Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kumusta na raw tayo, ang tanong nila Ewan, malay ko kung kumusta na nga ba Tayo Simpleng tanong na hindi ko alam ang sagot Ano nga bang nangyari sa “Tayo”? Inisip ko ang nakaraan Pinagmasdan bawat pagpatak ng ulan Hinanap ang kislap Ngunit tila hindi pa rin sapat Upang mawari ko ang sagot Sa tanong na bumabalot Sa ating mga puso Na pulos nagbabalatkayo Kumusta na tayo? Anong nangyari sa magandang kahapon? Bakit sa aking muling paglingon, Ikaw na rin ay nakatalikod? Hindi ba’t iyong sinabi Na sa piling ko ika’y mananatili? Bakit sa bawat paglakad mo Ikaw ay palayo nang palayo? Hindi ba may usapan tayo Na sa akin ka patutungo? Nasaan na ang mga pangako Na sinabi **** di mapapako? Kumusta na tayo?
0
May 21, 2014
May 21, 2014 at 10:54 PM UTC
Kumusta na tayo?

Ikaw lang ang sagot.
dramachine
Written by
May 21, 2014
May 21, 2014 at 10:54 PM UTC
Request permission to use this poem