Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ginoong" poems
“Binibini” Para sakanya na nalubhasa Sa pagibig sakanya ay nilathala Tila awit at tula na isinulat sa prosa Nais ng binibini ibahagi sinta Ngunit mas nabighani ka sa babaeng dinaan sa ganda Hindi sa pagibig na kaniyang isinulat pa sa pamamagitan ng kanta at tula Para sa binibining sinugatan ng patalim Hayaan **** humilom ang sakit at pighati Mahalin mo ang sarili at hayaang tahiin ang sugat na malalim kahit na mahapdi Para sa binibini’ Patawarin mo na ang sarili Sa nakaraang tinatakbuhan mo lagi Para sa binibining napaka ganda ng ngiti Hayaan **** yakapin ka ng ginoong binigay sayo ang tala at langit At ang halaga na sayo ipinagkait Ang tunay na ginoo ay darating Katulad ng sinta ni maria clara’y makakamit Hayaan mo na sila at pusoy patahanin Isara ang mga mata sa mga taong Hindi kayang manindigan sakanilang salitang tila isang papel na punit punit Binibini ikaw nay magpahinga Hayaan **** maramdaman ang pagiging prinsesa Dahil hindi ka sundalo upang ipag laban Ang isang duwag na ginoo Na nag tatago pa sa saya ng kanyang ina Magpatuloy ka sa kanta at tula May isang nag bubukod tanging ginoo ang sisilip sayong halaga Makakakita at dinig sa ritmo ng kantang tinutugtog at inaawit ng may magandang himig at tugma At siya ang mag sisilbing gamot Sa mahapding sugat na dulot ng maling pag ibig na ibinigay ng ginoong hanggang salita Ginoo ni maria clara , ikaw sanay bumalik. Nakalimutan ka na ng kabataan ginagalawan Ng hinirasiyong mapang akit Ang mga maria clara ngayon Ay umiiyak dahil sa paglisan ng ginoong Tunay , at siyang nag iisang nagpaka lalaki sa mundong puno ng batang pag iisip.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 12:43 AM UTC
“Binibini”

Continue reading...
37
Ubod ng Langit ang aking Kasiyahan Sa Puso't Diwa haplos ng Dalampasigan Maayo man sa Bulaklak; Mula sa Himpapawid Ang aking dulo't ng Isang Kaibigan At hindi ako po'y nagbabalat-kayo Sa Tunay ng aking Pagkakatao Sana'y Nawa, Hiyas at Bendisyo ang inyong Loob Nakikipaglabi sa aking Dangal Papuri sa inyo! Alagad ng Maykapal. =) Translation: More than the Heavens is my Happiness In Heart and Soul which takes to the Sky More Scented than these Flowers; From Above Blessed me with a Friend And I for One am not a Hypocrite For that has never been my Personality All I ask - Blessings and Fortune be upon You Offering these Sole Prayers of mine Praise be to you! Servant of the Lord. =)
0
Mar 16, 2013
Mar 16, 2013 at 10:59 AM UTC
TO SIR JOHN NORMAN: A REQUEST GRANTED (KAY GINOONG JOHN NORMAN: ISANG PABOR NAITUTUPAD)
Sa tulang lalagyan ko ng sukat at tugma Sa bagong kabanata ng buhay na ilalathala Sa bagong librong babasahin at maaring isantabi ng iba Hayaan sanang ang tulang ito ang mag kuwento Kung paano ang ikaw at ako ay magkakaroon ng bago at unang pahina Maaring tawanan at magduda Dahil ang babaeng nag sulat nitong tula Ay nasaktan na Hayaang ihayag kahit bahagya Na ang salitang minahal at mahal kita Ay hindi salita ng isang bata Ngunit ipinapahayag sayo ginoo ng isang dalaga Sa bagong kuwento na sisimulan niya Humiling sa tala na ito na ang huling pahina Gusto na niyang tuldukan ang mga tauhan sa bawat kabanata Dahil ikaw na ang pinili sa huling librong susulatin niya Kaya ginoo, mahalin mo sana siya Kahit isa siyang prinsesang sinubok ng panahon at tadhana Sa Pag agos ng alon Hayaan **** sumabay ka sa indayog Dahil sa ginoong nag babasa ng tulang isinulat ko gamit ang buong puso Mamahalin kita nasa bangka ka man o naka lubog sa tubig ng panahon Isang metapora na ang ibigsabihin ay “Nasa baba ka man o taas mamahalin ka at hindi iiwan kahit kalaban ko man ang malupit na tadhana at panahon” -kabanata
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 11:56 PM UTC
Kabanata
Sikretong liham , para sayo ginoo Maaring hindi mabasa ngunit sana’y pahintulutan mo May mga salita lamang na hindi na maririnig ng iyong puso Sa mga nakaraang araw , buwan o taon Ngunit sa pamamagitan nitong tula ko Ay mag silbing liham para sayo Nagagalak ang puso Sa mga ngiti mo Sa bawat pag tawa at pang aasar na pabiro Kung paano mo e kuwento mga plano sa buhay At pagpapakita kung sino ka nga ba talaga ang ginoong nasa harapan ko Nais ko sanang malaman mo Na naging laman ka ng mga panalangin ko Na sa pag pasok mo sa mundo ko Ay mananatili ka na dito Dahil isa ka na ginoo , Sa kumumpleto ng unang taon ko Naiisip ko parin mga tawa at ngiti mo Sa mga birong nag patawa Sa malungkot kong mundo Sayang lamang at hindi ko nasuklian iyon Ngunit sanay ngumiti ka parin Dahil para saakin bagay iyon Sa makulay **** mundo Mga larawang ibinigay Maraming salamat sa puso **** Walang kapantay Sa pag sama sa dahan dahang pag sayaw Habang pag sabay sa iyong mahusay na pag kanta At pag yakap ng mahigpit noong ako’y hinang hina Ginoo , panalangin ko sa taas Na sa pag bangga nating mga landas Ay masaya at naka ngiti ka ng wagas Dahil iyon lamang ang panalangin kong Para sayo ay sana matupad Hanggang sa muli , ginoo Ang liham na sayo’y iaabot Dito na lamang
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 10:55 PM UTC
“Liham”
At dagli na hinalikan Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan Ngunit huli na ang lahat Magpapakasal na sa ibang lakan Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo na mag-aangkin ng kanyang puso Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero bago nakuha ang minimithi Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa Kahit masilip sa tuwi-tuwina at maibulong ang pintuho sa reyna Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa Ang hinihingi'y ay ang pag-amin Sa kanya na ang desisyon Mag-iiba sana ang kapalaran sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 8:28 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #54