Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ang wikang nanlaban, ay ang wikang nanatili. Ang wikang di nag-atubili, ay ang wikang nagwagi. Ang wika ng mga matatapang, ay ang wikang di maaagawan. Ang wikang awitin ng araw at ang wikang tula ng buwan. Ang wikang harana ng habagat at ang wikang isinulat ng dagat. Ang wikang ibinaybay ng alon at ang wikang di aanurin ng baybay. Ang wikang sinambit ng mga ninuno na kailanman ay di mamamatay. Ang wikang ginamit ng mga bayani na habambuhay nang mamamalagi. Ang wikang matapang, ang wika ko magpasawalang-hanggan.
0
Aug 17, 2024
Aug 17, 2024 at 5:49 AM UTC
Ang Wikang Matapang

Isang oda sa Tagalog, ang wikang matapang at ang wika ng mga matatapang. Para sa buwan ng wika.
ang_lakambini
Written by
Aug 17, 2024
Aug 17, 2024 at 5:49 AM UTC
Request permission to use this poem