Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
081716 Inagaw ko ang silya kay Itay, Nagdabog at nagkalansingan ang hain Niya; Nilisan Siya kahit may habilin pa. Nagmamadali ako, ayokong mahuli. Pero ang oras, Siya pala ang Eksperto. Nadapa, nasugatan -- Umiyak ako sa sobrang sakit. Di bale nang pagalitan ako ni Itay, Gusto ko lang talagang makauwi. Kaya't bumalik ako, Hindi ko napigilang mas umiyak pa Nang yayain Niya ako sa Hapag-kainan. "Kain na, anak." Parang walang nagbago. Alam ko, bawal ang "Tayo" Kaya umupo ako sa silyang alok Niya. Saka na ako tatayo, Ayoko na kasing mauna. Bahala na si Itay.
0
Aug 25, 2016
Aug 25, 2016 at 8:57 PM UTC
Bawal TAYO, Pwede UMUPO

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Aug 25, 2016
Aug 25, 2016 at 8:57 PM UTC
Request permission to use this poem