Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
dannyjoe May 2019
Kayod para sa kakarampot na barya.
Sirbisyong kalabaw ngunit binipisyo ko’y wala.
Ang hanap buhay ko’y ikinabubuhay ko pa kaya,
O para sa mga taong minamaledukado ang tulad kong dukha.

Katamaran ay katumbas ng kahirapan bintang ng konyong bulaan.
Hindi tamad ang tulad kong madalas niloloko at napagkakaitan.
Ang kawalan ko ng oportunidad ang syang tunay na dahilan.
Maledukadong tulad ko’y walang luwalhati sa lipunan.

Pagmasdan ang bayan tila nagpapasakop-sakupan.
Sa lawak ng dagat tila walang mapangisdaan,
Sa lawak ng lupa tila walang matirhan.
Ang tulad kong maledukado’y saan ma’y tila walang karapatan.

Ang kahirapan nawa’y sa tulad ko ay wag isisi.
Ang buhay sa aking paghahanap buhay ay nais din mapanatili.
Sa kasaganahan ay nais ko din makibahagi,
Ngunit ako’y maledukado at sa lipunan ako’y basurang masasabi.
Princesa Ligera Aug 2020
Bakit ganyan kayo?
Madali ba talagang palitan ang isang katulad ko?
Kapag sawa na,
Hahanap ng iba.
Hindi man lang magsabi kung anong problema.
Pwede naman nating ayusin to,
Pero sadyang nakakalito,
Minahal nyo ba talaga ako?
O pampalipas oras lang ako?
Ang dali nyong magbago,
Magbago ng paglalaruan nyong tao.
Nagmumukha akong basura,
Iniiwan nyong umaasa.
Bakit pa nga ba ko umaasa?
Binuhay lang ba ko para magpakatanga?
Pagmamahal ko inyong binabalewala,
Paano kung bigla nalang akong mawala?
Ayon naman ata gusto nyo,
Mawala ang isang basurang kagaya ko.

— The End —