Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
kathrein
manila write to express
Simulan natin sa umpisa Noong di pa tayo magkakilala Akala nyo iba ang aking nagugustuhan Dahilan ng pagkagalit sakin ng iyong kaibigan Ng ikay sakin ay magparamdam Laking tuwa ko dahil matagal ko na tong inaasam ang pansinin mo at kausapin kahit sa babae moy ito nililihim oo, may kasintahan ka ng mapansin moko pero hindi ito lingid sa kaalaman ko dahil aamin kong nagging makasarili ako nang hayaan kong para sakin ay syang iwan mo sabihin ko mang hindi ko kasalanan ang paghihiwalay nyo aaminin ko na ito’y ginusto ko ginusto ko dahil may gusto ako sayo hindi ko maitatanggi ang dahilan kong ito pilit kong pinigilan ang nararamdaman at nang ako ay iyong chinat minsan, hindi ko na mapigilan ang aking sarili ang replyan ka at saktan sya ang aking pinili Na agad ko ring pinagsisihan Dahil chinat ako ng iyong kasintahan Na kung pwede na ikaw ay aking layuan Na sinubukan ko, maniwala kayo sakin, itoy saking sinubukan Pero anong magagawa ko Kung ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit tayo At sa bawat paglapit mo Mas lalo akong nahuhulog sayo Hinayaan kong masaktan sya Para saaking ikasasaya Hindi ko sinasandya Hindi ko sinasadyang mahalin ka
0
Mar 20, 2017
Mar 20, 2017 at 8:12 AM UTC
Hindi Sinasadya (part1)