Bigla bigla ka na lang dumadalaw eh. Nagkaka-gulatan tuloy. Ano ba meron at andun ka? Andun din ako. Nag-tago ako sa likod ng kurtina para di na magkita. Kaso uwian na pala. Naglabasan na ang mga bisita. Ba’t nagkita pa?
Eh ayan tuloy, tumulo ang luha. Tumalikod ka at lumakad palayo na parang walang nakita. Sinundan kita.
“S…! Wait! Can we talk?”
Tumingin ka lang sakin habang patulo na ang mga luha.
“Mag-usap tayo saglit bago ka umalis.”
“What’s there to talk about? Eh hindi ka nagparamdam?”
“Tinawagan kita! Ilang beses pero hindi ka sumsagot!”
“That’s it? Pag di sumagot di ka mag eeffort?”
“No. Hindi naman sa…”
“How bout my stories sa IG? Nakita mo diba? Di mo man lang ako kinumusta? Ang tagal kong naghintay tapos ngayon… ano…”
At tuluyan ka ng umiyak. Di ako umimik. Dahil alam kong walang kahit isang salita ang makaka-alis ng sakit na iyong nadarama.
Tumalikod ka at lumakad palayo. Dahan-dahan.
Sinundan kita. Hindi.
Hinabol kita. Hindi.
Pero sana noon ko pa ginawa nong pwede pa.
Cause I remember hurt by looking at her, hurt.