Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"aasaran" poems
Isa, dalawa, tatlong yapak sa putik. Isa, dalawa, tatlong lubog sa tubig. Isa, dalawa, tatlong pugpog ng alikabok sa aking mga paa. Hindi ako marunong magsalita ng Tagalog. "Roel! Bilisan mo naman maglakad, patay tayo kay Ginang Cruz." Sambit ni rey. "Oo sandali lang natumba ako sa putikan." "Ang lampa mo kasi." Nagtawanan kaming lahat pagkwa'y tumakbo nang ubod bilis. Mga kamag-aral ko sila. Palagi kaming magkakasabay sa paglakad sa umaga patungo sa eskwela. Natutuwa ako sapagkat masaya silang nag-aasaran kahit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila. Nahihiya ako kaya nag-eensayo ako sa bahay o habang kami ay naglalakad, pabulong-bulong, ginagaya ang pagbikas ng bibig; ang pagsara, ang pagbukas. Mga kamag-aral ko sila. Isang buong grupo kami na wari ba'y batalyon ng mga sundalo na handang sumabak sa giyera; may putik ang laylayan ng pantalon at basa ang mga paa. Uy malapit na kami sa eskwela, ilang hakbang na lang; tumakbo sila, gayundin ako, mabilis. Nagpatuloy sila ngunit ako'y biglang huminto. "Oo nga pala, hanggang dito na lamang ako", mahinang sambit sa sarili. Natigilan ako, lumiwanag ang mukha at sumilay ang tuwa. Tumakbo ako papalayo sa eskwela't papalapit sa palayan kung saan tutulong ako sa anihan. "Marunong na ako magsalita ng Tagalog!" Sigaw ko sabay yakap sa mga aanihing palay. Salamat sa mga kasabay kong maglakad tuwing umaga, salamat sa mga kamag-aral ko sa kalsada.
0
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 10:02 AM UTC
Estudyante
Magkaibigan Naglolokohan Nag-aasaran Nagngingitian Isang araw nag-yaya ng hindi inaasahan Hindi tumigil sa text at tawagan Kumain ng sabay Nag-usap ng matagal Bumiyahe ng magkahawak-kamay Umakyat ng bundok at nakaalalay Spoiled sa paghatid at pagsundo Tambayan ang mcdo Gusto laging magkasama Ayaw humiwalay sa isa’t-isa Ang oras ay kay bilis pag magkapiling Ang araw ay kay tagal pag malayo ang isa sa atin Isang araw nagtanong at nagtaka Ano bang meron sa ating dalawa? Higit pa ito sa magkaibigan Mukhang nahulog na ng tuluyan Pebrero 28 itinakda natin ang “tayo” Minarkahan na ang ating kalendaryo Hindi inaasahan. Ni hindi pumasok kailanman sa isipan, Na ang dating magkaibigan at magkaasaran Sa huli ay magkakatuluyan Salamat sa mga hindi inaasahan.
0
Apr 6, 2016
Apr 6, 2016 at 10:14 PM UTC
Unexpected
ikaw lamang ang nakaganito ko sana’y pakinggan mo mga dahilan kung bakit kita gusto hindi ka man yung tipong lalaki na pinapangarap ko pero ikaw yung umakit sa damdamin ko madaling tawanan pero seryoso ang pagtingin ko alam kong isang katoto mo lang ako pero bakit mas higit pa dun ang nararamdaman ko nag simula sa pang aasaran hanggang sa may nag kagusto ilang araw akong nagmasid at nagisip kung paano paano ako humantong sa ganito hanggang sa sinabi ko sa isa rin nating katoto naging tayong tatlo hanggang sa dulo pero nag tapos din pagkatapos ng kaarawan mo isang gabi humiling ako sa oras na ika’y makita ko pero yun din pala ang simula ng tukso humakbang tayo sa isang grado unang araw ngingitian mo ako at dun na nag tapos ito pero hindi ako nawalan ng pag asa na maibabalik pa natin ang tayo at nangyari ilang beses ito pero malabo pa rin ang mga ito masakit pero gumaan ito takot akong kausapin baka ako’y mabigo hanggang sa dulo etong relasyon ay naging malabo at humantong na naman ulit sa panibago eto yung dati ko pang hinihiling sayo at hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwala sa sarili ko nananaginip na ba ako? kasi dati hiniling ko lang ito pero ngayon nag kakatotoo sana ay hindi na maputol ang kasiyahang ito at sana’y mag patuloy tuloy ito salamat at ikaw ay naging insipirasyon ko salamat dahil kung hindi dahil sayo hindi mangyayari sa akin ito ang insipirasyon ko salamat at dumating ka sa buhay ko
0
May 13, 2019
May 13, 2019 at 7:47 PM UTC
Ewan