Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kagwapuhan" poems
Sayang, Magaling ka sana Kaya lang Wala kang itsura. Di ka kamangha-mangha tingnan sa unang tingin, Di ka nabiyayaan ng kagwapuhan, Di ka ka rin gaanong katangkad, Ang buhok mo'y gulo-gulo na para ka laging galing sa suntukan, Ang mga ngipin mo'y 'di pantay-pantay, Ang kamay mo'y kasing gaspang ng mga bato, Ang payat mo na halos kita na ang iyong mga buto, at mga ugat sa katawan mo na bakat na sa'yong balat at nagpupumilit lumabas sa katawan **** tila bang nanglalamya na sa buhay. Ang kulay ng iyong balat na sinunog ng araw dahil pinili **** maglaro sa labas habang tanghaling tapat. Huhusgahan kita, Huhusgahan kita kahit hindi kita kilala Kasi 'eto ang sinabi ng kaibigan ko, Eto ang sinabi ng mundo, Pagkat di ka libro na dapat basahin at intindihin Tao ka, Tao kang may balat at katawan na pwede kong pagdiskitahan. Magaling ka sana Kaya lang 'Di ka sapat 'Di ka sapat para paghangaan ng tao 'Di ka sapat para sa malupit na mundong 'to 'Di ka sapat sa kanya. Sayang, Mahal ka na din sana niya, kaya lang, ganyan ka lang kaibigan ka lang niya. Kaya diyan ka lang sa baba, Ibaon mo ang sarili mo kabilang ang panghihinayang Kasi kahit kailan man, 'Di ka magiging sapat. Sa mundo at sa kanya.
0
Jul 31, 2016
Jul 31, 2016 at 10:58 AM UTC
Panghihinayang
Ngayong araw ako'y siyang naatasan Na ipakilala ang ating kaybigan Mahirap sabihin, ang inyo nang alam Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan Sikat sadya itong ating kaibigan Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan" Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan Talino at t’yaga ang kanyang puhunan Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan Sya'y taong tunay ang angking kabaitan Na dama ng tao, hayop at halaman Sa dami ng kanyang lathalaing-agham Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan Palaka, butiki, ahas at butaan Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan Lumaki't lumawak ating kaalaman Kung kaya't umani laksang karangalan Alam kong sa bawat uri ng palaka O ibang buhay na sa mundo'y mawala Kasama natin s’yang lungkot na luluha Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa Dedikasyon niya ay dapat tularan Ipakilala s’ya'y isang karangalan Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
0
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
Pagpapakilala Kay Doc Arvin
Oo torpe ako kasi hindi ako kagwapuhan at hindi rin ako mayaman Hindi rin ako yung tipo **** lalake Ako yung taong simple lang, konti lang ang kaibigan, hindi famous Nahihiya akong lumapit, nahihiya kasi ako sa mga kaibigan mo Kasi sa sobra **** ganda tapos ako hindi naman kagwapuhan pero hindi naman sobrang panget Sakto lang pero sobra sobra ako magmahal pero nakukuha pa rin akong saktan Kasi ako yung tipo ng tao na once na mag kagusto gagawa at gagawa ako ng paraan upang mapa sa akin Kahit na mahiyain gagawa at gagawa ako ng paraan para mapansin mo Kasi kaming mga torpe sa pang aasar kami dumidiskarte Kahit minsan napaka mais ng jokes namin pero nakukuha pa rin namin kayong pangitiin Pero once na maging tayo Hindi hindi kita papakawalan hindi agad agad kita isusuko Kahit anong mangyari hindi tayo masisira Na kahit anong pagsubok ang dumaan hindi tayo bibigay Alam mo naman na mahal na mahal kita Iiwan ko ang pagkamahiyain ko para sayo Kami yung minsan ka lang kiligin Mahilig sa biglaan Sa mga suprise Yung basta basta ka na lang kikiligin Kami yung laging dahilan ng ngiti niyo kapag kausap niyo kami Hanggang sa matapos ang relasyon natin Hindi kita hahayaang umiyak
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 10:44 AM UTC
Torpe