Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Feb 2017 · 14.1k
Tayo: Ikaw At Ako
Ron Padilla Feb 2017
tayo: ikaw at ako.


kaba, takot at saya
ang pumapalibot sa ating dalawa.
ikaw na mismo ang nagpakita na
hindi dapat ako mangamba.

sa mundong hindi tumatahimik,
boses mo lamang ang aking naririnig.
at kahit anong pilit sa puso kong
hindi matahimik, hanap ko ang iyong pag idlip.

hindi ko matukoy kung ano ba talaga,
walang nakakaalam kung bakit nga ba.

hindi natin nakikita
hindi nahahawakan
hindi naamoy,
nalalasahan at naririnig.

pero alam nating dalawa.
alam natin na

tayo ay masaya.

masaya sa kung anong mayroon tayo
masaya sa kung anong wala tayo
masaya sa lahat ng bagay
basta masaya, masaya sa isa't isa.

tinangap ko na, mga ilang oras,araw at taon na ang lumipas
wala na ang sakit, wala na rin ang manhid
dahil masaya na ako kung saan ka masaya.

dito sa kung saang walang tayo
pero may ikaw at ako.


natutuwa ako sa'yo
kung pano ka natuwa para sa'kin,
napapangiti mo parin ako
kapag naririnig ko ang pangarap mo sa iba,
kung pano mo siya nakita, nakausap at higit sa lahat nakasama.

huwag ka na mag alala dahil
lagi naman ako nandito para maging gabay mo.
huwag mo na ring isipin ako masyado,
kaya ko naman na sarili ko.

paano ba naman
ikaw mismo ang nagturo sakin kung paano tumanggap ng maayos.
aba, ayos nga.  kasi hanggang ngayon kaya ko pa.

sabi nila, bakit daw hindi naging tayo.
ikaw na ang sumagot na hindi pwede maging tayo
kasi masaya ka kung anong mayroon tayo ngayon.
ngunit hindi ko na nahabol sagot ko.
"okay na akong sabihin **** tayo
huwag lang mawala ang ikaw at ako."
Jan 2017 · 5.5k
panaginip
Ron Padilla Jan 2017
habang lahat ng
bagay ay umuusad,
ikaw lang
ang naging
tanging pahinga,
tuwing ang mundo
ay bumibilis,
banayad nating dalawa
sinubukan ang tadhana.

ikaw ang panaginip
na pilit ko tulugan muli,
na kung saan ang kwento
ay naroon ka sa aking tabi,
ikaw ay alon
at ako ang dalampasigan,
kahit anong baybay
habang buhay kitang sasamahan.

nakasulat na sa
mga bituin at ulap,
kahit ilipat
sa kahit anong pahina,
at punit punitin
ang papel natin
tayo,
tayo parin ang matutuklasan.

ang sarap pagmasdan
ng iyong palad,
nakatupi sa
aking mga kamay,
tingin mo na
walang ibang dinala
'kundi kapayapaan.

ikaw ang panaginip
na pilit ko tulugan muli,
na kung saan ang kwento
ay nariyan ako sa iyong tabi,
ikaw ang buwan
na sumisilip
bago gisingin muli
ang aking araw.
Jan 2017 · 55.1k
paalam, paalam
Ron Padilla Jan 2017
hindi mo yata napansin
dahil ang bilis,
ang bilis ng pagtibok ng puso ko
ang bilis ng mga dumarating na alaala
na nakalimutan na natin kung anong mayroon tayo

ang bilis,
ang bilis lang ng mahabang panahon
na kung saan ibinigay ko na ang sarili ko
sa iyo
na kung saan wala na akong natira
para sa sarili ko

hindi ko inakala na parang kahapon lang
pilit ko sabihin na mahal kita sa kahit anong paraan
pero ngayon ay pinipilit na kitang huwag  ako pakawalan

ang bilis.
pero ang bagal

ang bagal ng sakit na idinulot nang iyong pag lisan
ang bagal ng panahon nang pag hilom ng sugat na
iniwan mo

sobrang bagal na halos nawala na ako sa kakabilang
ng oras dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko
kakalimutan ang araw na iyon.

sana sa susunod
magpapaalam ka muna bago
mo bigyan ng ulap
ang takipsilim
na sa iilang oras na lang
ay mag gagabi na.  

sa tingin ko, dapat ko munang pigilan ang
pagiisip sa mga bagay na to,
dahil alam ko naman
ni kahit isang salita ko hindi mo bibigyan ng pansin.
Sobrang daya mo naman
dahil lahat ng sinabi mo binigyan ko ng diin.
lahat ng drama mo,
lahat ng kalokohan mo
lahat ng nagmamahal sayo
lahat ng gusto mo
lahat yun alam ko.
hindi ko naman pwede ipagmayabang yun
wala lang din
dahil ang pwede malaman ng lahat
iniwan mo na ako.


wag na natin patagalin pa
dahil alam na nila
alam mo na
alam ko na rin sa sarili ko.

wag na natin ipilit yung mga bagay na wala na
ang nais ko lang naman ay ang iyong paalam
at sana marinig mo rin ang akin.

paalam na sa munting
pahayag na isinulat natin
noong tayo pa ay masaya,
madami akong natutunan
sa'yo at madami ka rin natutunan sa akin, at biglaan,
biglaan na muli nating
bingyan ng magandang pag
salubong ang pagwawakas na
kung anong mayroon tayo dahil
gusto mo na ako magsulat sa pahina ng iba ngunit
naiwan ko ang lapis na kung
saan nandoon pa sa iyong tabi

paalam na sa mga umaga na sa pag gising
ay halos ngiti agad ang nakadapi sa ating mukha
na inuunahan pa natin ang pagsikat ng araw
bago pa tayo magpaalam sa isat isa.

paalam na rin sa saya
na tayong dalawa lang ang nakaka alam

paalam na.

ang bilis lang diba?
sana kung gaano kabilis rin ang pag paalam ko
ay ganoon rin kabilis sa'yo.
paalam.

— The End —