"kaalaman" poems
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation)
Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka,
Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik.
At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka,
Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan.
At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka,
Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap
Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan.
Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus.
‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok.
Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga,
Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa.
Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili.
Binabayo ka niya upang mahubdan
Ginigiling hanggang sa kuminis.
Minamasa hanggang sa lumambot
At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon.
Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay.
Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig,
Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan,
Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi
lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha.
Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya.
Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ;
Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig.
Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.”
At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas.
Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili.
Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin:
Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi.
Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga.
Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig;
At masaktan ng kusang-loob at may ligaya.
Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig;
Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig;
Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat;
At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 8:04 PM UTC
Sa loob ng sampung buwan
marami mang pagsubok ang pinagdaanan
nguni wala pa ring atrasan
marami na rin ang pinagsamahan
at naging magkakaibigan.
Isang grupo ng kabataan,
na nagkaroon ng isang magangdang samahan.
Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya:
kaya nila itong pagtagumpayan.
Isang grupo ng kabataan
na kung minsan ay may alitan
pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan
at tuloy na ulit ang kasiyahan.
Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay
isang **** ang na aming tagapatnubay
na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay.
**** na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay.
Bb. Maritess Palac ang kanyang pangalan.
Kahit kailan ay hindi mo malilimutan.
Salamat sa iyo aming **** na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga estudyante mo.
Salamat po sa inyo mahal naming ****
Salamat mo sa iyo mahal naming **** ng dahil sa inyo kami ay natuto.
Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa inyo.
Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto.
Salamat sa Diyos kami ay nagkaroon ng isang gurong katulad niyo.
Aug 8, 2015
Aug 8, 2015 at 10:37 AM UTC
Sino ba ang modernong vincentiano?
Ano ba ang kanyang pagkatao?
Nagtatanong sa sarili ko
Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay
Kung anong magawa ko
Dito ba sa munting palad nakahimlay
Ang lahat ng kakayahan ko?
Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman.
Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot”
Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot
Dahil sa disiplina tayo y nililok
Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok
Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang,
Mga mababang tao na ating ginagalang,
Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang
Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan
Ang tanggapin ang katotohanan,
At hangganan ng kakayahan
Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan
Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban
Ng walang hinihintay na kapalit
Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent)
Na sa pagtulong ay di napagod
Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod
Salamat sa Amang nasa itaas
Na nagbibigay ng lakas
Ang lakas na di nauubos
Para sa aming misyon na di pa rito natatapos
Sandata ay ang panalangin
Lakas ng loob at damdamin
Dahil sa Diyos na mahabagin
Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin
Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan
Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan
Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan
Pagkat ating ramdam ang bawat hirap
Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan
Handang makiramay at ibigay ang anuman
Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan
Pagkat sa bawat taong ating natutulongan
gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman
Sino ang gumagawa nito?
Sino ba ang modernong vincentiano?
Isa ba ako sa mga ito?
Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo
Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo
Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:26 AM UTC
Alam kong pagod ka na sa ikot ng iyong mundo
Maging sa iyong taun-taong pagkatalo
Sa isang masikip na lungsod ay mistulang preso
Hindi mo talagang nais na maparito
Anim na taon sa malaking syudad
Umani ng napakaraming kaalaman
Alam mo naman ang iyong mga hangad
Ang pangako lamang ang pinanghahawakan
Nadudurog na tiwala mo sa sarili
Sa iyong isipan, huwag kang paaapi
Tagumpay ay malapit mo nang mawari
Dahil siya ay ang iyong nasa isip at tabi.
Pagasa ay wala sa malayo
Nasa paligid ang mga kaibigan mo
Na magsasabi sa iyo ng totoo
~
Tunay kang nagaantay
Tunay kang magtatagumpay
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 1:10 PM UTC
Sa pag-aaral natin ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan.
Sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng panitikan, mapalalawak at magagawang mahusay ng isang **** ang pagtuturo ng aaignaturang Filipino.
Maaaring maiakma ang iba't ibang istratehiya upang mahikayat nang lubos ang interested ng mga mag-aaral at hawing kawili-wili ang oras nila lalo na sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng tula, kwento, sanaysay, talambuhay, awit, bugtong, salawikain, sawikain, balagtasan at iba pa.
Mahalagang maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga teleseryeng napapanood sa telebisyon na kadalasang pinanonood ng mga kabataan na siyang kapupulutan ng maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao.
Ang panitikan ay laging kasama sa kurikulum ng bawat paaralan bagamat ang bawat rehiyon ay mayaman sa tradisyon at kultura. Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri ayon sa anyo ng pagkakatulad ng mga ito: kuwentong bayan, kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi-sabi, palaisipan at balagtasan. Naglalarawan ito sa kanilang katutubong katalinuhan, kaalaman, karanasan, pananampalataya at iba pa.
Patuloy ang pamumunga ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng mga makabagong manunulat na may paninindigan at pagpapahalaga sa ugat, kasaysayan, kultura at lipunan. Mayabong itong nabubuhay sa patabang kaalaman at kamalayan, patubig ng limbagan at midya at paaraw sa modernisasyon at globalisasyon.
Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang banda at bawat bansa sa buong mundo. Kayamanang hindi mawawala.
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:41 AM UTC
Walang eksaktong kahulugan ang buhay, ang buhay ay buhay ganun lang kasimple yun, walang itong drama at lalong hindi kumplikado. Masdan ang galaw ng kalikasan. Sumisikat ang araw sa umaga at lumulubog ito pag hapon na. Ang buwan ganun din sumisinag ito sa pagsapit ng gabi at nagkukubli pagdating ng bukang-liwayway. Ganito rin ang mga bituin, lahat sila kumikilos nang ayon sa kanilang galaw at katalagahan. Kumbaga sa musika rock sila pero simple lang. Kalmante lang ang dagat pero minsan maligalig din s’ya kung kinakailangan. At ang hangin walang humpay sa kanyang pag-ihip.
Walang kahulugan ang buhay sapagkat tayo ang gumagawa ng kahulugan ng sarili nating buhay; tayo ang lumilikha ng sarili nating kasaysayan. Tayo ang pumipili ng sarili nating kahulugan. Doktor ka ba? Manggamot ka nang buong husay, sagipin mo ang maraming buhay. Sundalo ka ba? Makipaglaban ka nang buong giting, ialay mo ang buhay mo para sa bayan. Nagsusulat ka ba? Magsulat ka nang buong puso nang magliwanag ang isipan na malabo. Kung ano man ang napili **** gawin, gawin mo ito nang buong galing. Kung umiibig ka naman, umibig ka nang buong tapat at iaalay mo sa iyong sinta ang lahat. Maging mabuti ka sa kanya, mahalin mo s’ya nang higit sa lahat.
Walang kahulugan ang buhay, ‘wag mo itong hanapin sa relihiyon dahil wala ito roon. Panay kaulolan lang ang matutuhan mo sa mga nagbabanal-banalan at nag-aaring ganap, na kung umasta at magsalita akala mo ay kahuntahan nila ang Diyos. Wala rin ito sa pamahalaan at mga lingkod bayan kuno, lalong wala ito sa dami ng yaman.
Walang kahulugan ang buhay tulad sa isang tapayan na walang laman kailangan mo itong sidlan. Hindi bukas kundi ngayon ang panahon ng pagsalok ng kaalaman at karanasan kaya ‘wag mo itong sayangin. Walang kahulugan ang buhay ‘pagkat ang buhay ay isang kawalan na kailangan **** punuan. Tulad ito sa blankong papel na kailangan **** sulatan. Isang hiwaga na kailangan ikaw ang tumuklas. Walang kahulugan ang buhay basahin mo man ang lahat ng aklat at kahit pakinggan mo pa ang lahat ng talumpati sa mundo hindi mo ito makikita.
Walang kahulugan ang buhay ‘wag **** pagurin ang sarili mo sa paghahanap nito. Ang kahulugan ng buhay ay nand’yan sa loob ng puso mo. Kung saan ka maligaya naroon din ito. Aanhin mo ang maraming diploma at pagkilala kung hindi ka naman masaya? Ano’ng saysay ng mga palakpak kung huhupa rin pala ang mga ito? Hindi mo makikita ang kahulugan ng buhay sapagkat kailangan na ikaw mismo ang gumawa nito.
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 12:58 AM UTC
ni Reagan A. Latumbo
Hindi man ako biniyayaan ng karangyaan,
O nakakain ng masasarap na pagkain sa hapag-kainan,
O nakabili at nakasuot ng magagarang kasuotan,
Kuntento naman ako sa lahat noong panahon ng aking kabataan.
Mahirap man ang buhay na aking pinagdaanan,
Milya man ang nilalakad ko noon marating lang ang paaralan,
Ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-abot ng aking pangarap kahit na nasaktan,
Tiniis ko ang lahat dahil Siya ay nariyan.
Kahit na pandinig ko ay unti-unti na ngayong nawawala sa akin,
Nariyan pa rin si Ama at ako ay hindi Niya pinababayaan.
Kaya kahit ako man ay may kapansanan,
Naibabahagi ko pa rin ang aking talento at kaalaman.
Sa mundong aking pinapasukan,
Sa trabahong aking iniingatan,
Kahit bingi man ay marami pa rin akong natutulungan.
Mga baguhang empleyado ay aking tinuturuan.
May kapansanan ka man o wala,
Ang pagtulong ay hindi dinadaan sa usap-usapan.
Ito ay kusang ginagawa at pinaninindigan,
Maraming tao ang lubos na masisiyahan kung tulong mo ay hindi ipinagkakait sa kanilang harapan.
Bingi ka man o bulag o kulang ka man ng kamay o paa,
May sakit ka man sa puso o namanang karamdaman o wala,
Kapag tulong ang hinihingi, 'wag kang mag-aatubiling ipagkait ito sa iba,
Dahil sa bandang huli, ang iyong kabutihan ay masusuklian Niya.
Aug 14, 2017
Aug 14, 2017 at 1:20 PM UTC
Ako’y isa lamang pinuno,
Gumabay sa isang hukbo.
Oras ay itinataya upang magturo,
Upang bigyan ng kaalaman ang mga pribado.
May mga taong gusto akong tularan,
Mga nasa ikatlong taon ng paaralan.
Tungkulin ko sila’y turuan,
Upang sila’y magkaroon ng kaalaman.
Mga COCC kung sila’y tawagin,
Lahat sila’y may sinusunod na tungkulin.
Mga katulad ko’y dapat sundin,
Upang makamit nila ang kanilang hangarin.
Meron akong isang CO na nakilala,
Pansin ko’y kanyang nakuha.
Hindi ko maipaliwanag ang kanyang ganda,
Lagi nalang sa kanya ang aking mga mata.
Ang ibigin siya’y isang bagay na bawal,
pagkat posisyon ko’y pwedeng matangal.
Ito’y aking gagawan ng paraan.
Kahit ito pa ang batas ng paaralan.
Tinataguan ko ang aking Commando,
Upang makipagkita sa giliw kong CO,
Tinutulungan din ako ng kaibigan kong pribado,
Na umiibig naman sa isang pinuno.
Bakit ganito nalang ang pag-ibig,
Palagi nalang may humahadlang sa paligid.
Hindi ba nila alam kung gaano kasakit,
Ano ba ang kanilang naiisip.
Ang pamumuno ko ay pansamantala lamang,
Ngunit pag-ibig ko sana’y walang hanggan.
Huwag sanang masira ang ating samahan,
O Aking Joana, hindi kita titigilan.
Dec 3, 2010
Dec 3, 2010 at 7:26 AM UTC
Noong isang gabi,
habang hinahanap ang sarili,
natagpuan ang LIKHÂ.
Ako'y natuwa,
dahil nasa entablado sila,
silang mga pinapanood ko lang dati sa internet.
Isa sa mga dahilan kung bakit nagtatanghal
ang tulad kong hangal sa harap ng mga estranghero
at binabahagi ang mga dala-dala kong kwento.
Sila na mga nauna at nagbigay inspirasyon
na lalo pang magsulat at magbasa.
Mga mata'y unti-unti namulat
sa mga bagong imahenasyon,
mga leksyon, direksyon at iba't ibang kaalaman
na galing sa ating henerasyon.
Maraming salamat sa gabing inyong nilikha
para sa mga katulad kong naliligaw
at hindi alam ang patutunguhan.
Nagtagpuan kita.
Aking sarili nahanap kita.
Habang nakikinig sa iba't ibang berso
ay sumasayaw ang mga letra sa utak ko.
Habang lumilipad sa ere ang mga ritmo,
nakita ko ang sarili kong mga tula
na parang mga talang nahulog sa langit
papunta sa sa aking mga kamay
at dali-dali kong itinala sa aking puso
dahil kailangan kong ibahagi
ang sining na aking nabuo.
Hindi pa patay ang mga salita,
gamit ang lapis na hawak
mo sabayan mo akong lumikha mga katha.
Mapa kathang-isip o kathang-puso man ito
ay buhay sila at naghihintay sayo.
Hindi bulag ang mga tula,
kaya ka nitong titigan ka sa mata
hanggang sa magiba ang paligid mo't mawala ka nalang bigla. Hindi bingi ang mga obra, naririnig ka nito,
handang dumamay at unawain ang lahat ng pinagdadaanan mo.
Kaya maraming salamat sa gabing inyong binuo't nilikha.
Halika na, halik ka na, halika't sasamahan kita
sa patuloy na paglikha ng kinabukasan
para sa bayan, kultura, sining at sa iyong sarili,
ipagpatuloy ang nasimulan.
Ipagpatuloy ang sinimulan.
Noong isang gabi, habang hinahanap ang sarili,
natutunan ko kung pano ang magLIKHÂ @theartidope style.
Nov 22, 2017
Nov 22, 2017 at 10:05 PM UTC
Lord, para kang driver ng shuttle. Sa bawat pagpara ng mga tauhan, humihinto ka. Ang bawat isa’y may tangang istorya at pawang may mga kakambal na destinasyon.
Sa dilim, tanging ang ilaw mo ang nagbibigay pag-asa sa mga tambay at naghihintay na pagkatao. Hindi mahalaga sayo kung matagal na silang nag-aabang o kararating lang nila sa tagpuan.
Hindi naman lingid sa aming kaalaman na diretso lamang ang daan; alam naming dumaraan Ka talaga sa amin at minsan ayaw lang talaga naming pumara. Kung malayo kami’t nasa eskinita pa; kami ang nararapat na maglakad patungo sayo at maghintay. Minsan nga lang mahuhuli kami sa oras, pero babalik ka naman para sa amin.
Hindi ka napapagod pagbuksan ng pinto ang bawat pasahero; kahit may lakas naman ang bawat isa. Isasara mo ang naturang pinto nang kami’y maging ligtas.
Matulog man ang isa sa amin, ang byahe’y isang hele. Minsan talaga malubak lalo sa tigang na kapatagan. Sa bawat alikabok at aspaltong sinsayaran; nananatili ka sa iyong pagmamaneho.
Minsan, mabilis ang takbo; minsan mabagal. Tulad ng bawat panalangin; minsan agapan **** sinusolusyunan; minsan naman, tinuturuan mo ang bawat puso kung ano ba talaga ang "paghihintay." Pero alam namin -- mabilis man o mabagal ang takbo; hawak Mo ang oras at tanging kaligtasan at kabutihan lamang ang alay Mo sa amin.
Sa pangunguna mo, salamat po pagkat may iisang direksyon ang biyahe. Alam namin ang patutunguhan buhat sa karatulang nasa salamin. Pag sinabi naming “Dito na lang,” muli kang humihinto at muli kaming pinagbubuksan para lumisan. Hindi ito paalam; bagkus, bukas ay sasakay muli at tayo’y magkikita sa lagi nating tagpuan.
“Alam mo kung nasaan ako; hihintayin Kita. Lord, salamat sa kaligtasan.”
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 10:31 AM UTC
Ang pagibig sa karunungan ay walang katapat na halaga. Ang pilosopiya at salapi ay langis at tubig kailanman hindi ito maaaring magsanib. Si Socrates na ama ng pilosopiya ay hindi yumaman ni guminhawa ang kanyang buhay. Ang karunungan ay bahagi ng kaluluwa at ang kaluluwa kahit kelan ay hindi nangailangan ng salapi at materyal na mga bagay. Walang pera sa pilosopiya sapagkat wala rin pilosopiya sa pera.
“Philosophy bakes no bread” pero ito ang pundasyon ng mga sibilisasyon. Ang kultura at ebolusyon ng lahat ng buhay at mga pangyayari at kasaysayan ay nakasalalay sa pag-unlad ng pilosopiya. Ang karunungan ay parang gulong na laging sumusulong. Ang lahat ng sangay ng kaalaman ay nakasalalay sa pilosopiya, pilosopiya ang nagbibigay buhay at nagpapagalaw sa mundo. Ito ang bumabago sa takbo ng panahon at isipan ng bawat henerasyon.
“Philosophy bakes no bread” ang medisina, batas, arkitektura, literatura at lahat ng katha ng isip ay nakasalig sa pilosopiya. Walang kaayusan kung walang pilosopiya. Ito ang mapa ng mundo at kompas ng kasaysayan. Pati ang mga buktot na panukala at mga hangarin ay may bahid ng binaluktot na pilosopiya na binalangkas ng mga taong hangal. Ang pilosopiya ang lumilikha ng yaman at kahirapan depende kung paano ito ginagamit ng mga nasa kapangyarihan.
“Philosophy bakes no bread” pero ito ang kanlungan at kapahingahan; ito ang nagbibigay ng kalayaan. Tanggulan ito ng mga mahihina at walang kayang lumaban. Sulo na nagbibigay liwanag at pumupunit sa dilim ng gabi.
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:43 PM UTC
sa kanyang magulong sanlibutan
kay daming naghahanap ng kamusmusan
tila ang pagkabata ay hindi natikman
walang tigil ang pagkulo ng tiyan
sa gutom na hindi maibsan
ng kahit ilang pagkain na nasa pinggan.
ang nalalabing alaala at kaalaman
ay natapon sa maagang katandaan
Jan 29, 2019
Jan 29, 2019 at 7:55 AM UTC
Gabi-gabing nagsusunog ng kilay.
Araw-araw na tinatahak ang lubak-lubak na daan.
Minu-minutong nagtitiis ang balat sa tirik na araw.
Iniinda ang mga kagat ng lamok sa gabi.
Pinagtitiyagaan ang kapirasong lamparang liwanag sa dilim.
Maibahagi lamang ang kapiranggot na kakayahan.
Inakala **** madali.
Hindi pala.
Kailangan **** suungin ang init.
Kinailangan **** tawirin ang mga ilog marating lamang ang iyong patutunguhan.
Inakala mng magaan.
Hindi pala.
Kinailangan **** maglakad ng walang sapin sa paa.
Kinailangan **** iwasan ang mga putik sa kalsada upang marating ang lugar na akala mo ay langit na.
Nagawa mo pa ring makaalpas.
Ilang beses ka na ba dapat na sumuko?
Nakailang iyak ka na ba gabi-gabi dahil hindi mo kaya ang nakikita mo?
Ilang damit lang ba ang dala-dala mo upang maitawid ang mga kaalaman para sa iba na nagmula sa iyo?
Kaya mo pa ba?
Ikaw ang liwanag sa kanilang madilim na daan.
Ikaw ang gabay sa kanilang pagpupursige.
Ikaw ang magiging pag-asa sa mga pangarap nilang hinahabi.
Huwag **** ipakitang marupok ka dahil lamang sa delubyong likha ng kalikasang nasa iyong harapan.
Isipin mo sila!
Isipin **** may naghihintay na bukas para sa kanila.
Ikaw ang kanilang tinitingala.
Magpatuloy ka sa pagngiti.
Isapuso mo ang kanilang masasayang pagbati sa tuwing ikaw ay makakarating.
Damhin mo ang kanilang pananabik na makita kang masayang nagtuturo sa kanila.
Iwaksi mo ang negatibong bagay sa iyong isipan.
Yakapin mo ang iyong natutunan --ang iyong misyon at rason kung bakit ka inilagay sa posisyong iyong kinatatayuan.
Balang araw ay magtatagumpay ka!
Balang araw ay masisilayan mo ang katas ng iyong pagpapakumbaba.
Pagsisikap.
Pagtitiis.
Malayo ka man sa mga mahal mo sa buhay, naiintindihan nila.
Ang propesyon mo ang magbibigay ng pag-asa.
Magtiwala ka!
Kaagapay mo ang Diyos sa bawat **** pagsisikap.
Huwag kang panghinaan ng loob sa bawat problemang iyong kinakaharap.
Alam naming kaya mo!
Sa iyo uusbong ang mga batikan.
Sa iyo magmumula ang mga pinakasikat.
Sa iyo manggaling ang magagaling at matatalino.
Alam naming kaya mo!
Magtiwala ka sa kakayahan mo.
Ikaw at ikaw lamang ang maglililok nito.
Ikaw at ikaw ang huhubog sa kani-kanilang mga talento.
Nasa iyo ang aming papuri.
Nasa iyo ang aming taos-pusong dasal.
Ang laban mo ay laban naming lahat.
Kayanin mo.
Kakayanin mo!
Ikaw ang aming liwanag sa gabi at pag-sa sa umaga.
#IkawNaNagmamahalMagmamahalPa
Mar 18, 2018
Mar 18, 2018 at 12:31 AM UTC
PAALAM
By: Lovely Joy / 26th October 2020
Paalam sa mga pangakong napako,
Mga pangakong naglakbay na sa malayo.
Sa mga katagang "walang magbabago,"
"At tayo hanggang dulo."
Sa mga salita **** binitawan
Ngunit hindi mo napanindigan.
Paalam sa mga nagdaang araw at buwan
Pero salamat pa rin sa mga masasayang alaala na naranasan.
Paalam sa mga alaalang masasakit akin ng ibabaon
Iiwan na kita sa aking nakaraan
At palalayain ko na ang aking sarili sa nagdaan.
Yayakapin ko na ang hinaharap at ang aking kasalukuyan.
Sa pagiging estranghero tayo nagsimula noon
Kaya magpapaalam din ako na bilang estranghero ngayon.
At para sa iyong malawak na kaalaman,
Minahal kita, OO, at minsan naging parte ka ng aking mundo
At isa kang karakter na maisusulat sa kwento ng buhay ko
Yun nga lang, matatapos ang kuwento na di ka kasama hanggang dulo.
Oct 27, 2020
Oct 27, 2020 at 6:34 AM UTC
Papalubog na ang araw. Nakatutok ang mga bata sa harap ng gadget nila. Mga chismosang naninira ng kapwa nila. Lahat ay masaya sa kalayaang nadadama nila.
Lingid sa kaalaman nila ay may isang babaeng nakamasid lamang sa isang sulok.. Dala-dala nito ang alaala ng masakit na kahapon.
ISANG madugong nakaraan- mga bayaning dumanak ng dugo para sa lupang sinilangan. Mga iyak- sigaw at kapighatian ng mga pilipinong inapi nang mga dayuhan. Mga sakripisyong tiniis at inalay nila para sa kalayaan ng bayan.
Nasasaktan ang babaeng iyon. Nasasaktan ang ating Inang Bayan.
Jul 23, 2019
Jul 23, 2019 at 5:55 AM UTC
Naaalala mo pa ba?
Minsan din tayong naging masaya.
Nagsimula sa pagkakaibigan,
Nauwi sa walang pansinan.
Naaalala mo pa ba?
Mga panahong sabi natin ay tunay tayong magkaibigan,
Walang kamalay malay na mauuwi sa pagkakasakitan.
Naaalala mo pa ba?
**Sabi mo noon maging ang mga bituin ay sumasangayon sa atin.
Ngunit hindi nila nasabi na hindi ka para sa akin.**
Naaalala mo pa ba?
Mga kalokohang napag-uusapan,
Ngayon ay hindi magawa kahit banggitin ang iyong pangalan.
Naaala mo pa ba?
Sinabi kong lagi lang akong magiging andiyan,
Lingid sa aking kaalaman na ako pala ang maiiwan.
Naaalala mo pa ba?
Na minsan din tayong naging magkaibigan,
Sana hindi na lang nauwi sa pagmamahalan,
Marahil ngayon ay nagtatawanan.
Maaalala mo pa ba?
Kung ako'y nagawa mo nang iwan,
Siguro'y kailangan na ding kalimutan.
Maaalala mo pa ba?
Kung ikaw ay akin nang bibitawan,
Sapagkat pati ang ating pagkakaibigan ay iyo na atang nalimutan.
Maaalala mo pa ba?
Humihilingin na maalala mo parin sana.
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 10:59 PM UTC
Ngayong araw ako'y siyang naatasan
Na ipakilala ang ating kaybigan
Mahirap sabihin, ang inyo nang alam
Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan
Sikat sadya itong ating kaibigan
Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han
Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan
Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan"
Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian
Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan
Talino at t’yaga ang kanyang puhunan
Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan
Sya'y taong tunay ang angking kabaitan
Na dama ng tao, hayop at halaman
Sa dami ng kanyang lathalaing-agham
Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan
Palaka, butiki, ahas at butaan
Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan
Lumaki't lumawak ating kaalaman
Kung kaya't umani laksang karangalan
Alam kong sa bawat uri ng palaka
O ibang buhay na sa mundo'y mawala
Kasama natin s’yang lungkot na luluha
Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa
Dedikasyon niya ay dapat tularan
Ipakilala s’ya'y isang karangalan
Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran
Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
para sa Kidapawan
Diktador ang makinarya.
Maringal ang langit. Walang ulan para
sa pasasalamat. Ang ating tanging pagkakakilanlan
ay pumapaimbulog sa bawat sugat na nagsara.
Muli nila itong bubulatlatin.
Hindi paham ang gatilyo.
Mabilis na matutuyo ang pangako
kung pawawalan ito sa katanghaliang tapat.
Tanaw ng nakabiting ulo ng araw
ang lahat ng nangamatay. Kasabay ng hangin
ang pagpapaluka. Hudyat ng ulan galing
sa ibaba – gigibain ang makapal na barikada
ng katawan atsaka muling uuwi sa asawa’t anak
na may bahid ng pula ang kamay. Dulo ng kuko’y
kapiraso ng mundo. Itim. Hugis buwan. Ang pagputok
ay isang rekoridang laging gumagapang patungo sa tugatog
ng isang alala.
Dadalhin nila sa bingit ng pagpaparam
ang babasaging boses – ang mga bubog ay
isasaboy na lamang sa lansangan.
Lumalaon ay dumidiin ang bulahaw. Inutil
lamang ang pagtatalik ng kamay at bakal.
Umusal na lamang ng dasal sa likod
ng kakahuyan at baka dinggin ng bathala
ang panayam. Walang iisang dilang tumatabas
sa dahas.
kung saan sisimulang hanapin
ng mga mata ang isang lugar kung saan ang lahat
ay iwinawasto ng nakaraan ay lingid
lamang sa kaalaman.
bago mangapal ang dilim ay nilusong ng mga kalalakihan
ang nalalapit na katedral. Naghahabol ang papauwing liwanag
na masaksihan ang kabalintunaan.
wala silang nakita,
katawan lamang sa lansangan,
tinutubos ng kasaysayan.
Apr 3, 2016
Apr 3, 2016 at 7:56 AM UTC
"Pag-ibig ay darating sa'yo" sabi ng mga makata,
Wari'y sa edad ko ang pag-ibig ay mahirap makita,
Ilang beses nga bang kailangang sabihin?
Talaga bang mapait ang dapat kong sapitin?
Higit isang dekada na 'ko sa mundo ngunit ang pag-ibig ay 'di mahagilap,
Ganito ba talaga ito kahirap?
'Di ko naisip na ito'y aabot pa sa ganito,
'Di ko napaghandaan at wari'y 'di napagtanto,
Lingid sa aking kaalaman,
Kaya 'di ko natandaan
At mas lalong 'di ko napaghandaan,
Ayaw na niya pala at matagal na niyang kinimkim,
Ako'y nasugatan at nagdusa ng mataimtim,
Sabi ni Inay: "Ba't ba wala kang dala?
Ilang beses ko ba dapat sabihin na wag mo ng hahanapin ang wala?"
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 12:55 AM UTC
Simulan natin sa umpisa
Noong di pa tayo magkakilala
Akala nyo iba ang aking nagugustuhan
Dahilan ng pagkagalit sakin ng iyong kaibigan
Ng ikay sakin ay magparamdam
Laking tuwa ko dahil matagal ko na tong inaasam
ang pansinin mo at kausapin
kahit sa babae moy ito nililihim
oo, may kasintahan ka ng mapansin moko
pero hindi ito lingid sa kaalaman ko
dahil aamin kong nagging makasarili ako
nang hayaan kong para sakin ay syang iwan mo
sabihin ko mang hindi ko kasalanan ang paghihiwalay nyo
aaminin ko na ito’y ginusto ko
ginusto ko dahil may gusto ako sayo
hindi ko maitatanggi ang dahilan kong ito
pilit kong pinigilan ang nararamdaman
at nang ako ay iyong chinat minsan,
hindi ko na mapigilan ang aking sarili
ang replyan ka at saktan sya ang aking pinili
Na agad ko ring pinagsisihan
Dahil chinat ako ng iyong kasintahan
Na kung pwede na ikaw ay aking layuan
Na sinubukan ko, maniwala kayo sakin, itoy saking sinubukan
Pero anong magagawa ko
Kung ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit tayo
At sa bawat paglapit mo
Mas lalo akong nahuhulog sayo
Hinayaan kong masaktan sya
Para saaking ikasasaya
Hindi ko sinasandya
Hindi ko sinasadyang mahalin ka
Mar 20, 2017
Mar 20, 2017 at 8:12 AM UTC
"May mga nararamdaman na umaagos sa pamamagitan ng mga salita,
Meron din naman ginagapos sa pamamagitan ng tula
Pinalilipad sa liriko at pagkanta
Pinasasayaw sa papel at tinta
Ngunit sumagi sa aking isipan
May mga nararamdamang tila
Di mapaliwanag ng lubusan
Parang sumpa sa karanasan
Na magpapalesyon ng sistema at isipan
Kahit
Ubusin ko man ang bawat letra
At lumikha ng bagong salita
Ubusin ko man lahat ng papel at tinta
Di ko pa din maipakita, mailatag at ipahayag
Tila walang katapusan
Kahibangan
Hindi ba sapat o sadyang kulang ang aking kaalaman?
Kulang pa ba ang karanasan?
O wala lang talagang katapusan ang ganitong pakiramdam?
Mar 13, 2015
Mar 13, 2015 at 4:26 AM UTC
Pang Akademiko o Hindi, ang asignaturang Filipino
Para ito sa kahit kanino
Mapagawa ka man ng bionote,
O kahit anino pa to
Pero sa gamit ng kaalaman at husay,
At sa tamang paggamit neto,
Ito'y magiging hubog sa bansa natin
Ang wikang Filipino, ang wikang dapat angkinin.
Mapa-likhang awit man ito,
Ito'y may sining, gamit sa likhang-pagiisip
Ako'y estudyante na Filipino,
Para sa ipagmalaki ang hubog neto
Gamit ang tamang etika,
Sa pagsulat para umabot sa tala,
Ito'y magiging tamang paraan,
Sa pag-unlad ng nakalaan
Aug 8, 2020
Aug 8, 2020 at 1:09 PM UTC
#06022021
Hayaan **** ilahad ng mga pahina ang misteryo ng nakalipas,
Ang mahikang bumabalot sa guhit ng mga palad
Na hinulma sa salamin ng liwanag,
Ang dugo ng kasaysayang naging pantatak ng kahapon, bukas at ngayon.
Ang pagsirit ng kandila sa lumalalim na gabi
Ay gaya ng pakikipagbuno ng kalangitan sa lumalagablab na araw.
Hindi man lamang napagod ang lumikha ng bahaghari,
Pagkat buhat sa simula hanggang dulo'y kaya nya itong pagmasdan --
Kaya nya itong sabayan hanggang sa pagtiklop ng mga ulap.
At gaya ng mga ibong malaya na walang humpay ang pagkampay patungo sa lilim,
Ay gayundin ang mga imahe ng putik na ginawaran ng damdamin.
Ang kanilang pakikipagsapalaran sa modernong makinarya ng paglusong at pag-ahon,
Na may dalisay na pagdinig sa lilim ng kapatawaran at kaligtasan.
Walang sinuman ang kayang kumitil sa mga paupos na kandila --
Silang ang pagluhod ay simbolo ng kalakasan at pagtitiwala.
Silang may dunong at sa bukal ng buhay ay may hiram na sandali.
Maliban na lang kung sya'y magpaubaya para lumisan nang walang paalam.
Ngunit kumatok man sila,
Ang huling habilin at pagsilip sa bintana sa hapag
Ay walang katiyakan pawang sa oras at magiging tahanan.
Di hamak na may kaalaman ang sining na paghinga ang naging buhay,
Kaysa sa mga yumuyukod na mga punong
Mayroong nalalagasan na mga pakpak sa bawat dapithapon.
Di gaya ng dagat na lumulunod sa sarili
Na hayag sa kalangitan ang pagkunot at paghinahon.
Ang pawis sa mga pisngi'y gaya ng mga butil ng perlas
Na higit pa sa mga ginto't dyamanteng ibinigkis para ikalakal.
Walang humpay ang pagkapa madatnan lamang ang liwanag
Sa iskinatang walang inihain kundi pait at karamdaman.
At katulad ng pagpapagal nito sa apoy upang mailimbag ang sarili'y
Kusang babalik ang mga ito sa hiningan ng sandali.
Kung saan wala nang ni isang mananatiling "misteryo,"
Kung saan lahad at hubad na ang lahat ng pagpapanggap.
At kung saan ang huling pahina ay pupunitin,
Ang himagsikan ay makikitil hindi nang panandalian lamang.
Magiging malaya ang pagpapaubaya ng mga kamay sa hangin,
Malaya ang mga pusong walang ibang nais kundi magpuri.
Jun 3, 2021
Jun 3, 2021 at 3:19 AM UTC
himig ng 'yong boses tila sigaw ay kaligtasan
di makakaila sating tinginan
sa'yong mga mata'y nakikita ang hantungan
tayo lang ang tanging may kaalaman
kaya't ika'y hahanapin kahit saan
sa kabilang ibayo man o bayan
kahit saan ika'y susundan
'pagkat ikaw ang tanging tahanan
aking tatawagin kailanman
ang 'yong nagiisang pangalan
kahit alin man ang pagdaanan
ang mahalaga ay ika'y mahagkan
kaya't aking irog, aking kasintahan
ipapaalala sayo ang ating pagmamahalan
lahat para sayo ay aking ilalaan
pagkat ikaw ang tanging tahanan
Jul 7, 2019
Jul 7, 2019 at 6:31 AM UTC
Basagin ang kokote, ilabas ang forte!
Sabihin mo man na punong-puno ng samu’t saring kaalaman ang nilalaman ng utak mo,
....wala rin itong saysay kung naka-imbak lamang sa loob ng isipan mo.
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 2:45 AM UTC