Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Alyssa Gilera Feb 2019
Makulimlim na umaga
Sa pasilyong aking kinatatayuan
Bigla akong natigilan
At ika'y aking pinagmasdan

Sa iyong kaastigan
Sya namang amo ng iyong kagandahan
Sa iyong pagdaan
Kasiyahan na dulot ang aking nararamdaman

Umaasa ako'ng nawa'y mapansin mo
Kahit ang laman ng puso mo ay 'di ako
Nabighani mo ng iyong kainosentehan
Ang pusong palaging natatanggihan

Ngiting Maria Clara
Sagot ng iyong labi
Kahit 'di tayo magkapareho ng lahi
Ikaw parin ang aking minimithi

Simpleng tugon ko na ako'y mapansin mo
Pero ang laman ng puso mo ay hindi ako
Kaya sana'y malaman mo
Na kahit di mo ako gusto
Ikaw parin ang hinahanap hanap ko

Mayroon sana akong sasabihin sa'yo
Huwag na huwag mo sanang mamasamain ito
Ipangakong di ka magbabago
Sa ipagtatapat na nadarama ko

Ako'y umiibig at di na kaya ng dibdib
Araw-gabi'y naiisip
Kung tama ba ito o mali
Kung itatago ba ito sa minamahal ko o hindi

Ako man sa iyo'y may lihim na pagtingin
Akin di'y tinatago baka sa aki'y lumayo ka rin
Ngayong alam ko na ako'y itinatanggi mo rin
Asahan mo na habang buhay kitang iibigin
ano nga ba ang iyong dulot
sa buhay kong unti-unting nalulukot
tunay bang naiibsan mo ang lungkot
at sa tuwing binabalot ng takot?

nais kong malaman ang rason kung bakit ka binabalik-balikan
sa tuyo't na mga labi parati kang nariyan
saad ko'y anong lasa nyan? tugon mo ay wag mo nang subukan'
kapalit nito ay kinabukasan na hindi mo batid kung muli mo pang masisilayan

tila dito ako dinala ng pagiging ma-usisa
karamihan pala ay dito nakakapag-isip ng malaya
kung paano mare-resulba ang mga pangyayaring di kaaya-aya
gayunpaman handa sa bawat gera at paulit-ulit na hinaharap ang panibago na umaga

simula noon' ay nagsilbi kanang sandalan sa laban na dumaraan
alam **** iisipin ng iba para lang ang kaastigan mo'y maragdagan
ano pa nga bang aasahan sa mundong madali kang mahusgahan
kahit di nila alam ang lubos na kadahilanan
pustahan pa tayong magpupustahan pa yan, kung bakit ka nagkaganyan

ngunit hindi na para isipin ang iisipin ng iba
marahil dyan ka dinala ng iyong mga dinadala
mabigat ba? ika'y magpahinga
ilagay sa pagitan ng labi ang mabisang pangkontra
at gawin **** upos ang di maubos na problema
01/27/23

— The End —