Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
43 Mula sa hanay
Ng sa mga pagsubok nagtagumpay

44 Pinili ang nangunguna
Sa palakasan, pabilisan at pangingisda

45 Bilang prinsipe ng bayan
Prinsesa’y pakakasalan

46 Si Agus wala nang iba
Ang hinirang na prinsipe ng bayan nila

47 Ngunit hindi ito natanggap
Ng pumangalawang humagilap

48 Sa parehong pangarap na matayog
Na sa sikmura’y bubusog

49 Anong pait sa pumangalawa
Ang ‘di mapanalunan ang prinsesa.

-06/25/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 148
29 Ang ikalawang pagsubok ay pabilisan
Ng paglangoy mula dalampasigan

30 Ang mga lalaki na walo
Kailangang makuha ang bandilang ginto

31 Na nakatayo ng mga metrong labindalawa
Mula sa buhanging kinatatayuan nila

32 Mga banderang sa tubig nakalitaw
Na parang sa bangka’y mga paraw

33 Nakatusok ang patpat sa buhangin
Na mga paa’y aabot rin

34 Pangatlo si Agus na nakakuha
Malapit na sa dalampasigan ang una

35 Subalit kanyang ibinuhos lahat ng lakas
Naging pinakamabilis at nauna si Agus sa wakas.

-06/24/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 146

— The End —