Ipag paumanhin mo kung natatawa ako, dati kasi isa akong pulubi,
Haha! sige tawanan mo muna ang aking sinabi,
Habang umiinom ng coke para magka enerhiya,
Nakasandal ako sa pader habang nagbibilang ng barya,
Isa, dalawa tatlo kelan magiging kuntento?,
Sapagkat hindi naman talaga barya ang binibilang ko,
Kundi ang bawat pag patak ng segundo,
Isa, dalawa tatlo "may halaga pa ba sayo?",
Yung oras niya ang nililimos ko noon,
Ngunit nagbago na ngayon.
Naalala ko pa tumaya ako noon sa lotto,
Isa't pangalawang taya ngunit ako parin ay talo,
Muli akong tumaya sa pangatlong beses at sabi ko "Huli na to",
Sa di ko inaasahan tumama na nga talaga ako dito.
Ang lotto ay simbolo lamang ng pag-ibig,
Yan ang nais kong ipahiwatig,
Sayo ako nanalo, Sayo wala akong talo.
Yan ang nagbago ngayon.
Kinalimutan ko na ang noon.
Napaka swerte kong hindi ko na kailangan mamalimos,
Ng oras at atensyong naghihikahos,
Sapagkat nariyan kana at handang magbigay,
Handang umintindi at handang mag alay,
Mag-alay ng pag-ibig na walang kapantay,
Walang pag aalinlangan at walang hinihintay,
Na ano mang kapalit na sayo'y ibibigay.
Marapatin mo akong sumandal muli,
Hindi sa pader, kundi sa balikat mo kahit sa isang sandali,
Upang maipadama ko sayo kung gaano ako ka saya,
Isa, dalawa tatlo ikaw ay mahalaga,
Marapatin mo akong sumandal sa iyong tabi,
At sa muling pagbibilang ng aking mga labi,
Isa, dalawa, tatlo,
Sayo ay kuntento.
071522- Salamat sa panlilibre mo ng sine, Alam mo kung gaano ako ka sayang makasama ka, Salamat at hinayaan mo akong sumandal sa iyong balikat, Ang kaginhawaan sa tabi mo ay walang kapantay.... Baka masanay na ako sa presensiya mo, ini spoiled mo ata ako.... hahahaha