Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kalungkutang bumabalot,
Nooy kumukunot.
Nagkakamayang kilay,
Nakakainis na buhay.

Nag away kasi tayo,
Kaya mainit aking ulo.
Ito nga ba'y pang ilan?
Di ko na yata mabilang.

Pero kahit anong mangyari,
Di kita malimutan...

Sa pagkat akoy isang alon,
Ipagtulakan mo man, ikay babalikan.
Naiwan nating kahapon,
Ikay dalampasigan, hahalik-halikan.

Lagi **** sinasabi,
Alaala mo'y aking isantabi,
Lagi man tayong mgtalo,
Sa ngiti mo d kayang manalo.

Isang hakbang palayo,
Pabalik akoy tumatakbo.
Isang sigaw sa hangin,
Pambawi koy paglalambing.

Dahil kahit anong mangyari,
Di kita malimutan...

Sa pagkat akoy isang alon,
Ipagtulakan mo man, ikay babalikan.
Naiwan nating kahapon,
Ikay dalampasigan, hahalik-halikan.
The magic of Baler inspired me to write this.

— The End —