Naisip ko na parang buhay pasada ang ating istorya.
Ikaw ang pasahero, ako ang tsuper.
Ganito ang senaryo; nakita kita sa kalsada di alam san pupunta.
Ako naman si tanga hinintuan ka kahit dika naman pumara.
Sumakay ka; gaya ng iba.nasa mukha mo yung salitang "Bahala na".
Diretso lang ako sa pag maneho. di mo parin sinabi kung san ka pupunta.
Kita naman sa karatula kung san ang aking ruta, inisip ko baka alam mo na.
Sa gitna ng byahe, mukhang nalibang ka na, kaya pasikat ako sa arangkada.
Halatang bago lang sayo yung dinadaanan, may tingin at may pangangapa.
Ayos lang yan sabi ko. Kabisado ko to. ako'ng bahala.
May mga sandaling napapakwento ka, Siguro dahil na rin sa palagay ka na.
Mukhang nakalimutan ko na yung ibang pasahero. Pakiramdam ko tayo lang dalawa.
Sa wakas, naitanong ko kung san ka ba talaga pupunta?
Kasi, 'haba na ng byahe mahirap na baka maiuwi kita.
Biglang Nawala yung ngiti mo sa mata. Para kang may naalala.
Dimo ako sinagot. Bigla kang pumara.
Di ko alam kung natakot ka ba? o ang pamasahe mo e kulang pa?
Ayos lang naman akong ilibre ka. Basta maihatid kita.
Aaminin ko, nung tinanong ko kung san ka pupunta,
Napadasal ako ng konti na sana sabihin mo, "Ikaw, saan ka ba?"
Naiwan ako nakahinto sa kalsada. kasi nagulat ako nung tumakbo ka,
Tinawag kita pero lumiko ka na sa madilim na eskinita.
Napakamot ako sa ulo at napailing. Ako ba ang may problema?
Di ko tuloy alam kung babalik ka. kasi kaya kong mag intay pa.
Pinaandar ko ulit yung jeep. nagmaneho, nag maniobra.
umikot, luminga linga. wala ka na.
Hahanapin kita. madilim na.. bukas baka bukas.
Kung san kita nakita nung una, baka doon ka pumara.
Written in Filipino