Ipagpatuloy mo ang pag-kapa sa gitara kahit na iyong mga kamay ay itinatali nilang pilit. Ituloy mo ang pag-sulat, pag-awit ng mga liriko ng kanta kahit maraming mapanghusgang mga mata.
Wag-kang manahimik-- ang kailangan mo ay umimik. Ipabatid sa kanila na ito ang landas na piniling itahak, at kahit man minsa'y ika'y napapahamak, 'di mo parin isususko iyong pangarap.
Kayat tumugtog ka at iparinig sa kanila ang minamahal mo na obra. Pukawin mo ang bawat natutulog na damdamin, gisingin mo ang kanilang mga puso, ipabatid ang mahika ng sariling musika.
Tandaan mo malaya kang piliin kung sino ka mismo.
Ikaw ang may hawak ng buhay mo, kaya't h'wag sanang hayaan na sila ang mag-dikta ng pangarap. Oras na para ibuka mga pakpak at lumipad.
Hindi ka isang talunan, bagkus idolo na dapat hangaan, sapagkat kay raming dahilan upang isuko ang laban, subalit hindi mo tinuloy sa halip ika'y nagpatuloy-- pinili mo na ipanalo kaysa ipatalo.