Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nadudurog na ba ang dila mo? Ikaw ba'y naghihingalo na? Nagsasawa ka na ba? Sabihin mo nga, nadudurog na ba ang dila mo sa tuwing binibigkas mo sakin ang mga salitang "Mahal kita" Ngunit siya ang nais **** makaharap? Dahil ramdam ko ang pait sa iyong dila sa bawat letra. Alam kong ayaw **** ipakita na nahihirapan ka na. Pero mahal, sabihin mo kung suko ka na. Dahil nauubusan na ko ng rason para manatili pa. Kung sabihin ko ba sa iyo na ramdam kong nalalapnos ang iyong balat sa tuwing niyayakap kita. Hindi mo ba halata? Wala ng init na dumadaloy sa ating dalawa. Parang kapeng naiwan, onti onting nanlalamig na ngunit hindi ko malimutan ang pasong iniwan mo saking mga labi. Kung ako na kaya ang bumitaw? Mahihirapan ka pa ba? Madudurog ka pa ba? O di kaya ikaw na ang magsabing "Ayoko na" Sabihin mo nga, Magdurugo ba ang iyong dila?
0
Jul 8, 2015
Jul 8, 2015 at 5:09 AM UTC
Nadudurog na ba ang dila mo?

c-entralperked
Written by
Jul 8, 2015
Jul 8, 2015 at 5:09 AM UTC
Request permission to use this poem