Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Dec 2018
Ang maputing blusa ay nakakasilaw
Dating mag-aaral sa paaralan
ngayon reyna na ng kanyang natupad na pangarap
Lumaki na ang agwat ng katayuan
Distansiya na di malagpasan

Subukan bang habulin
Kung gaano kalaki ang kagustuhan
ganun din ang siyang kabiguan
Sa lagaslaw ng tubig sa alon
Ang payak na pamumuhay sa gitna ng daluyong

Sa araw ng mga  puso ay walang aaminin
Ang pag-irog ay hindi mabubunyag
Karugtong ng kwento ay maging nalilingid na alamat
Iniukol sa kanya ang kalatas

Suungin ang daloy ng ilog
Pilansik sa balat ay parang asido sa dugo na tinutunaw ang puso
Sa lalim ay malulunod, sa babaw ay ang hininga malalagot

Suwail sa kalangitan
Kung ito'y nakatadhana at ang mga yapak ay nabilang
Sana'y maunawaan ang inaasal
Sampung hakbang ang layo sa kanyang likuran
Buggoals Aug 2015
Sa unang araw ng skwela, ika'y aking nakita.
"Hi, Hello", ni hindi nga makapagsalita.
Ikaw sana'y lalapitan, ngunit hakbang ay iyong nilakihan.
Sadyang ganun na lang ba talaga kalaki ang ating pagitan?


Sa hagdan ako ay umupo.
Bigla kong naalala nung una tayong nagtagpo.
Kumaway ka't sabi mo'y "Hi".
Ngayon ay sa hangin ako'y napabulong ng "Good bye."


Sa hagdan sana'y muling magtagpo.
Nang sa ganon ay muling magbalik.
Ang pagtingin na sayo'y nananabik.
Ngunit, hanggang dito na lang ako.
Hanggang sa aking muling pag upo.
Edgel Escomen Nov 2017
Matagal ko na gusto itong sabihin sa iyo
Ang pag-ibig katulad ng ihip ng hangin ay nagbabago
Sa magulong mundong makikita saan mang dako
Iisa lamang ang pag-ibig na totoo.

Bangon kaibigan sa iyong kinasasadlakan
Tunay na pag-ibig na ito ay walang hangganan
Ito ang tagapagsilbing gabay sa iyong buhay
Ng makamit mo ang saya na tunay at walang humpay.

Kaibigan sa iyong paglalakbay sino ba ang gumagabay?
Masalimuot na mundo, marami ang patunay
Marami ang temptasyon sa atin ang sumasabay
Kailangan ang Panginoon ang pag-ibig Niyang alay.

Minsan ba sa iyong buhay problemay napakalaki?
Lahat ng solusyong naisip puro walang silbi
Subukan **** bilangin ang biyayang pinagkaloob
Ng Diyos Ama sa Langit na Siyang may handog.

Kaya kung inaakala mo ang buhay mo ay patapon
Wala ng silbi, wala ng pag-asang maiahon
Mayroon isang Diyos sa atin naroon
Kumakalinga sa Iyo sa lahat ng panahon.

Matapos ang araw na ito sana maintindihan mo
Kung gaano kalaki ang biyayang nasa sa iyo
Tanggapin lamang ito ng bukal at buong puso
Ang bukal ng buhay ay tanging kay Kristo.
sana maisip mo ang laman nito

— The End —