagsalo sa kaso ng iba, Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban Ng mga naging bihag sa selda. Habang ang iba'y naghahalakhakan At pawang mga hangal Sa kanilang pagbalot sa sarili Patungo sa bukas Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay. Susuong ka pa ba? Kaya mo pa bang magbulag-bulagan? Pero sa buhay na iyong pipiliin, Piliin mo sana ang daang matuwid. At paano mo nga malalaman Ang mas higit sa timbangan Kung ang iyong pamantayan Ay sirang orasan at papel na ginintuan.. Nasayo ang hatol Ang hatol kung saan ka lulusong Kung saan ka makikiuso..
0
Jan 15, 2021
Jan 15, 2021 at 12:29 AM UTC
Kalye

59
Minahal mo ba talaga? O naawa ka lng sa kanya? Tinigil mo na nga, Kaso umiyak sya, nagbago yung isipan. Binalikan ng walang dahilan. Tapos ngayon ika'y nalilito, Kung titigilan ba ang panloloko. Kaya mo ba syang saktan ng buong buo. Mawala lng yung nararamdaman niya sayo. Isipin **** mabuti yung gagawin. Hindi ba sya masasaktan pag ika'y aamin? Malungkot, luluha sya ng di inaakala Tingin mo ba ang gagawin mo ay tama? Kung ikaw ay aking tatanungin. Kakayanin mo bang magmahal ng iba ng palihim? Hindi ba sya magagalit pag sya'y iyong paglaruan? Yung tipong nahuhubog kayo sa kasiyahan. Pero yung totoo, katotohanan ba yan? Hanggang tawa na lng ba kayo Wala na lng ba talagang mangbabago ? Subukan **** sabihin yung totoo. Baka maraming masusubukang bago
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 4:58 AM UTC
❝Kalituhan❞
I. Pangalawang pagkakataon? Karapat-dapat ka pa ba para doon? Matapos **** saktan ang damdamin. Ganun-ganun nalang ba ‘yun? II. Hindi mo alam ang dinanas kong hirap, Habang ikaw, hayun at nagpapasarap. Ang hirap mabuhay ng wala ka, Dahil sanay na akong nasa tabi kita. III. Pero pinilit kong tumayo para mabuhay! Sinanay ko ang sarili na wala ka, At lahat ng pagkalimot nagawa na. Pero ang sugat sa puso'y naghihilom pa. IV. Matapos ang isang taon, Landas natin ay muling nagkita. Akala ko lahat ng ala-ala'y wala na. Akala ko nakaraos na ako sa sakit, hindi pa pala. V. Iiwasan sana kita kaso braso mo'y ibinuka, Para tayong nagpapatintero sa kalsada. Pagkat humihingi ka ng sandali, Para makapag-usap tayong maigi. VI. Pumayag ako, Kahit alam kong masasaktan lang ako. Kahit alam kong 'di pa kaya ng puso ko. Pumayag ako! VII. Bakas sa mukha mo ang pagkatuwa! Dahil sa wakas masasabi mo na, Kung bakit ka nalang nangiwan bigla. Aaminin ko, ako rin ay nakaramdam ng kaunting tuwa. VIII. Pero hindi ko yun ipinahalata, Sapagkat, kung iyon ay iyong makikita, Marahil ika'y umasa na pinatawad na kita. Mali! Maling mali! IX. Napa-usog ka bahagya at nagbuntong hininga pa. Napahawak ka saking braso, tumingin sa aking mga mata. Sinabi mo lahat ng dahilan kong bakit ako iniwan, Ako ay naliwanagan sa iyong mga tinuran. X. Humihingi ka ng pangalawang pagkakataon, Pero hindi ko yun ganun-ganun. Tugon ko'y: “Aking pag-iisipan” at umalis na lamang. Hinabol mo ako’t sinabing: “Mahal kita 'di kita kinalimutan.” XI. Hindi ako sumagot at sa paglalakad diretso lamang. Pero alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita. Alas dose na at diwa ko’y gising pa, Dahil sa aking naaalala ang ating muling pagkikita. XII. Napag-isip-isip kung dapat pa bang pagbigyan kita. Kahit na alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita, Nagdadalawang isip pa rin ako baka masaktan na naman ulit ako. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. XIV. Dumaan ang dalawang linggo, At sinipat mo na ako sa bahay ko. Halatang nasasabik ka na sa isasagot ko. Niyakap kita ng mahigpit sumigaw ng “Oo!” XV. Sa una'y nagtataka ka pa sa kinilos ko, At hanggang sa unti-unti kang nangiti. Dahil naliwagan na ang loko. Matagal ko ng pinag-isipan 'to at “Oo” ang sagot ko. XVI. At dahil mahal pa kita, hindi ko na natiis pa, Hindi sapat ang mga daliri ko kung gaano ko, Lubos na pinag-isipan ang isasagot ko sa'yo. At magmamahalan tayo muli, sa pangalawang pagkakataon.
0
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 1:01 PM UTC
Pangalawang Pagkakataon

75
Anak kumusta na ang Dodoy ko diyan sa syudad, Masaya ka ba diyan , ha? Kami ng itay mo at ng mga kapatid mo dito ay ayos naman. Natanggap ko nga pala yung sulat mo nakaraang lingo alam kong mahirap mabuhay at mag-aral dyan sa syudad anak, pagbutihan mulang at mairaraos ka rin namin. At yung itay mo hindi na umiinum ng alak at di na naglalasing, meron na rin siyang tatlong-daang katao na under sa kanya. Sa sobrang busy niya nga sa trabahao, hindi niya na nga masabi mensahe niya para sayo ngayon, nasa trabaho kase siya naglilinis at nagdadamo sa sementeryo. Nanganak na nga pala ate mo kaso di pa namin nakikita ang yung bata, di pa tuloy naming alam kung tito kana o tita, kaya dodoy tulungan mo kaming magdasal nasana maging tita ka para di matigas ang ulo ng bata at di magmana sa kuya mo. Nandoon sa bundok nagtatraining sa Army, eh nakapagtataka may mga baril wala namang uniporme. Okey naman ang lagay ng panahon dito sa atin, dalawang beses lang umulan ngayong lingo. Noong una tatlong araw tas nung sumunod apat na araw naman. Ang itay mo okey lang din, naalala mo na yung sinabi ng doktor na mabubulag na daw siya buti nalang pumunta kami sa albularyo nakaraang lingo at pinigaan siya nang binendisyonang kalamansi, ipapatak daw yun sa mata ng itay mo at gagaling na daw ang katarata niya sa makalawa. Anak wag ka magalala sinusulat ko to nang dahan-dahan, alam ko naming di ka mabilis bumasa. P.S. Maglalagay sana ako ng pera sa sobre kaso nalawayan ko na anak, di bale sa sususnod na buwan nalang ako magpapadala ng pera sa iyo anak, magaral ka ng mabuti!
0
Jan 28, 2015
Jan 28, 2015 at 1:42 AM UTC
Sulat Mula Kay Inay Galing Bukid

10
Aking inaninag Itong bughaw na kalangitan Hindi nga ba Parang kailan lamang Nang ako’y kanyang tinalikuran? Napako ang pangako Na ako’y pangangalagaan Luha niya’y umabot Di lamang sa’king talampakan Nalasap ko ito Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo Ngayong timplang kape Mula sa mga mata nitong Tila ba kaytayog. Tinangay kami ng malakas na alon Kami’y nagpatangay na lamang Wala akong alam Kundi and makipaglaro Ng tagu-taguan Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan Sakay kami ng pridyeder, Ako at aking ulirang mga kapatid Puno ng pighati’t pangamba Sa uulitin, Ito na lamang ang magagawa ko. Sabi nila, tutulungan nila kami Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa Kanino nga ba kami magtitiwala? Kung mismong kalam nga ng sikmura’y Di na mainda? Wala na akong mailuluha pa Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan Wala na ngang pag-asa Wala man lang naiwan sa amin Sana kasama nalang kami Sa mga buhay na nalantang Parang bula Tulad nila Itay at Inay Di sana’y masaya kami Sa kalangitan. Pumikit ako, Habang mahimbing ang paghikbi Ng aking mga kapatid Sana nga may buhay pa. Sinagip nyo kami, Noong una, nagalit pa ako Ayoko sana Kaso wala na rin kaming magawa Sasama na kami Kasama kami sa pagbangon Oo, ngayon ako na’y magtitiwala At ipapasa-Diyos na ang lahat Siya na ang bahala. (11/17/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
Pridyider
Nagalit ako sa’yo kasi feeling ko nabigo ako Naghangad lang naman ako ng ikabubuti mo ... Pero choice mo kasi yun kaya wala akong magagawa Kahit pinagpipilitan kong choice ko ang tama ... Ang dami ko rin namang pangugumbinsing ginawa Kaso wala naman akong napala Pabalik na ko, papunta ka palang Pero hindi naman lagi yang makatotohanan Lalo na kung iba yung gusto **** daanan Pero alam mo natutunan ko? Wag ipilit sa iba ang ayaw nila Sa huli kasi pag ginawa ko, Ako lang ang masasaktan ng todo Kaya sige, gamitin mo ang panahon Para hanapin ano ang gusto **** gawin Maging Malaya ka sa pagpili ng daan Wag magpadala sa gusto ng karamihan Wag kang mag-alala napatawad na kita Kita mo nag-uusap na tayo, di ba? Namimiss na nga kita, eh. Pag uuwi ako ng weekday, wala ka. Galingan mo sa trabaho Hindi yan madali, pero sana kayanin mo. Matagal ko ng gustong sulatan ka, Iparating sayo ang nadarama Kaya sana kahit papaano Gumaang ang pakiramdam mo. Na malaman ang nararamdaman ko ... Sa pamamagitan ng liham na ito
0
Nov 30, 2015
Nov 30, 2015 at 12:15 AM UTC
Namimiss ka na ni ate
I. Noong makita ko s'ya parang tumigil ang mundo ko. Tila parang lahat ng bagay nag-slow mo. Anong pakiramdam ‘to? Ba’t parang ang bigat ng katawan ko? II. 'Di ko mapigilan napangiti nalang, Teka sino ba 'to? Sino ba ang magandang nilalang na 'to? At parang na-love at first sight yata 'ko? III. Ba’t kapag nariyan s'ya biglang 'kong naduduwag. At kapag ngumingiti s'ya'y katawan ko'y nabubulwag. Ganoon ba talaga ang epek n'ya sa akin? 'Pag s'ya'y nakikita tila parang aatakihin? IV. Gusto ko s'yang lapitan pero 'di ko magawa. Gusto kong magpakilala pero nauudlot bigla. Nakakainis din ang mga kaibigan n'yang parang utot. Biglang nalang sulpot ng sulpot. V. Nang ako ay pauwi siya ay nakasabay, Gusto ko sanang tabihan kaso baka sumablay. Nauunahan ng takot at kaba. Baka kasi gusto n'ya lang kasi mapag-isa. VI. Walang mangyayari kung maduduwag ako Kailangan ko labanan ang takot at kaba na ito Nang ako ay palapit na biglang may umakbay sa kanya At 'di pa nakuntento humalik pa sa pisnge n'ya. VII. “'Di pwede 'to!” ang sigaw ko sa sarili ko. Pero walang nagawa at tumalikod nalang ako. Magdamag nag-mukmok sa madilim na kwarto. Pinagsisihan ang pagiging torpe ko.
0
Jun 21, 2015
Jun 21, 2015 at 9:29 PM UTC
Torpe
Mahal ko ang Filipino, pagdiriwa’y walang plano Malaking palaisipan pag-alala ng gobyerno Samantalang ‘di naisip prayoridad wala rito, Pagpapayaman sa Ingles hindi na magkandatuto. Paggunita anong saysay, pagsasabuhay sa wikà Makakapagpamulat ba lalo na sa mag-aaral; Pagsambit sa mga ito maging sa mga parangal, Ito ba’y nakagugulat isang buwang itinakdà. Totoo namang ginamit sa pakipagtalastasan Filipino’y instrumento sadyang hindi matumbasan; Kahit na karamihan pa napagkakamalang Kanô Pakikinig sa istasyong bumibilib na napunô. Ang tanong sa puntong ito, napapayaman ba kayâ? Sa mga naging konteksto, ang masa ba’y nakukutyâ? Sa mga nakakarinig, nahalua’y kabaduyan Maging mga komentaryo, kalaswaa’y kinantsawan. Kung bastos ang naging dating, anong magiging termino? Ang mga dapat ilimbag sa papel ng mga dyaryo; Sa pagbibigay ng aliw,ito’y pulos kababawan Inisip ng mamamayan, may ganitong katangian. Kapuri-puri ang iba, may mahahalgang paksà Ito’y kinakikitaan na may seryosong diskurso; Sa kabilang banda pala, ito’y nawalan ng bisà, Tulog na ‘pag pinalabas, ito’y kadalasang kaso. Paano papaunlarin kung iba’y pinagpilitan Tunay na nakalulungkot ito’y naging panambitan; Sa halip pa ngang gamitin bilang makatwirang midyum, Sa mga usap-usapan, maging sa mga simposyum. Ang pagpapaunlad nito ay hindi sa balarila Hanggang sa pag-uunawa pati ng ortograpiya; Kinailangang mawala ang mga maling pananaw, Ito’y nangangahulugang pagkilatis ‘di papanaw. Ang natanging lingua franca nagbibigay identidad Sambayanang sumasambit pagka- Pinoy lumalantad; Sa bansa’y nagbigay-linaw, paggamit ng isang wikà, Kaysa sa salitang- dayo, nagturan ng hakahakà. Oo, Agosto na naman, dapat pa bang magkamayan? Wika nati’y maging ilaw siyang magsisilbing lakas, Juan, gumising ka naman, kamtan mo’y tuwid na landas; Kung hindi tayo kikilos, mayroong paglalamayan.
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:26 AM UTC
“Tinig ng Nagdarahop 2” Ni P.T. Simon

40
Wala na akong ibang gusto,
 Kundi ang muli kang kumatok sa pintuan ko,
 Kapag nakita ko ang maamong mukha mo,
 Pwede na akong mamatay dahil sa sayang nadarama ko. Noong inusal mo ang iyong huling paalam,
 Namatay ako, ang sakit ay hindi maparam,
 Sa tuwing ako'y humihiga,
 Unan ko'y laging basa dahil sa mga luha. Kung minahal mo ako,
 Bakit iniwan mo ako,
 Hindi ba sapat ang nadarama mo, 
Ganoon na lang ba kadaling itapon ang lahat ng ito? Dahil sa'yo nagawa ko ang mga bagay,
 Na hindi ko alam kaya’t ayaw kong sayo'y mawalay, 
Binago ako ng pagmamahal ko para sa'yo,
 Pero bakit ganon, pinili mo pa ring iwan ako? Minahal mo ako, ang kaso lang may pero,
 Pero hindi na ngayon, pero hindi na pwede,
 Pero ayoko na, pero hindi na ako masaya, Pero pagod na ako, pero suko na ako. Ang dami **** pero, ang dami ko namang sana,
 Sana ako pa rin, sana pwede pa,
 Sana gusto mo pa, sana masaya ka pa, 
Sana hindi ka napagod, sana hindi ka sumuko. Sana isang araw magkapalit tayo,
 Ikaw yung may sana, ako yung may pero,
 Iyong tipong gusto mo tapos ayaw ko,
 Katulad ng mga linyang ito, “Mahal kita, sana pwede pa,
 Sana ako pa rin, sana tayo na lang ulit.”
 Tapos sasagot ako nang,
 "Pwede pa sana, pero huli na, nawala na yung pag-asa ko na magiging tayo pa.”
0
Apr 16, 2016
Apr 16, 2016 at 9:56 PM UTC
Ika-1 ng Setyembre
Hindi mo siguro alam, pero matagal na akong nagagandahan sa iyo. Hindi mo siguro alam, pero noong nagko-code ako, lagi akong umaasa na ikaw ang titingin sa gawa ko. Hindi ko gusto pumorma. Gusto ko lang ipakita na tama ang aking gawa kasi iniisip ko na kapag wala akong mali matutuwa at magpapaunlak ka ng pagkatamis **** ngiti (yihee). Kaso hindi ko alam kung bakit, pero lagi ka na lang may nakikitang putik. Kahit ilang lampaso ng tingin ang ginawa ko sa code ko bago ko ipasa sa iyo, may maisusulat ka pa rin na mali! Anong klaseng mata ba ang mayroon ka? Gusto ko magpakitang-gilas pero lagi mo akong natatabla. “Labag sa standards ang code mo”, “magdagdag ka pa ng test scenario” kulang na lang yata ay sabihin mo sa akin “sino ba ang nagturo sa iyo?” May mga pagkakataon na gusto ko nang umuwi. Pinapackage ko na ang mga code dahil ang lalim na ng gabi. Kaso may makikita ka sa testing, “hmm, parang may mali” Babagsak na lang ang balikat ko, sabay sabi, “ano?! uli?!” Siyempre, may magagawa pa ba ako kapag binanatan mo na ako ng ganito: “pasensya na, pero abswelto sana tayo “kung hindi ko lang sana napansin ang maling ito”. WOW. EH, ‘DI. OKAY. Pero hindi ko magawang magalit sa iyo. Kasi alam ko gusto mo lang ay halos perpekto. Ginagawa mo lang ang trabaho mo. Pero utang na loob, pwede bang bukas na natin tapusin ito? Ngayon, magsasampung taon na ako. Matagal ka nang lumisan, pero ako pa rin ay nandito. Naiintindihan ko na kung bakit sa trabaho nating ito, kailangan matalim ang mga mata mo. Dahil sa bandang huli.. Ang batik sa isang dahon, ay batik sa buong puno.
0
Feb 9, 2016
Feb 9, 2016 at 7:57 AM UTC
Na-Code Review ka Ngunit Kulang

38
Ikaw si "Ligaya" pero lungkot ang iyong dala Ikaw yung nagpapatunay na hindi lahat ng nakangiti masaya ikaw yung dating nagbibigay sigla kaso unti untiang nabura. Yung imahe mo na dating buo na palitan ng mga linya na sobrang gulo Di ko tuloy alam kung ikaw si ligaya o si lungkot sinamahan mo kong umakyat pero iniwan mo pag dating sa tuktok. Kumapit sa bisyo at doon nalugmok. napaaway, nag maoy, at doon nasuntok. Nasuntok ng katotohanan na wala kana at yung ligaya ni "Ligaya" ay nahanap sa iba Pero maligaya ako na maligaya kana kahit yung sarili kong ligayay mawawala na. sa dinamidami ng ligaya sa tulang to kabaligtaran ang nadarama ko. kasi nga ikaw si Ligaya pero lungkot ang dala mo.
0
Oct 23, 2016
Oct 23, 2016 at 11:48 PM UTC
Ang tula para kay Ligaya
Pinakikinggan lang kita kapag nagkikwento ka Ayaw kong iniistorbo ka kasi nakikita kong masaya ka Pero sa bawat bigkas mo ng mga binuong mga letra, sa'kin iba ang tama Lalo na't iba ang dating ng bawat salita. Masaya ka at nakangiti, Ang sarap **** ipinta. Yung mga ngiti na dati'y sa'kin nagmumula, Sa iba mo na ngayon nakukuha. Yung lambingan natin... sa iba mo na nanagawa. Yung init na kailangan mo pag maulan... naibibigay na ng iba. Gusto ko sanang malimos ng pansin, Buti nalang napakwento ka... Buti nalang may silbi pa akong natira. Di mo lang kasi ata pansin Pero nasasaktan rin ako Nagseselos rin ako... Nagseselos ako. Buti pa siya napupuri mo Buti pa siya pinapansin mo Buti pa siya naipagmamayabang mo Buti pa siya. Pero ayos lang Sino ba naman ako? Ako lang naman to, Yung sinasabi **** mahal mo at ako na nagmamahal sayo... Kaso ako rin ata yung unti-unting kinakalimutan mo. Wala naman akong magagawa kung sabihin **** ayaw mo na. Kung itutulak mo ko palayo Kung pipilitin mo kong lumayo. Dahil oo tahimik lang ako. Pero mahal, nasasaktan ako.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 10:59 AM UTC
Tahimik lang ako
GABI (Night) Ayan nanaman si araw, iniwan nanaman niya ako. Tinapos nanaman niya ang maghapon sa paglubog. Tinanggal nanaman niya ang liwanag sa paligid ko. At iniwan nanaman niya akong nakatanaw sa malayo, sa tabi ng bintana, minamasdan ang pagpasok ng dilim, hinahanap ang buwan at mga bituin. Ang tanawing ito ang nagpapa-alala sa akin na “There is always light, even in the darkest times”. Kasabay ng pagpasok ng dilim ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Nasaan si Paulo? ang tanong ko sa sarili ko. Hinahanap ko nanaman siya, sa tuwing sasapit ang ganitong oras. Kailan ko kaya siya ulit makikita? Kailan kaya kami ulit magkakasama? Lumipas nanaman ang isang maghapon na hindi ko nasilayan si Paulo. Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin, kasabay pa rin ang mga munting luha na patuloy lang sa pagpatak habang iginuguhit ko ang kanyang mukha sa aking isipan, habang ninanais ko na mahawakan ang kanyang kamay sa sandaling iyun. Nangiti na sana ako, kaso pagdilat ko, ako lang pala mag-isa ang nandito, at kathang isip ko lang ang lahat. Napabuntong hininga ako ng napakalalim, at sa paglabas ko ng hangin sa aking katawan naisipan ko nalang na pumikit ulit at manalangin. “Ama, kung anuman po ang Inyong ginawang plano sa amin ay Siya pong masusunod at malugod ko pong tinatanggap. Alam ko po na may magandang dahilan ang lahat ng nangyayari sa amin na ayon sa Inyong kagustuhan. Ang dasal ko lang po ay Nawa sana tulungan Ninyo kaming makita at malaman ang dahilan ng lahat ng ito. Bigyan Ninyo kami ng lakas ng loob at sapat na pananampalataya upang kumapit pa, huwag sumuko at hawak kamay na harapin ang pagsubok na ito. Hayaan Nyo po kaming patuloy na manalangin, gawing sandalan ang isa’t-isa, at gawin Kayong sentro ng aming pagmamahalan sa kabila ng lahat. Amen. ” At tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata sa pagtulog, nagbabakasakaling kahit sa panaginip man lang ay mahagkan ko siya at makasama.
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 8:27 PM UTC
Nasaan si Paulo? (Part I)

52
031717 Kanina, binibigyan kita Kaso ayaw mo kunin "Ang mahal naman," bulong mo "Manghihingi na lang ako mamaya" Nagtataka Ako sayo Kasi mahilig ka sa mamaya Pero alam ko, dyan sa "mamaya" mo Kakailangan mo rin ako. Umalis ka na At nanatili Akong nakatiwangwang Ahy oo nga pala, Dinaanan Ako ng kaibigan mo "Ang mahal, pero kailangan ko eh" sambit niya At inakap niya Ako At nagbigay siya. Nahuli ka sa klase Kasi sumama ka sa iba Nakalimutan mo ba? Exam ngayon diba? Magkatabi kayo ng kaibigan mo, At nakita Mo Ako kasama siya "Uyy, pahingi," bulong mo sabay turo sa  Akin "O, sa susunod bawal na manghingi ah" Wika niyang hindi nagdaramot. Tinitigan mo Ako Doon mo pinakilala ang yong sarili Narinig mo ang mga tanong At sa Akin mo ibinahagi ang lahat Sana ganito na lang tayo palagi. "Hindi ko to alam," nabasa Ko sa isip mo Napuno ka ng kaba kasi baka bumagsak ka Pero di ka nag-atubileng isuko sa Akin ang lahat. Bago pa man malaman ng iba'y Ako na ang unang nakaalam Ng mga sagot mo sa kanilang Nagpuno ng tanong sayong isipan. Kinabukasan ang araw ng muli nating pagkikita Alam kong kabado ka Pero naghanda ka pa rin. **Dahan-dahan **** inihatid ang iyong sarili** Sa harapan kung saan naging saksi ang lahat Hindi mo pa ako magawang tingnan Pumikit ka at nanalangin At sayong pagdilat Sayong pagtitig, ramdam ko ang iyong galak "Yes!" sigaw mo at doon ang unang yakap.
0
Mar 16, 2017
Mar 16, 2017 at 11:06 PM UTC
Ako, Ikaw at ang Unang Yakap (Papel sa Buhay Mo)
Kamusta ka na? Sana masaya ka na sa piling niya. Sana inaalagaan ka rin niya maigi gaya ng ginawa ko sa'yo. Tinitext ka rin kaya niya ng good morning sa t'wing paggising mo o goodnight at I love you sa pagtulog? Kinakantahan ng paborito **** love song? O kaya dinadalan ng paborito **** pagkain? Sana okay ka lang, miss na kita. Namimiss mo rin kaya ako? O naaalala man lang sa masasayang parte ng buhay mo? Kasi ako oo, sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ko, ikaw yung naiisip ko, na sana kasama kita sa mga bagay na katulad nito. Hanggang ngayon nakakapit parin ako sa mga pangako mo. Di ko maintindihan kung bakit. Sobra na'kong nasasaktan sa mga ginagawa ko, pero gusto ko naman to eh, basta para sa'yo. Minsan nga naiisip ko kung magiging katulad ulit tayo ng dati. Yung mahal mo ko at mahal din kita. Pero parang malabo na eh, kasi masaya ka na sa kanya. Alam mo mahal parin kita, mahal na mahal. Kung may isa pa tayong chance, ikaw parin yung pipiliin kong sarap kahit sobrang sakit. Ganon naman sa pag-ibig diba, masakit, masaya, masarap, lahat yata ng emosyon mararamdaman mo. Pinilit ko namang makalimutan ka eh, kaso sa bawat taong dumadating sa buhay ko ikaw parin talaga yung hinahanap ko. Sobra mo kong napasaya. Tinuruan mo kong magmahal ng tama kaya siguro hanggang ngayon ikaw parin yung mahal ko kasi sa piling mo lahat ng bagay nagiging tama.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 2:51 AM UTC
' Letter ng taong hindi maka move on '
Sarap ng mga ala-ala nating dalawa dati oh. Puyat magdamagan, nagtetext at halong kulitan. Sobrang sweet natin grabe, halos paggising sa may goodmorning agad at kiss emoticon pa Di nga maipinta ang mga ngiti sa ating mukha kada umaga kahit pagbangon natin halos tanghalian na. Pero bakit ganoon? Ano bang nangyari? Nagkasawaan ba? Oo nga hindi tayo pero pakiramdam ko iniwan mo ko. Madaling araw nanaman panigurado puyat nanaman. Katulad ng nakaraan paniguradong mukha nanamang lutang. Apat na oras ang tulog, pagkagising handa ulit para matulog. Pero dahil ayon nga umaasa, pinilit magising para di mahulog sa kapit ng kama. Umagang-umaga, umaasang sana reply mo kagabi ang una kong mababasa. Hawak ang telepono pero nanatiling sawi dahil walang mesaheng dumating at nakita. Pikit-mata dahil napapaisip bakit nga ba di mo pa rin pansin. Kulang ba ang emoji at mga puso sa bawat mensahe ko kaya di mo kayang kiligin? Mayroon bang ibang mas magaling pumuri sa iyong ganda kesa sa akin? O sadya lang talagang mas gusto mo siyang kasama kumpara sa akin? Ayos lang naman talaga sa akin kung sasabihin **** niminsan di mo ko nagustuhan. Kaso hindi eh, pinaghintay mo ko ng kaytagal at pinaasang pasado sa lahat ng 'yong basehan. Bagsak na nga eskwela dahil pangalan mo ang sagot sa bawat patlang na sigutan ko. Tapos pagdating sayo bagsak pa rin ako kasi di ko makuha-kuha ang sagot galing sayo. At ngayon nabago na ang ikot ng mundo ko, pakabila, pasalungat at malabong magtagpo ulit tayo. Pasalamat na nga lang kay Bathala dahil hinayaan niyang magkakilala tayo. Halos hirap pa ring paniwalaan, na sa isang pitik ng mga daliri nawala na ang lahat. Masasayang ala-ala na akala ko panghabang-buhay na, kaso lahat nawala at laglahong parang bula. Tigas kamao at suntok sa buwan ang tiyansang maibalik lahat ng nasa nakaraan. Siguradong matinding panalangin ang kailangan para ibalik ni Bathala ang ikot ng orasan. Mabuti nalang talaga'y unti-unti ko nang natatanggap ang lahat ng mga nangyari ay tapos na. Konting tulog pa ng maaga mababawi ko na lahat ng nasayang na umaga. Sa susunod matutulog na ako bago mag alas nuwebe para makompleto na ang tulog at di lutang tuwing umaga. Ang tagal ko rin tong pinagsisihan na sana tinulog ko nalang yung mga panahong pinagpuyatan kita
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:12 AM UTC
Sana tinulog ko nalang yung mga gabing pinagpuyatan kita

28