Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
chin-bruce
chin-bruce
Think but don't feel. Feel but don't express.
"May mga nararamdaman na umaagos sa pamamagitan ng mga salita, Meron din naman ginagapos sa pamamagitan ng tula Pinalilipad sa liriko at pagkanta Pinasasayaw sa papel at tinta Ngunit sumagi sa aking isipan May mga nararamdamang tila Di mapaliwanag ng lubusan Parang sumpa sa karanasan Na magpapalesyon ng sistema at isipan Kahit Ubusin ko man ang bawat letra At lumikha ng bagong salita Ubusin ko man lahat ng papel at tinta Di ko pa din maipakita, mailatag at ipahayag Tila walang katapusan Kahibangan Hindi ba sapat o sadyang kulang ang aking kaalaman? Kulang pa ba ang karanasan? O wala lang talagang katapusan ang ganitong pakiramdam?
0
Mar 13, 2015
Mar 13, 2015 at 4:26 AM UTC
Hindi ko kayang tapusin
Sobrang pighati ang bumabalot sa hinahon ng bawat hininga Umiiyak ng tuldok sa bawat letra Napwepwersa ang tandang padamdam sa bawat salita Negatibo ang laging nakikita Nasaan ang pangarap sa bawat sanaysay? Nasaan ang katotohanan sa tunay na buhay? Nalinlang tayo Galit at lait ng mundo Sumusukob sa buong pagkatao Di ko na makita kung nasaan na tayo Kadiliman ang kinasusukalam Ngayon ating pinaglalaruan Liwanag ngayon ang pinagtataguan Tila tayo ay napagiwanan Nasaan na ba tayo? Meron pa bang tayo?
0
Mar 7, 2015
Mar 7, 2015 at 1:45 PM UTC
Tayo