huli na nang malaman,
ikaw pala ay bituin
talagang lubhang naakit
sa ningning na angkin
lumipad nang napakalapit,
nagningas ang bagwis
naubusan ng hininga
nang lumabas ng daigdig
sa kawalan ng kalawakan,
bumulusok nang kay bilis
huli na nang malaman,
ikaw pala ay bituin
nakabibighani lamang
sa malayong tingin
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:25 AM UTC
huli na nang malaman,
ikaw pala ay bituin
talagang lubhang naakit
sa ningning na angkin
lumipad nang napakalapit,
nagningas ang bagwis
naubusan ng hininga
nang lumabas ng daigdig
sa kawalan ng kalawakan,
bumulusok nang kay bilis
huli na nang malaman,
ikaw pala ay bituin
nakabibighani lamang
sa malayong tingin
