Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Dec 2018
Tulad ng duling, di kayang magbilang
Wala na makadugtong sa pangarap
Nanlimos sa kanto
sadyang naulila
Sa bayang sinisinta nawawala

Talagang kumakapit ang mga nagawang kamalian
Sa muling pagdilat ng mata ay di mapalagay
Lahat ng bisala ng mga bagay ay nahahanap ng wari
Sa isang kisapmata, laging nauulit

Sining ng pagbabalatkayo
Magpakalabis ng konting katuwaan
Tinakpan ng panlabas na ekspresyon
Naanod sa kasayahan

At nalungkot ang nagsidatingan sa piging
Ang nagtago ng tunay na damdamin
Sa bandang huli, bumaybay ng mga hinaing

Sapat na masilayan ang paghati ng abot-tanaw
sa lagablab ng araw na unti-unting naparam
at sa karagatan na nag-iwan ng pamana
Jasmin Jun 2020
Lahat naman tayo may kinakatakutan,
mula sa mga simpleng bagay
hanggang sa malalaki.
Anong gagawin mo?
Iiyakan mo na lang?
Puwede naman.
Pero sana kahit gapang lang,
naisin mo pa ring umusad.
Isang hinga, isang abante.
Dahan-dahan
hanggang matuto at bumilis ka.
Wag kang tumakbo,
lakad lang at baka may makaligtaan.
Ang hangin na
tumatama sa mukha mo
ang tutuyo sa mga luhang bumaybay
sa pisngi mo.
Kapag narating mo ang umpisa
ng panibagong kabanata,
subukan **** lumingon sa nauna,
palagay ko nama'y
may matututunan ka.
Tingin mo ba sa sunod na pahina,
mag-sisimula ka ulit sa mahina?
Hindi na,
'wag na,
hindi ka naman siguro tanga.
Kalma lang,
narating mo 'yan
dahil naging malakas ka;
bakit iisipin **** ika'y mahina?
Payong may marahas na salita ngunit naglalaman ng katotohanan.

— The End —