Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tadhana
Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi ninyo ito basahin at tanggapin kahit ako lang ang tunay na papansin at aangkin Dahil masyado akong mausisa at malikhain Tahimik ang paligid at nais ko sana magsulat Ibuhos ang lahat ng nais kong ipagtapat Mga bagay bagay na bumubulabog sa ‘king utak Ito’y mga salitang sa papel lang kayang isulat Mahirap man unawain ang aking nararamdaman Ganun pa ma’y ipagpapatuloy ang makakagaan Sa ‘king pusong puno ng hinanakit ang nakadagan Ngayo’y bibigyan ng tinig sa blanking papel na tangan Mga panahong nagmumokmok umiiyak sa sulok Ni walang nakakapansin sa mga matang malungkot Todo ang ngiti bagaman ang lungkot ay nasa likod Huwag lang mahalata ang mukhang may sama ng loob May mga salitang sa papel lang kayang manatili Dahil ‘di na kayang bigkasin ng ating mga labi. Mga lungkot at galit sa puso’y sadyang iniukit Isusulat sa papel sa dingding doon ididkit
0
Mar 26, 2025
Mar 26, 2025 at 5:42 AM UTC
BLANKONG PAPEL
by:  Esther G. Maranan Sa akin ay may nagtanong, bakit ko nakahiligan Ang pagkatha ng tula, ‘di ba mahirap pag isipan Ang sagot ko kung minsan, ito ay kusang bumubukal At ang salitang i-uugma, pag-arala’y kay tagal Ang bigkas ng mga kataga, kaylangan ring timbangin Ang pantig ng salita ay narararapat pang bilangin Upang pag basa ay tama, sa pandinig ay may dating Kagaya ng musika, sa tenga ay mayrong taginting Hindi na kaylangan, ang mga karanasan sa buhay Upang ikaw ay makabuo ng tulang iaalay Di na rin kaylangan pilitin at kusang wawagayway Ang mahalaga’y malinaw ang mensaheng ibibigay Kaylangan mo lang ay maghanda, ng maraming salita Pagkat kapag naubusan ay tiyak matutulala At sa buong maghapon, ikaw ay mapapatunganga Hanggang sa ang tula mo ay hindi na rin magagawa Tunay ngang ang pag katha ng tula, minsan ay mahirap Higit sa tulad kong hindi naman sanay bumalangkas Ngunit kapag nasimulan kay daling maipamalas Hanggang sa makuha, ang tamang bigkas na hinahanap Sa mga makakata, ako’y talagang humahanga Kaya’t naisip ko ring sumubok, kumatha ng tula Noong una’y alinlangan pang ipabasa’t ilathala Ngunit noong maglao’y, nawala rin ang aking hiya Ang kumatha ng tula ang ‘syang aking naging libangan Lalo sa mga oras na ganado yaring isipan Kahit kay hirap magtugma tugma ay pagsisikapan Pagkat para sa akin ito’y isa kong kayamanan Ako’y nagpapasalamat sa bigay Niyang karunungan Nakakatuwa ang talentong sa puso ko’y nanahan Sapagkat kung minsan ito’y may dulot ring kabutihan Sa tulad kong ang mensahe, nais sa tula idaan
0
Dec 10, 2025
Dec 10, 2025 at 3:19 AM UTC
PAGKATHA NG TULA ANG AKING LIBANGAN

Continue reading...
33
Hanggang kailan ako magiging ganito? gabi-gabi na lang tawag ko ang pangalan mo Kung pwede ka lang maibalik nitong mga luha ko Noon pa siguro’y nagawa ko na at ikaw ay nasa piling ko na’t ako ngayo’y yakap mo. Gabi-gabi na lang, nasa isip kita gabi-gabi ring dasal na panaginip kita dinig mo ba ang mga iyak ko at aking mga sana? “Isang beses man lang sana tayo ay nagkasama”. Ano kayang pakiramdam mahawakan ang kamay mo? Sa tuwa kaya ay mapatalon ako? Mga pisngi ko ba’y mamumula o manginginig ang katawan ko? Naranasan ko man lang sanang sa tabi mo’y minsang maupo. Sa takdang panahon kaya’y makita rin kita? Ang oras ba natin ay sa wakas magtagpo na? Isang beses man lang sana masabi kong mahal kita Isang beses man lang sana... Isang beses man lang sana ....
0
Jul 19, 2020
Jul 19, 2020 at 3:12 AM UTC
Yin at Yang
Ang sabi ng mga madla Madaya ang tadhana Iibig ka na sa maling tao pa. Ngunit tadhana nga ba ang madaya O tayong mga tao lang talaga? Kay damot ng tadhana Ang taong gusto mo'y hindi makuha Bakit iyong iba wala namang ginagawa Samantalang ako'y halos umiyak na ng isang baldeng luha Hindi ka pa rin makuha Hanggang ngayo'y hinahangaan ka pa rin sa malayo Malabo mang mapansin mo Hindi mo man pansin ang presensya ko Narito lamang ako, Ipagdarasal ang kapakanan mo. Sana'y madali lang ipagsigawan Ang aking nararamdaman Ngunit alam kong tututol ang mundo Ilalayo ka sa akin ng mga tao Masasaktan lamang tayong pareho. Ang daya daya ni tadhana Ako ang unang nakahanap sa'yo Ngunit mas pinili **** mapunta sa malayo Nagkamali ako Lahat ng aking mga paratang ay hindi totoo Ikaw ang madaya Inibig kita ngunit sinira mo ako Nilisan mo ako at sumama ka sa malayo Iniwan mo ang kalahati ng puso ko Ang iba'y na sa iyo. Kaya madaya ka! Narito ako't balisa Habang ika'y nagpapakasaya Sa yakap ng iba. Madaya ka! Libo libong alaala Ang naging sandigan ko Upang ika'y bumalik at magmakaawa Magmakaawa na bigyan pa kita Bigyan ng pagkakataon na muli pang magsasama Naghintay ako ng iyong pagparito Ngunit malamig na hangin lamang Ang sumalubong sa akin. Hindi ka na maaaring bumalik pa! Bakit pa ako umaasa? Madaya ka!
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 7:25 AM UTC
Sino Ang Madaya?
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon. High school. Magkaibigan tayo noon. Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa. Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita. Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo. Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo. Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit. Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama. Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko. Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama. Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod. Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon. Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban. Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang **** sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay... "may isang pagmamahalan na naman ang namatay." Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago. Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo. Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito. Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon. Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay. Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog. Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso. Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan. Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?" Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko. "Nakita ko s'ya sa Fatima ah." "Nakakasalubong ko 'yon ah." At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam. Walong taon. Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap. Kamusta? Maayos naman, Ikaw? Okay lang din. At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa. At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin. Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas. Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon. At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon. At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala. Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na. Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
0
Oct 28, 2019
Oct 28, 2019 at 10:34 AM UTC
Ang Kwento Nating Dalawa

43
kay dami nang salita letra pasadya na ang paksa ay tadhana kung paanong sinira binuo ulit at sinira ngunit binuo ulit nito ang aking buhay parang isang laro na walang nakakaintindi ng panuntunan o meron nga ba parang isang lugar na puro ulan o puro init walang katamtaman dahil hindi nito alam ang salitang katamtaman ang alam lang nito ay pagtagpuin ang mga taong hindi naman pala para sa isa't isa o pagtagpuin sa maling lugar maling oras maling pangyayari maling edad maling sitwasyon dahil hindi nito alam ang salitang katamtaman ang alam nito ay katindihan tindi sa nagmamahalang magkaiba ng relihiyon tindi sa nagmamahalang di mabigyan ng pagkakataon tindi sa nagmamahalang nasayang ang ilang taon tindi sa nagmamahalang bata pa noon tindi sa nagmamahalang di pa alam ang ganitong sitwasyon dahil ang tadhana ay hindi alam ang salitang katamtaman dahil kung alam nya edi sana walang nasayang na mga sana
0
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 6:42 AM UTC
tadhana
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa kahit pa ilang taong hindi nagusap ay babalik pa rin sa kung anong trato sa isa't isa kaya ngayong nagparamdam ka ay mas naguluhan ako kaysa noong unang umalis ka
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:34 AM UTC
tadhana = magulo
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa parang natutulog na magkasintahang nagpapalitan ng hininga kaya nung maghiwalay tayo ay mas nawalan ako ng tulog sa pagbabakasakaling babalik ka pa
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:33 AM UTC
tadhana = tulog
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa parang tali na may buhol kaya nung maghiwalay tayo ay mas humigpit ang paniniwala ko na sa akin ka pa rin sa huli
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:31 AM UTC
tadhana = tali
Tila ako'y pinaglaruan ng tadhana Nalulunod sa mga baka sakali Bungad nito'y panandaliang tuwa sa una At pangmatagalang pait at sakit sa huli Unang yakap at halik mula sa kabiyak Nagdulot ng pagluha dahil ang tayo'y malabo maging tiyak Handa akong masaktan at bitawan ka Mamahalin kita habang may oras pa
0
May 17, 2019
May 17, 2019 at 8:41 AM UTC
Habang may oras pa
Hindi ako magsisinungaling, marami na akong nakilalang kagaya mo. Kaya laging nagtatanong mga kaibigan ko, "ano ba espesyal sa taong 'to?" Hindi ko rin masagot. Ano nga bang meron sa'yo? Saan ba ko nahulog, Sa mga ngiti **** di ko malimutan, sa kamay **** hirap akong bitawan, o sa boses **** araw-araw kong gusto marinig? Sa'yo. Sa'yo mismo, ikaw ang sagot. Ikaw ang sagot sa mga tanong ko. ngunit mananatili na lang na kulang kulang at may patlang ang pag-ibig na ito. Itinadhana tayong magkakilala ngunit hindi tayo itinadhana para sa isa't isa. Pero baka bukas, magbago ang mga bagay bagay. Baka bukas, mag-iba ang ihip ng hangin. sana na bukas, pag mulat ng aking mga mata katabi ka na. sana bukas, pag mulat ng aking mga mata, akin ka na. dumaan ang ilang bukas, may mahal ka nang iba.
0
Jun 5, 2018
Jun 5, 2018 at 1:29 PM UTC
Sana bukas
sadyang ka'y layo mo na para abutin pero nandito pa rin ako nananatiling manalangin Bathala, hanggang dito na lang ba ang aming istoryang di pa nagsisimula maari mo bang pakinggan ang tanging dalangin? sana'y pagbigyan mo lamang masilayan ang kanyang mga ngiti, kahit di na ang pagdampi ng labi, ako'y di na muli mananalig eng trans: you're just too far from the grasp now but I am still here still here wishing— praying Creator, is this really how it is for the two of us; our story that haven't even began can you please hear my only wish? may you let me just this time get a glimpse of his smile even not for the press of the lips anymore— I won't ever wish no more
0
May 6, 2018
May 6, 2018 at 12:19 PM UTC
hiling (request)
Nag kakilala Nag ka layo Hindi inaasahan na muling magtatagpo. Nag kamustahan Nag ka hiyaan Hindi kamalayan na ang mundo ay huminto. Ang mga mata kumikislap at nag uusap usap. Ang mga ngiti nagniningning at bawat salita ay kinikimkim. Tadhana nga ba ang may kapanan kung bakit ang puso ay muling nabuhayan? Sana nga tayo ay walang katapusan at mag mahalan ng walang hangganan. -MPS12
0
Aug 3, 2017
Aug 3, 2017 at 5:10 AM UTC
Tadhana
bakit ba pinagpipilitan ko pa ring ipaitindi sa iba? hindi rin naman nila talaga alam sa paningin nila, napakababaw, napakataas naman ng pangarap ko isipin mo, ako? isang simpleng babae, minamahal kang isang lalaking maraming nakaaligid? na pawa bang isa kang nilalang na taga-ibang planeta alam kong minsan ka na rin nakaramdam ng pagiging ordinaryo pero sadyang ka'y layo mo na ngayon, iba ang takbo ng mundo mo minsan inaamin kong nakakahiya, na ipagsigawan 'tong pagmamahal ko sayo pero dahil sa iniisip kong hindi nila naiitindihan at di kailanman na maiitindihan itong nilalaman ng puso ko ay ikaw sinasabi nito na mahal kita na mahal na mahal kita kahit di ko magawang ika'y lapitan dahil paano mo nga ba mamahalin ang isang taong napakalayo sayo? pero patuloy ko pa ring iniisip na mahal na mahal kita inuulit ulit kong sabihin ito kahit na alam kong di mo rin naman din ako maiitindihan oo, alam **** mahal kita pero hindi, mas higit pa sa iniisip mo gusto kita gusto kita, gusto kong mapalapit sayo na mapasaakin ka yung gaanong kagustuhan mo sa isang tao alam kong di kailanman kayang ibalik ang nararamdaman ko pero bakit ko pa rin ba ito pinagpapatuloy kung alam ko rin naman na wala tong mahahantungan napakasakit man isipin na hindi ka pwedeng mapasa akin gusto kong may makiramdam sa akin pero hindi nga nila maitindihan ikaw ang gusto ko pero napakasakit na mahalin ka bakit ba kasi ikaw pa? mahal na mahal kita gusto kong ipaalam sa'yo pero paano nga ba? kung sa una pa lang hindi mo ako maiitindihan ang tanging naiitindihan ko lang kahit napakasakit man tanggapin napakasakit man para sa'kin pero eto ang realidad na alam kong mahal mo rin ako mahal mo rin naman ako pero bilang isang tagahanga mo lamang eng trans: why am I even forcing others to understand? they don't even know in their eyes, it's so dense, I have dreams way too high think about it, me? a simple girl, loving someone like you who's surrounded and looked upon to? as if you're a being from another planet I know that you once felt what it's like to be ordinary but you're just way too far from my grasp now, your world runs differently I admit that it's embarrassing, to shout out this love of mine for you but mostly because I think that they don't understand and won't ever understand that you are the one kept in my heart it tells that I love you that I love you so much even if I can't even get near you because how can you even love someone that's so far from your reach but I kept on thinking that I love you so much I will keep on repeating this even if I know you won't even understand yes, you know that I love you but no, it's much more than what you think I want you I want you, I want to get close to you for you to be mine that kind of desire for someone you know won't ever reciprocate your feelings but why do I even continue this? if I know this would get on nowhere it pains me to think that you won't ever be mine I want someone to empathize with me but they just don't understand you're the one I want but it hurts to love you why does it have to be you? I love you so much I want you to know but how? if from the start you don't understand me the only thing I understand even if it hurts to accept it even if it hurts for me that I know that you love me too 'you love me too' but only as your admirer
0
Mar 5, 2017
Mar 5, 2017 at 10:05 AM UTC
tadhana (fate)

86
*Ba't 'di pa sabihin Ang hindi mo maamin Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin?*
0
Apr 19, 2016
Apr 19, 2016 at 4:36 AM UTC
tadhana (UDD)
Siya'y nakalaan sa'yo, Ika'y para sa kanya, Paano naman ako? Tadhana'y sadyang kay daya.
0
Jul 16, 2015
Jul 16, 2015 at 12:43 AM UTC
Paano ako?
Pabalik-balik ka Hahakbang nang pakaliwa , Hahakbang nang pakanan. Yapus-yapos ako ng aking kinahihimlayan Balakid nati'y salaming Bahagdan lamang ang kinalalagyan. Puti ang daan patungo sa iyong tuntungan Sumusulyap ka nga't Mensahe'y kusang tanong Tinipon at binahagi sa pagkatao. Malabo ang salamin sa harap Dito sa amin at sa kalye sa looban Kung saan dinudumog ito Ng mga kliyenteng Buht sa iba't ibang pintuan. Takipsilim na Tangan-tangan ko ang susi palabas Nang tumambad ka't Ilang metro lamang ang distansya. Nagtagpo ang pawang paningin Bagkus kailangan na ring pigilan ng sandali Nauna ka Pagbaba ko'y hindi na muling nasilayan Anumang aninag ng iyong lihim na pagkatao. Mayroong kumaway sa akin Isang pamilyar na tauhan sa sarili kong kwento Dati ko palang **** sa asignaturang Ekonomiks. Tinugon ko ang pagtawag niya sa akin Aba't ang oras ang huminto Ninakaw ng kanyang katabi Ang pagtingin buhat sa tumanggap ng pagtugon. Naroon ka, hawak ang manibela Ako'y nauupos na kandila Ako'y hinahanging saranggola Isang bulang hinihele ng musikang walang liriko. Hindi ako naging epektibo sa kausap Doon ang pasimula ng kwento Hihintayin ko ang muling pagsirit ng nanlilisik na araw At ang lahat ay kapwa Pausbong na ala ala na lamang.
0
Jul 3, 2014
Jul 3, 2014 at 7:12 AM UTC
Stairway to Your Heart