Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
John AD Apr 2018
Gera nang karahasan,Pagyao ng iilan
Kasamaan na meron sila,inosente ang pinupuntirya
Marami na ring nabubulag sa salapi,masyado ng sakim sa kapangyarihan
Kaya pati mga mamamayan,ginagawan ng paraan para kumita sila ng barya

Sakim sa kapangyarihan,umiiyak ang iilan
Wala na ngang laban,Sinasabi nyo paring nanlaban

Tahimik lang akong naglalakad,bukid ang kapaligiran
Ang dami kasing magsasaka,kung magtanim droga ang nilalagay sa tagiliran
Kaya kailangang mag-ingat,magmasid dahil
Hindi lahat ng tagapangahalaga sa bayan ay dapat pagkatiwalaan

Narinig mo na ba yung putok ng baril sa kanluran
Nangangahulugan na nawalan nanaman tayo ng isang pag-asa ng bayan

Inabuso na kasi ang katungkulan,Sulit tuloy ang nakamit na kalayaan
Ang tagal nga imulat ng mga mamamayan ang kanilang isip at matang nagbubulag-bulagan
Ginigising ko na kayo,Tulog pa yata,Lasing sa tinomang alak ng kalokohan,
Tanghali na!Tulog na ang mga manok na naunang nagising kanina habang tayo'y nagbibingi-bingihan.
Gising!
Carpo Mar 2021
Mga mata na sa bituwin mo lang makikita,
Mga labi, na kasing kulay ng mga rubi.
Mali sa mata ng iba, ngunit tayo na ba?
Isang tingin sa iyong mata, ako'y nahuli.

Nakatingin sa ulap umaasang may ikaw,
Ikaw ang hinahanap sa ulan na umapaw.
Ngiti mo ang hinahanap sa pang araw-araw.
Nakita ko ang mata mo at ako'y natuklaw.

Isang Simponia na gawa ng Obra Maestra,
Maski si Paganini ay napapatulala,
Napapahanga si Beethoven sa iyong gawa.
Isang Simponia na gawa ng taong mahal ka.

Pangalan mo'y ginagawan ko ng isang tula.
Sumusulat sa araw at gabi na may kaba,
Isang tula patungkol sa tanong mahalaga.
Ikaw lang ang hinahanap kapag may problema.

— The End —