Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
021824 Ikaw ang Buhay, ang aking Hininga Ang nagdudulot sa bawat pintig Na noo’y nais nang mamahinga. Ikaw ang Pangakong aking panghahawakan, Ilalaan Sa’yo ang lahat Nang walang hinihinging kapalit. Ikaw ang Pagsinta Sa gitna ng mga mapapait na nobela — Nobelang akala ko’y syang bubuo sa’king pagkatao. Ikaw ang Lunas sa bawat sakit, Sa bawat hapding walang ibang makapagpapagaling… Ikaw ang aking Kagalingan. Sa libis at parang Ako’y kusang hahakbang. Na kahit ang dilim ay walang kapangyarihan. Ikaw ang Aking Liwanag — Akayin Mo ako hanggang sa huling hininga’t Salubungin ako ng pag-ibig **** walang kapantay.
0
Feb 18, 2024
Feb 18, 2024 at 9:35 AM UTC
Ikaw Hanggang Dulo

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Feb 18, 2024
Feb 18, 2024 at 9:35 AM UTC
Request permission to use this poem