Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pagasa
Madaling araw, mata’y dumilat Bitbit pa rin ang pag-asang salat Kumakalam ang sikmura, pero ang lata, walang laman pa. Naglakad muli sa kanto't eskinita Umulan—basa ang katawan, nanginginig sa ginaw Bumuhos man ang ulan, walang bumuhos na barya sa kanyang lata. Isang matahimik na dasal ang binulong, “Panginoon, kahit konti lang po, tulong…” Ngunit ang mga tao’y nagmamadali Walang nakatingin, walang pumapansin. Sa ilalim ng kariton, muling nahiga Yakap ang lata, iniisip pa ba siya? Kahit minsan mahirap maniwala, Bukas ulit, haharap sa mundo dala ang lata.
0
Jul 16, 2025
Jul 16, 2025 at 5:29 AM UTC
Palimos (Part 2)
Sa bawat pagpatak ng iyong luha,sakit at hinagpis na sa puso'y nagpapasikip,ay may kapalit na ngiti pagkatapos ng hikbi at pighati. Katulad nang laging pag buhos ng ulan,na akala mo'y wala ng katapusan.Mga pagsubok na iniisip **** wala ng hanganan. Ngunit magigising ka na lang isang magaan na umaga,meron ng masisilayang Bahaghari na sa ating mga mata ay bumibighani. makikita din ang paghalik ng araw sa lupa,Kasabay ng pag-awit ng mga ibon na parang nagdadala ng magandang balita. Nagpapahiwatig na lahat ng bigat ay gumaan na,Mga pagsubok ay naglaho na. At ang bagong pag asa ay ipinagkaloob na. Lagi tandaan Huwag mawalan ng pag-asa, laging magtiwala at huwag magsawang manalig sa Dios na may likha.
0
Apr 5, 2023
Apr 5, 2023 at 3:06 PM UTC
Luha at Ngiti,Ulan at Bahaghari
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad, Ayokong maniwala sa kapalaran, Pagkat hindi na tayo mga batang Nakikipaglaruan pa Sa mga mumunti nating mga pangarap. Sa bawat desisyong ating paninindigan, Doon natin masasabing, kaya talaga natin. Mahirap man makipagsapalaran Sa mga nagtatagisang katauhan Ngunit, isipin mo, Hindi natin sila kalaban. Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya, Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng, “Magandang umaga.” O kung bakit minsan, Nananatili tayong pagod na pagod Na tila ba hinihila tayo ng Araw Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang Na magpapagal at hindi aani. Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo, Kundi iikot tayong may dahilan At hindi tayo magiging pabalik-balik. Tayo’y matututo sa bawat lubak, Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko — At tayong manananatili sa pagwagayway Ng ating mga bandera, Na hindi nagpapatangay Sa mga mistulang diktador na mga alaala. Magbibilang tayo ng araw, Ngayong taon Ngayong araw na ito, Tayo’y magsisimula — At hindi tayo magtatapos Nang walang kabuluhan Ang ating mga adhikain. Tayo ay iisa — Isa, dalawa.. Tatlo.. Tayo na — At magsimula.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 10:11 PM UTC
Simula
Sariwa pa sa aking gunita, ang unang araw na ikaw ay aking masilayan. Mga sandaling kung saan ikaw ay pinangarap na habang buhay kong paghahandugan. Naaaninag ko pa rin ang iyong pagngiting kaakit-akit, na lalong nagpapasingkit sa iyong mga mata. Kung saan sa kabilang banda'y munting lungkot ang nanahan niring puso. Pagkat di tiyak kong sa susunod na bukang-liwayway ay magiging dahilan ba ako sa iyong saya. Ramdam ko pa rin ang kabog ng aking dibdib, na tila ay sumasaliw sa yapak mo sa tuwing ikaw ay dadaan. Habang ikaw ay maamong naglalakad, Pinapangarap ko nama'y balang araw magkahawak ang ating mga kamay sa bawat paghakbang. O kay sayang balikan ang mga gunita, Kung saan nakikita ko ang iyong nakakabighaning wangis sa mga bituin ng sangkalangitan. Mga panahong hinihiling kong nawa'y makapiling ka kahit sa panaginip lamang. Minsan rin na sinasamo ko sa Poong Maykapal, na harinawa'y pagtatagpuin ang ating mga landas. At doon ay aking ipapabatid ang mga damdaming sa panulat ko lamang naipahayag. © RL Canoy |November, 2020 |
0
Nov 8, 2020
Nov 8, 2020 at 12:57 AM UTC
Gunita at Pangarap
IKA-9 NG NOBYEMBRE, 2 MIL QUINCE TAONG KASALUKUYAN KASALUKUYAN AKO NAGMUMUNI KUNG KAILAN AT ILAN ilan pa kaya sa inyo ang sa akin ay naniniwala naniniwalang kaya ko pang magpatuloy magpatuloy sa aking mga adhikain adhikain na nagsisilbing inspirasyon inspirasyong bumubuhay sa aking mga anak mga anak na gagabay sa ating pagtanda sa ating pagtanda...tanging hiling ko,tayo ay buo pa rin buo pa rin ang pananampalataya,pag-ibig at pag-asa pag-asang maituturing na ginto sa loob ng kahon loob ng kahon na siyang daanan ng mga mensahe mensaheng dapat ingatan at gawing pribado pribado na hindi tulad ng aking buhay aking buhay na nakasalalay sa mundo ng mga makata makata ng bawat lahi na minsan nang pinag-apoy ang mitsa at tuloyang  nagningas nagningas hanggang sa pumutok  ang araw ANG ARAW NG KASARINLAN ay KASAYSAYAN ng KALAYAAN! kalayaang makapagpahayag ng sariling himig at pahiwatig nitong aking IKA-DALAWAMPU'T ISANG TULA TULANG PINAMAGATAN KONG =_ PAANYAYA AT PASINAYA _=
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 12:12 AM UTC
=_ PAANYAYA at PASINAYA _=
Malamig na ang hangin Na dumadampi sa pisngi Ang usok na umiimbulog Sa langit Ay lumalamlam na sa paningin Ang tunog ng mga instrumentong pansaliw Sa tula na ginawang awit Ay di na naririnig Ang pagkalugami sa nakaraan, Ang bakas ng kahirapan Ay di na nagpapaligalig, Nagpapasimangot nang magunita sa sandali Kung noon sa bawat araw ay masigasig, Sa kinabukasa'y nananabik Di na ngayon Sapagkat sa dapithapon nahuhumaling Ang nagpupuyos na liwanag Sa dakong silangan Na dati'y mainam pagmasdan Ay nakakasilaw Ang takipsilim sumisimbolo ng kalumbayan Ay isa na na tanawin Para sa kagalakan ng kaluluwa Ang unos at karimlan Pag nasa luklukan Ay isa lamang pangkaraniwan Pag may lampara Na hindi ka iiwan
0
May 25, 2020
May 25, 2020 at 11:41 PM UTC
Lampara
Isang halimbawa ng magandang asal Mumunting dasal kanyang inuusal Pambihirang talino,  dedikasyon at dangal Siya nga ay isang **** na dapat Ikarangal Salitang ABAKADA ano nga ba ang halaga? Isang tanong sa sarili gaano siya kahalaga Sa aking agam agam,  tunay siyang pamilya Mula sa isip,  sa puso at sakanyang mga gawa Hapo man sa maghapon, puyat sa magdamag Laban sa tanghali upang isip ay malinangan Kanyang ituturo talagang kaabang abang Ito’y magagamit bilang pananggalang Bilang anak at estudyante ako ay humahanga Isa kang modelo, isang tunay na dakila Ikaw ang dahilan kaya nasulat itong tula Ito’y hindi maglalaho ng tulad ng mga bula Sa iyong mga mata,  may kislap ng Pag-asa Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming mga balsa Umalis man o mawala kasama ka sa gunita Mabuhay ka!  Mabuhay ka! Mahal ka naming talaga
0
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 7:04 PM UTC
****
Sino ka para limitahan ako sa making kalayaan sa murang edad na kung tutuusin ay batbat pa ng pakikipagsapalaran? Maglaro ng tumbang preso, tagu-taguan, syatong at bahay kubo sa bakuran ni Tagean-Tallano; unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon at mapagtanto ang kabuluhan na sa pagkakadapa'y matutong bumangon, ang mali at itama at ituwid ang baliko; Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo. Sino ka? Sino ka, at naisipang unti-unting kitlan ako ng buhay; Akong sinasabing 'pag-asa ng' inyong 'bayan' ngayon ba'y magiging kalaban ng estado't pamahalaan, nang batas ng taong tutugis at pipiit sa akin sa loob ng kulungang nakahandang pumatay ng kinabukasan? Ako dapat ay malaya, malayang maglaro ng tumbang preso, tagu-taguan, syatong at bahay kubo sa bakuran ni Tagean-Tallano; unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon at mapagtanto ang kabuluhan na sa pagkakadapa'y matutong bumangon, ang mali at itama at ituwid ang baliko; Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
0
Apr 17, 2019
Apr 17, 2019 at 7:14 AM UTC
Ako Dapat ay Malaya
ang pag-asa ng bayan, ang tanging makapagbibigay ng kalayaan, ani Rizal ay kabataan, ngunit ngayon ay nasaan?
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 11:06 AM UTC
nasaan?
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod Ibigay ang lahat ng makakaya Magtiwala sa sarili, may magagawa pa Wag mawawalan ng pagasa Manatiling nakamulat ang mga mata Sabay ibukas ang munting palad Ano mang oras darating ang hinahangad Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola Ganun kahalaga ang bawat panahon Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig Habang ang tao’y may taglay na pagibig May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig Bumangon ilang beses man madapa…. Walang tagumpay sa pagsuko Kaya laban lang ng buong puso Ipakita **** ikaw ang nararapat Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat Ang mundo ay isang parang laro May panalo at may pagkabigo Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 9:31 PM UTC
Ang Paligsahan Ng Buhay
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod Ibigay ang lahat ng makakaya Magtiwala sa sarili, may magagawa pa Wag mawawalan ng pagasa Manatiling nakamulat ang mga mata Sabay ibukas ang munting palad Ano mang oras darating ang hinahangad Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola Ganun kahalaga ang bawat panahon Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig Habang ang tao’y may taglay na pagibig May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig Bumangon ilang beses man madapa…. Walang tagumpay sa pagsuko Kaya laban lang ng buong puso Ipakita **** ikaw ang nararapat Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat Ang mundo ay isang parang laro May panalo at may pagkabigo Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
Continue reading...
37
Ngayon... Habang magkahawak ang kamay na tatalon Tayo'y magpapaalam sa panahon Kasabay ng mga alon Ay itataya ang pagkakataon Para sa pag-asang sa muli nating pag-ahon Ay maglalaho na ang ilusyon Imahinasyon.
0
Oct 18, 2017
Oct 18, 2017 at 12:33 AM UTC
Imahinasyon
Oo,napakatanga ko kasi hanggang ngayon umaasa parin ako umaasa ako na mamahalin mo rin ako umaasa ako na ang tingin mo sa akin ay pwede pang mabago Sa bawat luha ko, ngingitian mo ako sa bawat tingin ko, papatulan mo Kaya ito namang si tanga, ngayon ay umaasa umaasa sa pagibig niya na sa totoo naman ay hindi niya makukuha May umaasa kasi may paasa hindi lahat pero madami yun ang aking masasabi at wala kayong magagawa Pero seryoso, hindi naman talaga ito para sa akin ito ay para sa kaibigan kong ayaw magising sa katotohanan alam niyang paasa pero hangang ngayon minamahal niya
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:30 AM UTC
Paasa
*Ano mang sakit ang nararamdaman Ano mang pait ang pinagdadaanan Ano mang lupit ng ulan Sa dulo ng bahaghari laging may magandang nakalaan*
0
Jul 31, 2015
Jul 31, 2015 at 9:41 PM UTC
Bahaghari